"THE GOAL IS NOT TO CHANGE WHO YOU ARE, BUT TO BECOME MORE OF WHO YOU ARE AT YOUR BEST."
-AMETHYST-
"Jin? Hindi pa ba tayo aalis? It's almost 3 in the morning Jin. I don't think babalik pa yun si Kuya. " Athena
I raised my head mula sa pagkakayuko na nakapatong sa aking mga tuhod at tiningnan si Athena na nakatayo malapit sa kinauupuan ko.
She's looking at the parking lot impatiently, hoping for a car to arrive. But there were none, except for those cars from the other customers. Ang hotel na to kung saan ginanap ang birthday ni Mamilola ay may sarili din kasing bar kaya hindi talaga nauubusan ng mga tao dito. The hotel is owned by Athena's family.
Nandito kami ngayon sa labas ng hotel naghihintay sa pagdating ni Red. The staffs offered us to wait inside kasi medyo mahamog na sa labas, but I insisted on waiting for Red outside. Dumadami na kasi yung mga tao, at baka hindi ko makita agad si Red. We've been here for almost 3 hours na. Red went out kanina at around 11 in the evening, pero hanggang ngayon hindi parin ito dumadating. Hindi rin ito sumasagot sa mga tawag ko. Iritang-irita na sa akin si Athena kasi ang tigas daw ng ulo ko. She wants me to go inside also, but since I'm ME, I still insisted on waiting outside. Kaya walang nagawa si Athena kundi ang samahan ako sa labas.
"Dadating yun Athena. Tiwala lang. I know he'll come. He promised that he'd be back. Baka na-" Ako
"Traffic lang o di kayay may problema lang sa daan kaya nagkakaganito. Ilang beses mo nang sinasabi yan Jin? At tingnan mo, aabutin ata tayo ng sikat ng araw sa kaka antay sa Kuya kong gago! " Athena said angrily.
She already memorized my answer I guess. Ito lang kasi ang nabibigay kong rason kay Athena kanina pa. Wala akong ibang makita na rason para matagalan si Red. I don't want to think of other things that might be the reasons kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin si Red. Ayokong magalit kay Red. Ayokong magtampo sa kanya.
"Dadating naman kasi yun. Maghintay nalang tayo dito. " I said calmly to Athena.
Ayokong salubungin ang galit ni Athena. Kung ako mababa ang pasensya, mas lalo na si Athena. Ayaw na ayaw nito ang pinaghihintay.
I heard her mumbled some things na hindi ko masyadong narinig. Then I saw her getting her phone out from her pocket and she typed or texted aggressively. Kulang nalang itapon niya sa malayo yung phone niya.
After typing something on her phone, I heard her breathe deeply.
"Jin. For the last time, let's just go. May car naman ako eh. Ako nalang ang maghahatid sayo. Nilalamok kana jan oh. Please. " Athena tried convincing me again.
"I'm okay Ath- Achoo! I mean wala naman akong naramdamang- Achoo! Lamok dito. " ako
Shit!
I think I just catch a cold.
"Ha! See? You're not okay. Hindi ka nga nilalamok, pero bumabahing ka naman! Paano kung magka pneumonia ka sa ginagawa mo? " pagalit na sabi sa akin ni Athena.
Tumawa ako ng mahina habang sumisinghot-singhot.
"heehheehe.. Ice ikaw ba yan? Na hawa ka na ata sa babaeng yun Athena? You act like a mother hen. " I teased.
"Don't change the topic Jin. Umuwi na tayo at baka pagalitan ka nga ng totoo ni Ice pag nalaman niya to. Pasalamat ka talaga, Ice is not here kundi, kanina ka pa nasampal." Athena
I rolled my eyes.
Alam kong may katutuhanan ang sinasabi ni Athena. Kung andito lang si Ice, baka nasampal na ako.
BINABASA MO ANG
When A Bitch Falls In Love (On Going-TagLish)
Любовные романыA STORY OF A TRUE LOVE. (On Going-TagLish) Highest Rank: #13 in Romance THIS IS DEDICATED TO ALL THE PEOPLE WHO ARE MISUNDERSTOOD AND TO ALL THE GIRLS WHO USES MAKEUP, PERFECT OUTFIT AND A SMILE TO HIDE HER BITTER LIFE. What is a BITCH? Litera...