-- LAIKA'S POV -
Di ako makatulog. Di ko inexpect na magkikita ulit kami ni Norman. Mix emotions ang nararamdaman ko. Masaya akong nakita ko ulit sya pero nakakalungkot isipin na yung dating malapit naming pagsasamahan ay napalitan na ng ilangan.
* * *
Nandito nanaman ako sa mall ngayon. Honestly, mula nung araw na nagkita kami ni Norman ay di na ako komportableng mag-mall dahil natatakot akong magkrus nanaman ang landas naming dalawa. Di lang kasi ako makatanggi sa guy friend kong si Karim dahil minsan lang naman sya humiling sa samahan ko sya.
"Khai , magkita nalang tayo mamaya sa Yellow Cab. May bibilin lang ako sa Cyber Zone." Iniwan muna ako sandali ni Karim. Kinakabahan nanaman tuloy ako kasi mag-isa lang ako.
Tinuloy ko lang ang paglalakad ko kahit di ako mapakali.
"Khai..." isang boses mula sa likod ko ang tumawag sa pangalan ko.
Huminga muna ako ng malalim bago lumingon. Eto na nga ba ang iniiwasan ko, si Norman.
"Sabi ko na nga ba, magkikita ulit tayo." Sabi nya. Di ko alam ang isasagot ko. Di ko alam ang gagawin ko. Ang alam ko lang, di ko pa sya kayang harapin ngayon kaya tumakbo ako para iwasan sya.
Di ko na inaalala kung nabubunggo ko yung mga tao sa kakatakbo ko. Ang mahalaga, makalayo ako at makaiwas kay Norman. "Khai, mag-usap tayo!" sigaw nya habang hinahabol nya ako.
Nakalabas na ako ng mall kakatakbo. Argh! Bakit ngayon pa umulan? Pag lingon ko ay nasa likod ko na sya.
"Khai, kausapin mo naman ako oh. Sandali lang naman eh... kahit isang minuto lang." sabi nya. Pero di ko talaga kayang marinig ang paliwanag nya kaya kahit umuulan ay tumakbo ulit ako. Sa pagmamadali ko ay masasagasaan na sana ako pero hinila ako ni Norman. Napaupo kaming dalawa at basang-basa na kami sa ulan.
"Okay ka lang ba?" tanong nya. Di ako nakasagot at di ko din napigilang umiyak. Niyakap nya ako ng mahigpit at bumulong sya, "Ingatan mo ang sarili mo...please." Tumayo na sya at tinayo narin nya ako.
"Norman, I'm giving you 30 seconds. Sabihin mo na lahat ng sasabihin mo...hinihintay nadin siguro ako ng kasama ko." Nagtapang-tapangan nalang akong sabihin yun para matapos nadin tong usapan namin. Di na kaya ng puso ko ang sitwasyon namin ngayon...
"Khai, please give me another chance. I hope it's not yet too late. I love you Laika Evangelista...I mean it!" and he kissed me on my forehead. Tears rolled down my cheek.
"Norman naman eh! Bakit ngayon mo lang sinabi?" sabi ko at sabay kaming napangiti.
"Di ka naman nagtatanong eh. Stupid!" he replied. Nagtawanan kami at niyakap nya ako ng mahigpit.
"I love you too Superman." I whispered.
* * *
It really feels like a fairytale. Kayakap ko ngayon ang taong mahal ko sa gitna ng ulan. Kung panaginip 'to, parang ayaw ko nang magising.
Bigla kong naalala na naghihintay pala si Karim sa akin kaya bumitaw na ako sa pagkakayakap sa akin ni Norman. Tumabi muna kami at tinawagan ko si Karim para sabihing puntahan nya ako sa entrance. Buti nalang, di masyadong nabasa tong cellphone ko.
After 5 minutes, dumating na si Karim. Worried na worried ang itsura nya.
"Laika, are you okay? Bakit basang-basa ka?" tanong nya.
"Don't worry about me. By the way, this is Norman. Siya yung binabanggit ko sayo." Nag-shake hands silang dalawa.
"Nice to meet you Norman. I'm Karim. Boyfriend ni Laika." di ako nakapagsalita sa sinabi nya.
"Ganun ba pre? Sige, mauna na ako. Take care of her." Tumitig sa akin si Norman. Halatang gulat at disappointed siya.
"Norman, wait!" hahabulin ko sana sya pero hinawakan ni Karim ang kamay ko para pigilan ako.
"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko sa kanya.
"Sabi mo ayaw mo na syang makita. Sabi mo kakalimutan mo na sya.Tinulungan lang naman kita eh." Paliwanag nya.
"Ang hirap sayo, nagdedecide kang mag-isa. Thank you nalang sa tulong mo! Bye!" pumara na ako ng taxi at iniwan si Karim.
* * *
BINABASA MO ANG
Bestfriends Turned Lovers || Tagalog
Teen FictionAre you willing to risk your friendship in exchange for the love that you always dream of?