Chapter 13

10 1 1
                                    

Third person POV

Matapos ang ginawang paglalagay ng pampatulog ng grupo ni kyzer at payne ay nagsama sama na ang mga ito sa iisang van. Samantalang nilagay naman nila ang dalawa sa isa pang kotse na drive na reggie para maihiwalay sila.

"Okay guys, the first stage of our plan was done kaya naman proceed na tayo sa second. Nakausap na ba si coach?" Tanong ni reggie sa lahat

"Wait pre ako ng tatawag." Sagot naman ni jerald sabay dukot ng kanyang cp para matawagan na nga.

"Guys, para maging successful tong plano na mapagbati naten yung dalawa ay sana walang madudulas o papalpak kase sila nalang yung may issue sa isat isa eh. Malay nyo may madevelop pa tayo. Haha"sabi ni ella

" Haha. Oo nga no. Dont worry kase di ako papalpak this time. Para sa aking bossssssssss!!!" Sigaw pa ni jon

"Yan ha guys, settled na ang plano. Alam na naman ng lahat ang gagawin at i make sure lang naten na walang masasaktan sa dalawa kase malalagot talaga tayo" paliwanag naman ni von

Habang nasa kalagitnaan ng pagpupulong ang lahat ay busy parin si jerald sa pagkumbinse sa kanilang coach dahil nag aalangan ito sa plano.

"Jerald hindi kaya may masamang mangyari sa dalawa? Maganda sana yung goal nyo pero pano kung di maging successful at may masamang mangyari sa anak ko at kay kyzer?" Tanong ni coach

"Hindi yan coach kase nandun din naman kame parati. Kumbaga gagawin namin yung plano para magkaayos na sila. Lage kayang nag aaway yung dalawang yun."

"Ahh ganon ba? Sige payag na ako. Basta kahit anong mangyare wala dapat masaktan ha? Meet nalang tayo dito sa bahay."

"Yes po coach. Thank you po" sabay putol nya sa linya para masabi agad ang kanilang napag usapan. Medyo lumayo kase siya sa mga kasama.

Kinuha nya naman agad ang atensyon ng kanyang mga kasamahan dahil nagmemeeting ang mga ito.

"Ahmm, guys payag na si coach basta wala lang daw masasaktan sa dalawa." Sabi ni jerald

"Yesssss!! Haha buti naman pumayag si tito. So yan ha guys, basta after ng plan naten dapat wala ng mag aaway ha? Haha" tuwang tuwang sabi ni maeb

Naging matagal ang daloy ng byahe dahil na rin sa mga kwentuhan at kulitan ng bawat isa. Samantalang sa isang kotse naman ay bored na bored si reggie dahil wala syang makausap dahil parehas tulog ang dalawa nyang kasama.

Kung minsan namang napapatigil ng matagal ang mga sasakyan ay pinagtu tripan niya ang dalawa gaya ng pinaghoholding hands nya ang mga ito sabay picture, pinagyayakap nya rin at kung ano ano pang pose. Dahil duon kaya nawawala ang kanyang pagkabored dahil halos mamatay sya kakatawa.

Pagkaraan ng ilang oras ay narating na rin nila ang bahay ni manang. Si manang kase hindi lang nila basta basta katulong kase kamag anak nila ito bunsong kapatid ito ng lola nila payne kaya nga napamahal na rin sila dito.

Agad naman silang sinalubong ni coach pagkadating nila.

"Oh, mga bata kame na ang magbababa ng mga gamit nyo. At si payne at kyzer ay dalhin nyo nalang dun sa kabilang bahay, yung medyo maliit ha na malayo layo dito sa mismong bahay" pambungad na sabi ni coach

"Sige po coach. Thank you nga po pala. " magalang na sabi ni von.

At yun nga diniretso na nila sila kyzer at payne sa maliit na bahay kubo.

Maganda naman ang pagkabahay kubo nito dahil kumpleto ito sa gamit pambahay. Kaya hindi maghihirap ang dalawa.

Ang plano kase ng grupo ay pagsamahin ang dalawa sa iisang bahay at mag iiwan ang daddy ni payne ng message para kay kyzer at ang mommy naman ni kyzer para kay payne  na ginawa nila patrice para mas maging ang plano.

Way back to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon