"Andito na tayo!" bumalik ang utak ko sa aking ulo ng magsalita ito .
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Lahat ng tauhan ko! Pumunta kayo dito sa taas! NGAYON NA!!" sabi ng speaker sa gilid..
Agad naman nilang binaba ang mga baril nila at umalis. Napatawa naman ako ng mahina. Ang tanga rin kasi ni Mayor! Diba dapat hulihin muna kami bago papuntahin ang kanyang mga tauhan? Tss. TANGA TALAGA!!
Nakaalis na silang lahat. Akala ko talaga katapusan ko na kanina!!
"A-ouch!!" mahina kong daing. Ngayon ko lang kasi naramdaman yung mga sugat ko. Tinanggal ko na yung disguise ko. Tutal alam naman na nila na huwad kami!
Ipinangtapal ko yung foam sa mga sugat ko at tinalian ng mga pinunit kong damit.
"Pssst!! Halika na! Baka maabutan nila tayo!" nagulantang ako ng may magsalita. Luh? Siya yung babae na pulis na sinipa ko nung hostage-in ko yung kakambal ni Mayor! In fairness! Mukha na siyang well-trained police huh? Improving!!
Tiningnan ko lang siya at mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin! Pinuntahan niya ako at tinulungang makatayo at tumakbo na kami. Kasabay ko na rin yung Rhia na pulis.
Takbo. Takbo. Takbo. Takbo. Takbo. Takbo. Takbo. Takbo. Takbo. Takb--
Sa pagliko namin, nakasalubong namin yung kakambal ni Mayor kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Naaalala ko kasi yung kasyongahan na ginawa ko.
"Hi Rhia and Apple... Hi Worst!! ^_^" masayang bati nito.
"WORST??" Sabay-sabay na sabi naming tatlo. Bakit Worst?
"Worst! Kasi diba nung tinanong kita kung ano yung pangalan mo? Tapos sabi mo 'Your Worst Nightmare!'" sabi niya na ginaya pa talaga yung boses ko. Aish! Sarap suntukin! >_<
"Ahh. Hahaha. Galing mo naman Kyle!!" puri naman nung pulis. Hmmm, Kyle pala name niya ahh?
"Tara na? Baka maabutan pa tayo ni kuya!" sabi niya at nauna nang tumakbo. Ha? So ibig sabihin? Nagpanggap siyang si Mayor? Ang talino naman pala niya!! Di siya tanga hehehe (^_^)v
BINABASA MO ANG
Queen Rhia
ActionDalawang tao. Magkaibang trabaho. Magkaiba ang paninindigan. Pero parehas lang ang ginagamit na pangalan. Ano ang mas mananaig? Kabutihan? o Kasamaan? ABANGAN!!!