-- Norman's POV --
Bakasyon na... matagal-tagal narin pala ang nakalipas mula nung huli naming pag-uusap ni Laika. Sorry ako ng sorry noon sa kanya pero hindi niya ako pinapansin. Wala na akong balita sa kanya. Dineactivate na nya ang mga accounts nya sa mga networking sites. Di ko nadin siya macontact sa cellphone number niya...
* * *
One day, naglalakad ako sa mall papuntang Time Zone para mag-arcade. Wala kasi akong magawa sa bahay namin dahil mag-isa lang ako ngayon; lahat sila nagbakasyon. Hindi naman ako mahilig sa mga outing kaya nagpaiwan nalang ako.
Napalingon ako sa Music Store kaya pumasok muna ako. As usual, doon ako dumiretso sa Drums section. Sobra akong naaliw sa mga drumsticks na nakadisplay. Kakatingala ko ay di ko napansing may kasalubong pala ako sa dinadaanan ko...nagkabunggo tuloy kami at nalaglag ang mga dala nya. Syempre yumuko agad ako para pulutin ang mga gamit na nalaglag nya.
Nakaramdam ako ng kakaiba. Bumilis ang tibok ng puso ko. Yung mga pinupulot ko kasing gamit ng nakabunggo ko ay puro may design na Superman. Tumayo na agad ako para iabot sa kanya ang mga gamit nya.
"Sorry miss..." sabi ko. Nagkatitigan kami. Parang nag-slow motion ang takbo ng paligid. Di ako makapaniwalang magkikita ulit kami.
"I need to go." Sabi nya at nagmamadali syang lumabas sa Music Store. Gusto ko syang habulin pero di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
* * *
Di nadin ako tumuloy para mag-arcade. Mas pinili ko nalang na umuwi na agad. Pag dating ko sa bahay ay tulala padin ako.
Nung nakita ko sya, nanumbalik lahat. Nanumbalik yung guilt sa ginawa ko sa kanya. Nanumbalik yung panghihinayang sa nawala naming pagkakaibigan. Nanumbalik yung sakit ng nakaraan. Nanumbalik yung inis ko sa sarili ko dahil naging duwag ako at pinairal ko yung takot kong aminin sa kanyang mahal na mahal ko sya...higit pa bilang isang kaibigan.
Mula pa nung nagZipline kami ni Laika, naramdaman ko nang espesyal ang nararamdaman ko para sa kanya. Mapapatunayan mo palang mahal mo ang isang tao pag nagiging masaya ka pag nakikita mo syang masaya kahit hindi ikaw ang dahilan kung bakit ngumingiti sya.Kitang kita kong sobrang saya nya nung araw na yun. Masaya nadin akong naging pansamantalang Superman niya ako.
Gusto ko din sanang si Laika ang naging prom date ko. Niyaya ko lang naman si Ariana na maging prom date ko dahil sinabihan ako ng daddy nya na gusto daw nila akong maging prom date ni Ariana. Honestly, nakamove on na ako sa kanya that time. Pinangakuan ko lang din sya ng isang bouquet ng roses dahil birthday nya sa mismong araw ng prom.
Nakakapanghinayang din kasi nag-ipon na ako ng lakas ng loob noon para aminin kay Laika ang nararamdaman ko. Balak ko sanang sya ang maging last dance ko at ibubulong ko sa kanya ang feelings ko habang sumasayaw kami. Kaso, nakakatatlong sayaw pa nga lang ay napaaway na nga ako. Nung nasigawan ko sya, di ko sinasadya yun. Dala lang siguro ng init ng ulo.
* * *
Bago ako matulog, may ipinagdasal ako kay God. Ipinagdasal kong sana bigyan pa nya ako ng isang pagkakataong magkita ulit kami ni Laika at sa pagkakataong yun, desidido na akong aminin sa kanyang mahal na mahal ko siya.
BINABASA MO ANG
Bestfriends Turned Lovers || Tagalog
Teen FictionAre you willing to risk your friendship in exchange for the love that you always dream of?