Chapter 6

11 0 0
                                    

Kyzer's Point of View

Dahil sa sinabi ni coach ay pinili na rin namin na dito nalang matulog kase delikado na lalo pat wala kameng dalang mga sasakyan at delikado ang maglakad.

Nakadagdag rin sa ang desisyon na manatili dito sa bahay ni coach ay ang eagerness ni jon na dito nalang matulog kase daw 'kawawa naman ang mga girls pag walang nakasama' na 'dito nalang tayo matulog guys para mas makilala naten sila' na 'delikado na guys sa daan' at ang matindi ang pinaka huli nyang dahilan'guys takot kase akong umuwi ng madilim kaya dito nalang tayo'

Mukhang pursigido talaga sya kaya pinagbigyan na rin namin. Baka naman magandang kausap tong mga to kaya pumayag na talaga kami.

Kasalukuyan kameng nasa guest room kase magmomovie marathon daw kame at napapatagal ang pagpili ng panonoorin dahil kay jon.

"Guys dragon ball nalang, maganda sya full of action tapos may aral pa sa buhay" haha dami talagang nalalaman nitong si jon.

"Ulol mo. Mas prefer namin ang twilight no. Ang pogi pogi talaga ni bebe edwarddddd. Omgggg" pagwawala naman ni maebreez na mukhang kilig na kilig dahil kay edward ng twilight.

"Sige kung ayaw nyo, ben 10 nalang. Mas maganda yun diba? Tunay na pagkakaibigan. At ang astig ng omnitrix ni ben. Whoooo. Bibili talaga ako non. Mag iipon lang ako. So ano payag na kayo?" Hays wala na talagang pag asa si john kase mukhang di nya na naiintindihan ang mga pinagsasasabi nya. Ewan ko nga kung matatawag syang isip bata o buang lang talaga sya. Bakit nga ba tropa ko yan? Haha

"Ulol jon. Tumigil kana nga ang pangit naman ng mga trip mo eh. Titanic nalang kaya? Tragic pero talagang inspiring. Ano guys mas maganda ang suggestion ko kesa kay abno diba?" Pambabara naman ni east kay jon.

"Hoy east wag ka nga dyang epal. Nagpapapansin kalang kay von eh. Eh mongoloid din naman to haha. Kambal mongoloid kame. Hahahaha. Kaya nga ben 10 nalang talaga" sinasabi ni jon yan habang nagpapacute este nagpapaawa pala para panigan namen sya.

Matagal na nagbigayan ng suggestion ang mga kasama ko. At sa matagal na oras na yun puro walang pakinabang lahat ng suggestion ni jon. Natatawa nalang kame na naaasar sa mga kalokohan nitong mokong na ito eh.

"Guys alam ko na kung ano ang panuodin naten. " biglang sigaw ni jon kaya nabigla yung ibang girls sa kanya lalo na yung mga di masyadong nakafocus.

"ANOOOOOOOOO?"sabay sabay naming sabi kase gusto naming malaman kung may napiga na siya sa maliit nyang utak.

" Tom and Jer-"sigaw ni jon.

Tinignan na lang namen sya ng masama at natakot naman sya. Hahaha. Nabigla naman kami ng tinignan si tira axrolome.

"STOP IT JON, panuodin nalang natin ay three idiots kase napakaganda nitong moview na ito." Sigaw ni patrice.

Napanganga naman kaming lahat sa pagkabigla kase umimik si patrice at halos langawin na ang mga bibig namen kaya nga nung makarecover na ang lahat ay nagsitahimik sila.

"Oo nga guys maganda yung movie na yun, very inspiring every scene. Kaya final na ha ito nalang?" Pagpapaalam ni ella.

"Oo sige na ella. Panuodin na natin yan. Kaya wag ka sanang mag iingay jon or else i will put you out of this house. " banta sa kanya ni jerald. Aba aba mukhang interested sya sa kaganapan ahh. Haha.

Mukhang maganda naman kaya ito na nga lang ang papanuodin namin.

Napagdesisyunan naman ng lahat na manuod nalang ng 'Three Idiots' at oo nga tama nga na maganda itong movie na ito halata naman kase sa simula palang kakatawa na at tutok kameng lahat sa panunuod.

Way back to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon