Chapter 14

12 1 0
                                    

First of all sorry sa mga nag iintay dahil natagalan ang sunod kung update. Haha kung meron mang nag aantay.

Kyzer's POV

Tiktilaok🐔🐔 Tiktilaok🐔🐔 Tiktilaok

"Ahhhhhh, Good morning sunshine" Sigaw ko sa isip ko. Naalimpungatan kase ako sa pagkakatulog ko ng malaglag ako dito sa hinihigaan ko.
Haha natatawa na nga lang ako sa sarili ko kase ganon talaga ako pag di sanay sa tinutulugan.

Tanda ko pa nga nung natulog kame kila jon kase wala daw syang kasama sa bahay at natatakot daw sya. Ay nagkainuman kame at dahil ako ang natira napilitan akong maglinis. Tapos pagpunta ko sa guest room ay puno na sa kama ay ayaw ko namang katabi ang mga yun. Haha ayaw kong mabugbog no!

Kaya nga sa sala ako natulog sa couch mismo. At yun din nga ang nangyari nagising na lang ako na nasa baba at malayo na sa tinutulugan ko. Haha

And back to the reality, tumingin tingin ako sa paligid at napansin kong magbubukang liwayway na kase may pangilan ngilang sinag na tumatagos sa bahay kubo.

Marahan naman akong tumayo para diko narin magising ang kasama ko. At pinili ko nalang muna na wag syang abalahing tignan kaya nagtungo ako sa kusina ng bahay na madali ko namang natagpuan.

Medyo may hinala narin ako sa kung ano ang nangyayari kase di naman ako bobo para di makahalata. Kaya nga malakas ang kutob kung may pagkain dito na nakastock.

Di nga ako nagkamali dahil may mga nakastock sa may lagayan ng plato na mga pagkain na pwedeng iprito gaya ng itlog,hotdog bacon at mga isda. Naghanap na rin ako ng bigas para maluto ko na. Pinalaki naman kase ako ni mommy ng ayos kaya alam ko ang mga ganitong bagay kaya thankful ako ngayon kase magagamit ko ang mga natutunan ko.

Sinimulan ko ng iprito ang mga ulam at dun ko na naisipang isang ang bigas sa kaldero,wala kaseng rice cooker eh.

Ayaw ko namang mapahiya sa kasama kaya sinarapan ko ang luto kahit simpleng prito lang.

Nagdaan ang oras at sa tingin ko'y mga 6 AM na kase maliwanag na sa lubos pero may hamog parin. Bunsod siguro ng maraming puno dahil nasa probinsya na di naman nalalayo sa lugar namen.

Inihanda ko na ang mga plato na nakita ko at tinignan ko na rin ang bigas kung luto na. At nung maayos na ang lahat ay nakangiti akong naghanda ng pwede naming kainin ng kasama ko.

Naweweirdohan na nga ako sa sarili ko kase di naman ako ganito. Haha

Kaya bumalik na lang ako sa kwarto na tinulugan namen.

Sa pagpunta ko tila may mga elepanteng nagmamarcha sa aking dibdib at feeling ko nga magigiba ang dibdib ko which is really weird.

Binuksan ko ang pinto at tila bumagal ang paligid ko, tanging mga huni lamang ang maririnig sa nagaganap na pagtitinginan namen ng babaeng kaharap ko.

Ang ganda nya, matangos na ilong,mapupulang labi,mahabang mga buhok na maganda parin kahit kagigising palang at ng mapatingin ako sa kanyang mga mata ay tuluyan na akong napako dito hindi dahil trip ko kundi dahil diko maiwasang mapatingin dito.

Sa tingin koy matagal na kameng nakatingin sa isat isa kaya tumungo na lang ako. Dahil alam ko sa sarili kong naapektuhan ako sa nangyari.

"Sya ba talaga yan?" Yan ang tanong ko sa isipan ko. Hindi ko kase inaasahan na sa pagbubukas ko ng pinto ay ang pagmulat at paggising nya na sakto namang nakatingin sa akin. At ang mas hindi ko inaasahan ay ang nangyari naminh tinginan na hindi ko nga alam kong nakailang minuto.

"Good morning"
"Good morning"
Sabay nameng bati, kaya lalong nag iba ang atmosphere ng paligid. San ka ba makakakita ng magkaaway na halos isumpa ang isat isa tapos mag uusap ng maayos ng dahil lang sa nangyari kagabi? Di ba wala? Kaya nga ako nalang ang gagawa ng move para di maging awkward.

Way back to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon