--------

116 5 0
                                    

Teaser.


Nag sulat ako ng story about vampire..sana basahin niyo din. Here's the teaser.

Malalim na ang gabi ng lumabas ng kanilang bahay ang isang magandang babae na nagngangalang Callidora. Habang siya ay naglalakad nakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang paligid. Pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya, kaya naman siya ay huminto at tumingin sa kanyang paligid ngunit wala naman siyang napansing kakaiba Kung kaya't ipinagpatuloy na lamang niya ang paglalakad.

Matapos ang ilang minutong paglalakad. Nakarating na siya sa plaza upang manood ng mga sumasayaw. Ngunit hindi pa man lumilipas ang isang minuto ay naramdaman na naman niya ang pakiramdam na parang may sumusunod sa kanya ngunit binalewala niya nalang ito at itinuon ang kanyang pansin sa mga sumasayaw. Ngunit sa kasamaang palad bigla na lamang may sumingit na malaking tao sa kanyang harapan. Kaya naman naisip niya na umuwi ng kanilang bahay dahil hindi na rin naman siya makakapanood.

Naglalakad siya ulit pero pakiramdam na naman niyang may smusnod sa kaniya dahil siya nalang ang naglalakad. Binilisan niya ang paglalakad hanggang tumatakbo na siya.

Bigla siyang na pa hinto na may nakita siyang naglalakad na mga lalaki na nakaitim at may mapupulang mata. Tumalikod siya pero meron din ditong tatlong lalaki na umanoy papunta sa kanya. Namumula na siya sa takot dahil sa nakikita nyang mapupulang mga mata.

"Nakita din namin ikaw Callidora"sabi ng isang lalaki na may pulang mata hindi ako nag kakamali ito si Marcellus

"Ba-bakit niyo ako kakilala"nauutal na sabi ni Callidora

"Alam mo bang ang tagal na naming gustong makuha ka"malamig na sabi ni Amber

"Ano ang kailangan niyo sa akin?"nagtatakang tanong ng dalaga

"Simple lang. yung kapangyarihan mo"nagulat ang dalaga sa sinabi ni Magnus

"Kapangyarihan?"nagtatakang tanong ulit ng dalaga

"Ano ang pinagsasabi niyong kapangyarihan mga naka drugs ba kayo kasi ang pupula ng mga mata niyo"inikot niya ang kanyang mata sa mga lalaking nakatingin sa kanya

"Kunin niyo na siya"sigaw na utos ni Amber

Napaatras naman ang dalaga dahil papunta na ang mga kalalakihan.

"Huwag kayong lalapit sa akin"nangangatal na ang tuhod ni callidora

Malapit na ang mga lalaki agad siyang tumakbo ng mabilis pero hindi pa naman kalayuan agad ng hinila siya ng halaman na kapangyarihan ni Marcellus.
Hindi makagalaw ang dalaga sa sakit ng pagkakahigpit ng halaman sa kanyang katawan kaya wala siyang magawa kundi magpupumiglas kahit walang nagyayari.

"Wag mo ng subukan Callidora ang susunod namin ay ang kapatid mo ang tagal namin kayong gustong makuha kayo ng ate mo, para sa inyong kapangyarihan kala siguro ni Alexander at ni Ileana hindi namin kayo matatagpuan nag kakamali sila"papalapit siya sa nahihirapang dalaga

"Bakit mo kilala ang mga magulang ko at ang kapatid ko ano ang sinasabi mong kapangyarihan? hindi kita maintindihan"nahihirapang sambit ng dalaga na kunti nalang parang madudurog na ang kanya buto sa higpit ng halamab sa kanyang katawan

"Hindi pa ba sinasabi sa iyo ng kapatid mo na ikaw ang itinadhana na may napakalakas na kapangyarihan sa mga vampire. Ang kapatid mo ay isa ng ganap na bampira na. Gusto mo ba na maging isang ganap na bampira ka?"hinahawakan niya ang mikha ng dalaga na nahihirapan na

"Wag mo akong hawakan"pilit parin siyang nagsalita kahit nahihirapan na

"Totoo nga na maganda kayong dalawa pero mas maganda ka sa kapatid mo Callidora "naglabas ito ng yelo sa kamay at hiniwa ang mukha ng dalaga na naiiyak na sa sakit

"Walang hiya ka!!"nahihirapang sabi niya tumulo na ang dugo na galing sa pisng niya na agad naman dinampian ng kamay ni Amber at tinikman ang dugo ni Callidora

"Ang sarap ng dugo mo Callidora it's perfect blood unahan ko na si Creigthon Devlin ang Pangalawang prinsipe ng Marcadenya sa pag kagat sa iyong leeg at inumin ang iyong napakasarap na dugo"hinawi na ni Amber ang buhok ni Callidora at aakma ng kakagatin na nakaramdam ng mainit at napatingin sila sa mga Devlin na kasama si Creigthon ang hari ng mga apoy

"Wag mo siyang kakagatin Amber sa akin ang babaeng iyan"mayabang na sambit ni Creigthon ang pangalawang Prinsipe ng Marcadenya

"Sino na naman kayo?"tuluyan ng pumikit ang mga mata ng dalaga na agad namang nakapunta si Cyprian na agad hiniwa ang halaman na nakapalupot sa katawan ng dalaga

Biglang dumating ang kapatid ni Callidora na si Ambrosia na kasama si Timothy ang kanyang destiny.

"Walang hiya ka Amber pag may nangyaring masama sa kapatid ko mapapatay kita"agad pumunta si Ambrosia sa kapatid at ito ay inihiga sa kanang hita

Nag lalaban naman ang mga lahing Husher at Devlin.

"Callidora gising na nandito na si ate"kinapa niya ang leeg ng kapatid na maramdaman niyang wala ng pulso nito agad niyang tinawag si Creigthon.Dahil maaaring mamatay ang kapatid niya dahil sa higpit ng pag kakatali nito sa halaman.

"Creighton!"sigaw ni Ambiosia na nagpalingon naman kay Creighton

"You need to bite Callidora kung hindi mamatay siya ng tuluyan"sigaw uli ni Ambrosia na agad namang pumunta si Creigthon na wala pang segundo na agad na itong nasa harapan at naka tingin sa walang buhay na dalaga

"Creigthon you need to bite her Now!"utos ni Ambiosia

Lumuhod na si Creigthon at kinuha si Callidora sa hita ni Ambrosia at agad niya itong kinagat sa leeg ang dalaga na wala ng buhay.

Habang pakagat si Creigthon sa leeg nh dalaga ay agad namang may tumusok sa braso niya na yelo. Ang kapangyarihan ni Amber ang hari ng nyebe. Pero hindi ininda ni Creigthon abg sakit dahil ang mahalaga sa kanya ay ang mabuhay si Callidora sa oras na ito.

Habang kinakagat ang leeg ni Callidora ay nakatitig lamang ang kanyang kapatid sa ginawang pagkagat ni Creigthon.

Pamaya maya dumilat na ang dalaga at napatingin sa kanyang kapatid at sa lalaking kumagat sa kanya pero bigla na naman itong nahimatay.

Kinapa ulit ni Ambrosia ang leeg ng kapatid niya tiningnan niyang kung may pulso na ito.

"She's alive"sambit ni Ambrosia kay Creigthon








Kimyyah_16

Deal For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon