lose

702 11 0
                                    

"Nagustuhan mo ba yung Kare-kare kagabi? O medyo matabang?" pinapasigla niya yung usapan pero tumutulo na yung luha nya.

"Khai, wag mo namang pahirapan yang sarili mo. Alam kong nasaktan ka. Alam kong galit ka sakin. Sampalin mo ako. Sumbatan mo ako. Ilabas mo kung anong nararamdaman mo. Naiinis na din ako sa sarili ko kasi ikaw nalang lagi yung nag-eeffort sa atin. Wala na akong ibang alam gawin kundi saktan ka. Nahihiya na ako sayo..." tumulo na din ang luha ko.

"Alam mo Norman, sa totoo lang...gusto ko nang sumuko. Gusto ko nang mapagod. Pero kasi, may mga bagay na sa'yo ko lang naramdaman...Ikaw yung kasiyahan ko. Ikaw yung energy ko. Kaya kahit ang sakit sakit na, di kita kayang iwanan. Kailangan kasi kita eh. Mahal kasi kita. Alam mo namang kaya kong magtiis eh pero sana wag mo naman akong sagarin. Sana sinabi mo nalang kagabi na wag na kitang hintayin kasi tinatamad kang pumunta para sana di ko na nakita. Minsan naman magsinungaling ka din para lang wag naman ako masaktan ng ganito..."

"Sorry Khai. Alam kong hindi sapat. Pero sorry talaga...di ko na uulitin." hinawakan ko ang kamay niya pero tinanggal niya.

"Mahal na mahal kita Norman pero ang hirap na. Di na talaga kaya nito eh..." tinuro nya ang puso niya.

"Wala na ba talaga? Ayaw mo na ba talaga?" tanong ko sa kanya.

"I think mas magandang bigyan muna natin ng panahon ang isa't isa. Isipin muna natin kung ano ba talagang gusto natin para hindi tayo ganito...Norman, mag-break muna tayo." sabi niya.

"Wag naman Khai...wag naman please. Di ko kaya eh..."

"Kailangan nating kayanin Norman. Thank you & Sorry. Bye na."

Parang guguho ang mundo ko. Di ko na alam kung anong sasabihin ko. Parang di ko na siya macoconvince. Lumabas na ako ng bahay. Ayaw na nga ata talaga niya...rerespetuhin ko nalang kahit masakit.

* * *

Lumalakad ako pero di ko alam kung saan ako papunta. Para akong living dead. Wala ako sa sarili ko. Di ako makapag-isip...di ko na alam. I don't know anything anymore.

Wala akong kwenta. Masyadong mabait si Laika para sa akin. Ni hindi ko man lang masuklian lahat ng effort niya. Mahal na mahal ko siya. Sobra. Pero bakit ako nagkakaganito?

"Isang pagkakataon pa please..." nasabi ko sa sarili ko.

-----

-- LAIKA'S POV -

"Everything I know about love, I learned from you...from you.

And everything I know about pain, I learned from you...you.

You were my only. You were my first...

So, thank you for the broken heart. And thank you for the permanent scar."

Si Norman ang first love ko.

Si Norman ang first boyfriend ko.

Sa loob ng apat na taon nung highschool kami, si Norman lang ang minahal ko.

Nung naging kami, si Norman lang ang tiningnan ko.

Si Norman lang ang nagpapatawa sa akin ng sobra.

Si Norman lang ang nakakapag-pagaan ng loob ko tuwing may problema ako.

Pero, si Norman din ang dahilan kung bakit sobrang nahihirapan ako ngayon.

* * *

Sa pagmamahal daw, di ka dapat magkulang...pero di ka din dapat sumobra. Dapat daw tama lang. Nagkulang ba ako kaya humanap siya ng iba para punan ang mga pagkukulang ko o sumobra ako kaya nasakal siya at humanap nalang ng iba? Di ko na alam kung saan ako lulugar. Ayoko naman talagang makipag-break eh...nakakapagod lang kasi. I think I need to give my heart a break.

* * *

Nakakainis naman 'tong panahon. Umulan pa! Mas lalo tuloy nakaka-senti... :( Nakakamiss tuloy yung Superman na mahilig maligo sa ulan ;(

Biglang tumawag si Karim sa akin...

"Hello?"

"Khai, galing ba si Norman dyan?"

"Oo. Bakit?"

"Nakasalubong daw ng kapatid ko eh. Halatang umiiyak daw kahit basang-basa sa ulan."

"Uhm...kasi we just broke up." I explained.

"Ha? Bakit? Nung tinanong daw ni Karen kung saan sya papunta, sabi daw ni Norman bahala na."

"OMG..." biglang nagsink-in sa akin na kapag nabobroken si Norman, kung anu-anong naiisip gawin nun. Nung unang beses na binasted nga sya ni Ariana, gusto nang tumalon nun sa tulay. Dumb@ss!

"Mahal mo pa ba?" nagulat ako sa tanong ni Karim.

"Syempre naman..." I answered.

"Edi habulin mo na bago pa gumawa ng kung ano yun! Pa-break break ka pa dyan Khai...kilala kita! Weak ka!" he laughed.

"Shut up weakling! Osige Karim...bye na. Thank you ah?" then I hang up the phone.

Oo nga naman...mali ako.

If there's a problem, cut the pride...not the relationship.

* * *

Bestfriends Turned Lovers || TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon