Characters

39 3 2
                                    

Hi guys. Dahil diko pa napapakilala ang mga characters kaya ipapakilala ko sila dito pero dont worry once na iedit ko na ito sa laptop ay lalagyan ko na ng cast para di kaya mahirapang tumingin at kilalanin ang mga characters.

So start na tayo. Haha

Umpisahan naten si pinakakilabot ng tropahan nila ang kinikilalang leader sa kanilang grupo.

Kyzer Dust Drayco- kilala bilang isang sikat na babaero di lang dahil sa angking kagwapuhan nito idagdag mo pa ang galing nito sa basketball kaya maraming nahuhumaling na babae sa kanya. Pero di alam ng marami na itoy baliw rin minsan at mahilig sa empanada. Kilala din sya bilang mapagkaibigan na tao at patunay ang mga kaibigan nito. Sya rin ang lalaking magkakagusto sa babaeng tatapatan sya. Kumbaga nakahanap na sya ng katapat. Sya rin ang pinakabida sa story na to.

Payne Kira Vizmundo- kilala bilang anak ng kilalang negosyante sa lugar nila. May pagkapalaban ito dahil narin sa pagkaboyish nito at pagkaallergy sa mga palaki. Pero ang di alam ng mga ito ay mahilig ito sa mga pink stuffs kahit ano pa yan kahit nga balat pa ito ng candy. At ayaw na ayaw nya ng mga pagkaing sinusukaan allergy kase ito dito. Sya ang babaeng tatapat sa kapreskuhan,kayabangan at kapilyuhan ng nag iisang kyzer dust. Sya ay isa rin sa pinakabida sa story na ito.

Reggie John Velasco- kilala bilang miyembro ng tropahan nila kyzer. Matinik rin sa chix kahit na hindi ito kaputian yung tipong kayumangi pero  makikitaan mo ng angking appeal. Mabait ito sa mabait sa kanya, mahilig manlibre kaya nga sya ang paboritong isama ni kyzer pag may lakad ito kase galante ito. Mas kilala rin sya sa pangalang PULA dahil sa pula nitong buhok at dahil narin sa pangalan. Wala syang hilig sa seryosong relasyon pero magbabago ang lahat pag nakilala nya ang babaeng hinahanap nya.

Maebreez Villa- kilala sa pagiging happy go lucky at pagkagala kahit na ang kuripot nito sa pera yunh tipong titiisin nyang manakit ang paa kalalakad wag lang maaksaya ang pera sa pamasahe kahit na may sasakyan naman sila. Bestfriend din siya ni Payne Kira  kaya sya ang pinakaclose nito. Mahiyain sya, madalang magalit pero pag sinimulan mo daig nya pa ang bulkang mayon at higit sa lahat NBSB sya pero magbabago ang lahat simula nung nakilala nila ang grupo nila kyzer.

Jon Dayle Laylo- kilala sa lugar nila bilang isang kilabot sa kalukuhan nito dahil narin sa mga trip nitong dimo aakalaing magagawa ng tao tulad nalang ng pagtulog nya sa bubong ng bahay nila correction sa bubong kahit na may rooftop sila. Palabiro, masayahin at mahilig sa chix pero di pa nagkakameron kahit isa. Bali-balitang may napupusuan sya sa lugar nila pero di parin ito nalalaman ng kung sino man. Kilala sya bilang kanang kamay ni kyzer kaya nga sa kanya pinapaabot ng mga fans ni kyzer ang mga regalo nila sa kanya. Instant delivery boy kumbaga.

Patrice Maraois- kilala sa lugar nila bilang isang mabuting anak dahil napakabait talaga nito at mayuming mayumi kaya nga mahihiya ka talaga kung makakasama mo sya lalo na kung malikot ka. Kaibigan sya nila Payne at Maebreez at di maitatangi na may angkin din itong kagandahan kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Pero sorry nalang sila kase wala itong balak mag boyfriend kase focus sya sa pag aaral.

Von zymer Espiritu- kilala bilang pinakamabait sa grupo nila kyzer. Sya rin ang pinakapaboritong utusan nito kase wala itong angal. Mabait ito, palakaibigan kaya nga sya ang kinakaibigan ng mga may gusto kay kyzer kasi nagpapalakad ang mga ito. Mahilig sya sa mga computer games kaya nga wala itong girlfriend kahit na marami din naman ang napila sa kanya para mag apply na maging girlfriend nito. Halos naman lahat sila gwapings at si kyzer ang pumili sa kanila at alam naman ng lahat na si kyzer ang pinakamay magandang mukha kaya nga maraming patay na patay sa kanya.

East Land Bueno- pinaka astig sa magkakaibigan nila Payne dahil lahat ng adventure hinaharap nito kaya nga muntik nya ng makameet si san pedro nung minsan syang nagmotor at muntik na syang mabangga buti nalang may kung sinong misteryosong lalaki ang nagligtas sa kanya at hanggang ngayon hinahanap nya parin ang lalaking iyon. Mabait naman sya, kaya nga marami din ang napila sa kanya kahit na may kaliitan ito.

Jerald Zanders- ang bestfriend ni Kyzer at hindi din maitatanggi na may maganda din itong mukha na kinigigiliwan din ng kanyang mga taga hanga. Kumbaga tambak din at mahaba ang pila ng gustong maging girlfriend sya. Kahit na may pagkamisteryoso ito at suplado nakakadagdag kase ang Height nito at pagkaputi sa kanyang appeal. Wala syang hilig sa love until she met this girl na, na love at first daw sya kaya nga lage syang inaasar ni kyzer na ang bading bading daw nito. Siya din ang Center ng team nila kyzer kaya masasabing malakas ito. Siya din ang nakakaalam lahat ng sikreto ni kyzer kase siya ang bestfriend nito at wala silang lihiman kahit sa maliit at walang kwentang bagay.

Ella Reeze Cuevas- ang pinakamatanda sa magkakaibigan nila Payne  kaya nga sya ang pinakamatured sa mga ito. Mabait sya, mahilig mag aral kahit na sobra naman nitong pilya at may pagkapapansin. Mahal na mahal nya ang mga action movies na lage nyang pinapanuod. Wala syang hilig sa pag ibig at para sa kanya ang baduy baduy daw nito until nakita nya ang lalaking pinapangarap nya. Kumbaga complete package na.

Haha. Yaan na muna ang mga main characters yung mga susulpot na mga character ay saka ko nalang ipapakilala. At yung iba naman na character ay di mahalaga kaya diko na masyadong pinakilala.

Abangan nyo po sana kung paano sila magkakakila-kilala at uunahan ko na po kaya na si Kyzer at Payne po ang pinakabida dito kaya wag nyo pong asahan na mas madami ang POV at CHAP's para sa iba pero ill assure naman guys na kasali sila. Haha.

Basta basahin nyo lang po itong story ko kahit hanggang maka 10 na chapter lang kayo kase pag dikayo nasatisfy sa  mga chapter ay kahit wag nyo na pong basahin pero sana basahin nyo parin po.

Thank you guys.  Be ready for the second chapter kase magkakatagpo ang landas ng dalawang bida.

Way back to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon