Chapter 12

7 1 0
                                    

Kyzer's Point of View

Pagkatapos nilang magsitakbuhan sa kusina ay sumunod na ako mukha kaseng nakalimutan nila na nag eexist ako. May pagkapatay gutom rin kase ang mga yun.

At pagkadating ko dun. Hindi nga ako nagkamali kase para silang mga bagong layang preso na sabik na sabik sa mga nakahain sa lamesa. Haha. Buti nalang talaga may talent ako sa cooking, thanks to my mommy.

"Oyy dahan dahan lang kayo, pinapaubos naman yang mga niluto ko, hindi nga lang pinagmamadali." Sigaw ko sa kanila mukhang mag aaway pa sa pabilisang pagkuha ng pagkain eh.

"Angh sharap kashe bhoss eh, dha bhesht ka talaga" sabi naman ni jon.

"Hoy jon ang baboy mo wag ka ngang magsalita habang may laman ang bibig. Kadiri ka natalsik yung mga pagkain ohh!!" Haha batukan ba naman ni reggie si jon.

"Bat ka nambabatok? Edi lalong nahulog yung iba? Isip isip din pag may time" Haha gago talaga to. Sya nga tong walang isip eh.

"Osya tama na yan, parehas lang kayong mga gunggong magsikain nalang kayo. Buti nga pinagluto ko pa kayo. At wala pang nagpapasalamat saken kaya baka hindi na yan maulitan. Haha" sabi ko naman.

"Lol. Haha hindi mo lang talaga kami matiis." Sabi naman nitong si jerald. Pshh mabait lang talaga ako no!

At ayun na nga nagsikain nalang kame. Aakalain mong dinaanan ng mga bagyo ang kusina namen dahil sa mga ugok na yun.

Grabe ang takaw talaga ng mga yun nagtataka nga ako kase nagtira pa sila sana nga kinain na rin nila yung plato eh. Pinaghugas ko nalang sila von at jon kase kameng tatlo ang magseset nung iinomin namen mamaya. Wala kase akong tiwala kay jon haha baka ubusin nya pa ang alak habang naghuhugas kame eh.

Habang naglakad ay nagkekwentuhan lang naman kame ng kung ano ano.

"Pre kamusta nga pala bat wala sila tita dito?" Tanong ni reggie

"Umalis sila ng walang paalam eh, pero okay lang naman. Sanay na naman ako para namang hindi nyo ako kilala" sabi ko sa kanila

"Pero pre kamusta? Naaalala mo pa ba sya?" Seryosong tanong ni jerald

"Pre ano bang pinagsasabi mo?" Diko talaga maintindihan itong si jerald minsan. Naimik kase sya ng kung ano ano.

"Ahh. Haha. Wala wala. Sabi ko kung naaalala mo pa si PAYNE mo?" Sabi naman nya ulit

"Gago! Anong payne mo ka dyan. Di ako napatol sa aso. " tss. Asarin ba naman ako kay kirara na yun.

"Pero pre alam kung lagi mo pa rin syang naiisip. Haha. Bakit kaya?" Nakisali naman itong si reggie.

"Naiisip ka dyan. Banatan kita eh. Bat ko naman sya iisipin?"

"Bakit nga ba?" Tanong ulit ni jerald habang may ngiting nakaka asar.

"Hoy kayong dalawa, pinagtutulungan nyo ako ah gusto nyo pagbuholin ko kayo? Wala akong pake dun sa payne na yun. " Pshh tunay naman eh. Kahit pa mabangga yun sa harapan ko diko yun dadalhin sa hospital. Haha. Ang sama ko ba?

"Pero pre, bat sa lahat ng nakilala nameng babae na nakasama mo bakit sa kanya ka lang nageeffort?" Anong pinagsasabi nitong si jerald? Hays

"Effort? Anong effort eh hindi ko nga nakakausap at kakausapin ng ayos yun"

"Bro! Sa kanya ka lang nagkaganun, sya lang yung inaasar mo na first time namin nakita na nagbigay pansin ka sa ibang babae. Kase alam naman nating lahat na allergy ka sa mga babae at kung pinapansin mo naman ay ifliflirt mo lang. So kaya sa kanya ka lang nag eeffort." Mahabang paliwanag ni jerald. Tsk.

Way back to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon