my

1.2K 21 1
                                    

Nagbihis na ako at umalis na kami ni Norman. Malayo-layo narin ang nilakad namin hanggang napahinto ako...

"Teka nga... san ba tayo pupunta? Galing na tayo dito kanina eh. Umiikot lang tayo." Pero hindi sumagot si Norman.

Tiningnan ko siya. Sabi ko na nga ba. Eto nanaman siya... umiiyak.

"My God Norman! Nag-away nanaman ba kayo ni Ariana?" pero di padin sya sumasagot at mas lalo pang lumakas ang pagiyak nya.

"Tara sa heaven!" niyaya ko siya.

Ang "heaven" na tinutukoy ko ay yung bakanteng lote sa dulo ng village namin. Wala laging tao dun kaya inangkin na namin... tambayan namin yun kapag we need peace and silence.

* * *

Bakit ganun no? sa buhay, hindi lahat ng mahal mo ay pwedeng maging sayo. May mga taong nandyan pero di mo pwedeng angkinin at itagong parang sayo sya dahil ang puso nya ay may mahal na iba. Kaya dapat marunong kang bumitaw at tanggapin nalang ang katotohanang minsan kung sino pa yung mahal na mahal mo ay siya pang hindi pwedeng maging sayo.

Sana ganun lang kadali sabihing: "Norman, ako nalang. Hindi ka naman niya mahal eh."

Pero hindi eh. Mahirap sobra. Hay naku! Kinakausap ko nanaman ang sarili ko. Pano naman kasi! Si Norman ayaw pang makipag-usap... ang tagal na nyang nagmumukmok sa gilid. Tapos narin ata siyang umiyak. Siguro pwede ko na syang lapitan.

"Norman, baka naman gusto mong ikwento kung anong nangyari?"

"Khai, ang sakit. Ang hirap na pero di ko kayang wala sya.." mahina ang pagkasabi nya at nakayuko lang sya.

"Kaya mong wala sya. Ayaw mo lang talaga! Ano nga muna kasing nangyari?"

"Si Ariana at Koji... mukang magbabalikan eh." Eto nanaman siya. Ilang beses na ba nyang pinroblema to? Ilang beses nadin akong nagpayo sa kanya. Ewan ko ba kung anong meron dun kay Ariana para magkaganyan sya.

Gwapo si Norman. Mabait, gentleman at ideal guy talaga pero sa kabila nun, nagpapakatanga siya sa isang babae. Pumayag siyang maging REBOUND. Pumayag syang maging panakip butas. Pumayag syang maging fake boyfriend ni Ariana para pagselosin yung Koji na ex ni Ariana. Haaaaaay! Nai-stress ako kay Norman!

Nauubusan na ako ng ipapayo sa kanya. Nakakapangubos nadin sya ng pasensya pero di naman ako makapagquit bilang bestfriend niya kasi ako lang naman ang inaasahan niya. Masiyahin siya sa harap ng iba pero ang totoo punung-puno sya ng problema... at ang mahirap pa dun, ako lagi ang tagasalo niya. Minsan ayoko nang pakinggan kasi mas nahihirapan ako pag nakikita kong ganyan sya. Kung pwede lang na iuntog ko na sya sa pader para matauhan sya. HEY NORMAN, I EXIST!

"Uy Khai! Bakit natulala ka na?" tinapik niya ako sa balikat.

"Norman, papayuhan pa ba kita? Hindi ka naman natututo eh! Di ka nakikinig! Ipipilit mo padin naman yung gusto mo!" napupuno nako sa lalaking to eh! Manhid na masyado!

Niyakap nya ako habang nakahiga sya sa balikat ko at nagpacute sakin.

"Hay naku Norman! Di mo ako makukuha dyan sa pag-nguso mo." Pero deep inside kinikilig na ako. Haha! Ang cute nya naman kasi e.

"Sorry na Khai... alam mo naman ikaw lang nakakaintindi sakin eh. Promise makikinig nako." Nag-smile nanaman siya.

"Diba nakipagbreak na si Ariana nung nakaraan? Ano nanamang inaarte mo?"

"May iba na ata si Koji eh. Pano na si Ariana diba? Kaya plano ko sanang makipagbalikan." Anak ng! Ang babaw! Wala ba talaga common sense tong lalaking to? Feeling ba nya sya ang kailangan ni Ariana ngayon? Jesus!

"Norman, hindi porket mahal mo pa sya ay makikipagbalikan ka na. bakit? Pag nahulog ba yung kinakain mo pupulutin mo parin kahit madumi na dahil lang nagugutom ka pa?"

"Pero..." sasagot pa sana siya pero inunahan ko na syang magsalita.

"Make sense Norman! Wag kang tanga! Kung binitawan ka na, hayaan mo na!" natawa sya sa sinabi ko pero wala naming nakakataawa dun diba? Nangaasar lang ata tong kumag na to eh!

"Anong nakakatawa dun? Nakakainsulto ka na ah!" hinampas ko sya.

"Makasabi ka naman kasi ng tanga... ikaw nga dyan umaasa pa din dun kay Superman mo!" eto nanaman sya. Inaasar nya ako kay Superman porket alam nyang weakness ko yun. Kung alam lang sana nyang sya yun.

"ANO BA!? Seryoso ako ah! Pinasok mo nanaman si Superman sa usapan! Wala namang point tong usapan na to. Besides, malaki ka na.Decide for yourself." Tumayo na ako at lumakad...

* * *

-- Norman's POV -

"Uy Khai! Hintayin mo naman ako!" tumayo nadin ako at hinabol siya para sabayang maglakad.

Pikunin talaga tong si Laika pag yung si Superman na nya ang pinaguusapan. Sa tagal ng pinagsamahan namin, never manlang nyang pinakilala si Superman sakin. Since second year highschool pa kami mahal na mahal na daw nya yun. Wala akong clue kung sino yun kasi wala naman akong nakikitang ibang guy na malapit sa kanya. Wala din naman siyang ibang lalaking nakakatext o nakakachat bukod sa akin. Nageexist ba si Superman? Baka naman may nakikita si Laika na hindi namin nakikita? Hahaha weird!

"Bakit ka natatawa dyan?" napahinto sya sa paglalakad at medyo masama ang tingin sakin. Infairness, ang cute nya pag napipikon.

"Hintayin mo kasi ako." At sabay na kaming naglakad.

"Paano mong makikita yung taong magpapasaya sayo kung nakapikit pa rin yang mata mo kakaiyak sa maling tao?" pabulong nyang sinabi. Mahina pero narinig ko...

"May sinasabi ka?" tanong ko sa kanya. Patay malisya kunyari.

"WALA! Sabi ko bilisan mong maglakad!" denial nanaman sya. Infairness, ang lalim ng pinaghugutan ng sinabi nya. Broken siguro 'to!

* * *

Sobrang swerte ko dito sa bestfriend kong si Laika. Kahit pikunin sya, napakatyaga nyang magpayo ng magpayo sa akin. Feeling ko nga minsan mauubusan na siya ng pasensya sa sobrang pagkapasaway ko. Maganda siya at matalino. Marami ngang nanliligaw sakanya sa school namin eh pero lahat nirereject nya. Guys can't even stand a chance. Di naman nya nababanggit na may balak syang magmadre pero parang wala syang balak magboyfriend. Bukod kay Superman, wala nakong ibang alam about her lovelife. O baka hindi lang siya comfortable na mag-open up sakin...daya!

* * *

Napahinto ako sa nadaanan namin. "Khai, wait lang." Nakadisplay padin pala sa Music Store yung gustung-gusto kong drumsticks.

"Gusto mo talaga yan no?" nakangiti nyang tanong sakin.

"Oo sana eh. Kaso may iba kasi akong pinagiipunan. Mas priority ko yun sa ngayon."

"Huh? Yung ano?"

"1 bouquet of pink roses para sa JS Prom." Sabi ko.

"Di ka nakikinig no? sabi ni Maam Garcia, guys are required to bring 1 pc. of rose only for their dates."

"I know! But I want to surprise my prom date...Ariana is special. A piece of rose is not enough...she deserves a bouquet."

"Fine!" sabay talikod niya sakin. Bakit ba ang init ng dugo niya kay Ariana? Type nya siguro si Koji. HAHAHA!

Umuwi nadin kami ni Laika. Yung drumsticks...makakapaghintay naman yun.

"Teka lang Khai. Sino palang prom date mo?" kanina pa sya tahimik kaya sinubukan kong kausapin sya.

"Bakit mo tinatanong? Do you even care?"

"Ang sungit mo naman! Ofcourse I care...I'm your bestfriend remember?"

"Bye Norman...See you tomorrow." Di ko namalayang nasa tapat na kami ng bahay nila. Kaya ayun, pumasok na siya. Bastusan! Ganyan ba talaga ang mga babae? Di ko maintindihan ang mood swings nya.

"Okay bye...sungit mo!" asar ko sa kanya.

Bestfriends Turned Lovers || TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon