11- Vice's Vacation

788 7 0
                                    

A/N: Update again sibbies :")

Anyone's P.O.V

(Boracay)

Habang masayang-masaya ang Lolo at Nanay Rosario ni Vice, sya naman ay nakahiga sa napakalambot na kama, naka Aircon, at napakabangong kwarto.

Siya ay, nag mumuni-muni.

Iniisip nya na lamang ang maaring mangyari, pag sinabi nito ang kanyang nararamdaman kay K, kahit hindi pa ito sure sa kanyang nararamdaman.

Pero sigurado sya na, nasasaktan sya dahil sa pagtanggi ni K.

"Kahit gusto ko mang kausapin ka K, hindi ko magawa. Tampo at sakit pa din ang nangunguna sa nararamdaman ko ngayon" Sabi nito sa knyang sarili.

Natigil naman ang pagmumuni-muni nya, sa kadahilanan na ang kanyang Nanay Rosario ay kumatok na.

Binuksan ni Vice ang pinto at, tinitigan sya ng knyang Nanay Rosario...

"Tutoy, anong problema?" Tanong nito kay Vice.

Umiiling naman si Vice. At nagfe- Fake smile.

"Hay nako tutoy, para namang hindi kita kilala. Alam kong meron." Pagpupumilit ng kanyang Nanay Rosario.

hindi naman na nakatanggi si Vice  Dahil alam nyang kukulitin lamang sya ng kanyang Nanay.

"Eh Nanay, naiinis at nagtatampo lang po kasi ako kay Karylle e" Sagot nito.

"At eh, bakit naman?" Tanong ng kanyang Nanay.

"Sya pa naman po ang pinakahihintay ko sa Victory Party ko, pero hindi sya nakarating" Sabi ni Vice ng matamlay.

"Baka naman tutoy may malalim na dahilan." Hatol pa ng kanyang Nanay.

"Imposible ho Nay. Nahahalata ko kasing nagpapalusot na lng sya, dahil muka namang ayaw nyang pumunta. At nitong mga nakaraang araw, napansin ko din ang pag-iwas nya sakin" Maluha-luha na si Vice ng sabihin nya iyon.

"Ikaw ba eh, mahal mo na ang babaeng iyon?" Natatawang tanong ni Nanay Rosario..

Hindi naman agad nakasagot si Vice. "Sagutin mo ang tanong ko tutoy.." Nagpipilit pa rin ng tawa itong nanay ni Vice.

"Nanay naman eh. Hindi ho ako sigurado sa nararamdaman ko. Pero nung umiwas sya, sigurado akong nasaktan ako. Mas nasaktan pa nga ako nun kesa ng break-in ako ni Babyboy e." Sabi nito.

Hindi naman nagulat ang nanay ni Vice. Dahil pinaalam naman ni Vice na, wala na sila ni Babyboy..

"Kung tama nga ang nararamdaman mo tutoy, ituloy mo lang yan. Baka dyan mo malalaman ang totoong makakapagpasaya sa'yo. Baka sa isang babae ka magiging masaya." Sagot ni Nanay Rosario at niyakap nito si Vice... "I love you tutoy" bulong nito.

'Iloveyou most nanay.' Sagot naman ni Vice..

A/N: Mejo matagal-tagal pa ang pagbabati ng VICERYLLE :) Madami pa kasing magiging pasikot-sikot tong storya. So, be updated lang :)

My Love For You is FOREVER (ViceRylle♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon