Chapter 1

52 4 0
                                    

Kringgggggggggg🔉🔉🔉

Kringggggggggggggggggg🔊🔊🔊🔊

Kringgggggggggggggggggggggg🔉🔊🔊🔉🔊

Hayssss sino na naman bang abala sa buhay to ang sarap sarap ng tulog ko tapos aabalahin pa. Siguraduhin nya lang na napakahalaga nito kung hindi totodasin ko talaga sya sa pag-gising at pang aabala saken ng maaga.

Tsk tsk masagot na nga tong letcheng call na to..

"Hello? Sino kang abala ka at bakit ka napatawag?"

"Hoyyy, bugok wag ka ngang highblood dyan kase mas may highblood na sayo kase dalawang quarter ka ng late sa game naten. At siguradong bibingo kana pag dika pa dumating" Sus tinakot pako ng pula na to.

"Ang aga-aga nambubulabog ka ah. Problema mo?" Letse

" Mag aalas kwatro na po. At patay kana talaga dust" abat tinakot pako

"At mukhang tinatakot moko ah. Sino namang malakas ang loob ang pwedeng gumawa non saken sabihin mo nga?" Haha takot lang nila saken no. Haha

"FYI, Mr. Team Captain umuusok na ang ilong ni coach at tambak po ang team naten kase walang matinong play ang magawa tapos wala pang nagchecheer, letseng mga babae yun makateam lang naten pag andito ka, kaya pumarto kana kase halftime pa lang."

Oh shit. Lagot na naman ako nito. Hays bakit na naman ba kaya ako nagpuyat. Ay oo nga pala iniisip ko na naman kase sya. Tssk. Makaligo na nga. Malalagot talaga ako nito eh.

"Hoy pula! Sabihin mo kay coach papunta nako. Natraffic lang kase may buntis akong tinulungan kase manganganak na. Haha. Bahala kana pre" haha sana lumusot yun kay coach.

"Lol pare baka sabihin mo hang over kana naman" loko to ah.

"Osya sige na. Pag ako naasar sayo wala kang matatanggap na pasa saken"

"Wag nam-" haha inend ko na wala naman kase syang kwentang kausap.

Pagkatapos kung maligo ito nag aayos na haha diko nga alam kung gaano ako katagal maligo kase napasarap ata ang pagbubuhos ko puyat kase sana lang di makaapekto to sa laro ko kung hindi talagang bingo ang aabutin ko nito isama mo pa ang isang linggong training kasama ang pinakamamahal kung coach(insert sarcasm).

Kumain lang ako ng favorite kung empanada na ewan ko kung bakit meron sa lamesa at umalis nako.

"Ma, dala ba ni kuya ang motor nya? May game kase kami ay medyo late nako gusto ko sanang magmotor" Sana payagan nako ni mama kase ayaw nya talaga na nagmomotor ako. Haha di kase ako marunong nagmamagaling lang!. Haha

"Baby Ky di ka marunong magmotor kaya magbike kana lang para nawarm up kana pagdating mo sa game kase kanina pang natawag sa telepono si coach mo tignan mo ang phone mo"

Shit 40 missed calls, todas nako nito.

Dali-dali akong nagtatakbo palabas at kinuha ko na ang bike ko, maporma naman to kaya okay lang makakachix parin medyo malapit lang naman yung gym dito kaso tamad lang akong maglakad haha alam nyo na.

Habang nagbibike ako vibrate ng vibrate ang phone ko kaya sa inis ko kinuha ko na kahit na nasa gitna ako ng kalsada at nung tinignan ko si pula na naman kaya binalik ko nalang ulit pero diko napansin na may babae na pala sa harapan ko at malapit ko na syang

"Boogshhhh" Aray putik naman mababalian pa ata ako sa babaeng to. Natapon pa ang empanada ko. Huhuhu.

" Hoy lalaking pandak ang kapal ng mukha mong banggain ako, sino ka sa tingin mo? Ang lawak lawak ng daan dito ka pa dadaan sa harap ko at sasagasaan ako. Aba nako dika makakaalis ng walang bangas yang mukha mo!!!!"  Arayyyy. Muntik ng mawala ang tenga ko.

Way back to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon