TMIM 9 - He's Jealous

1.2K 21 0
                                    

Marc’s POV

So itong Event nato  ang dahilan kung bakit tayo umuwi ng Pilipinas?" tanong ni Ethan sakin.

Yeah, umuwi tayo para sa Official Engagement Party namin ni Steph, Dad say that the Party will be held in Rivera Residence.”sagot ko kay Ethan

Nandito kami ngayon sa Mall ni Ethan, We have to buy something Formal para sa party.Kanina pa nakapili si Ethan ng susuotin niya kaya ako nalang ang namimili ngayon.Pagtingin ko sa likod nakit ko si Ethan, busy sa phone? Kanina pa siya pindot ng pindot sa iphone niya kaya binalewala ko nalang baka naglalaro lang ng Flappy Bird. (^^,).

Papunta na siya dito Marc! Nag reply siya na pupuntahan niya tayo dito tutal kakatapos lang ng Klase niya.” biglang sigaw ni Ethan sakin. Pinagtinginan tuloy kami.

Sino?” maikli kung tanong kay Ethan, sino naman kaya ang pinapunta niya dito’ baka naman sina Russel at Ivan.Tss pampagulo lang ang mga yun.

“Baby Ethan!” bigla sigaw ng babae, teka parang pamilyar ang boses niya ? Pagtingin ko. Si Steph, siya pala yung tinutukoy ni Ethan.

At nagyakapan pa talaga ang dalawa. Tss kung maka’akap naman tong si Ethan para siya yung Fiance ehh.

“Ohh! Tama na, masyado ng matagal yang yakapan niyo, Bitaw na Ethan parang ikaw pa yung Fiancé niya ehh ” bigla kung singit sa pagitan nila at pilit na hinihiwalay si Ethan.

“Marc naman ehh’ namiss ko lang naman si Steph, para namang aagawin ko siya sayo.”sagot ni Ethan sakin.

“Tss.”maikli kungsagot kay Ethan.

Bigla nalang akong yinakap ni Steph na ikinagulat ko, Yumakap nalang ako pabalik.

“Kailan pa kayo dumating dito Marc? Hindi man lang kayo nagsabi” tanong ni Stpeh sakin.Kumalas ako sa yakap at hinarap siya.

“Kahapon lang, sa Engagement Party pa dapat tayo magkikita ehh, pero may isa ditong hindi makahintay kaya Tinext ka nalang.”sagot ko kay Steph.

“Teka, Best may isusuot ka nabang damit para sa party ?” biglang tanong ni Ethan kay Steph.

“Meron na, alam mo naman si Mom lagi yung prepared, siya kasi ang nag’aayos ng Party hanggang sa kung ano ang isusuot ko.” Sagot ni Steph kay ethan. As expected excited talaga si Tita.

“Kumain muna tayo Marc nagugutom ako ehh” biglang sabi ni Steph.

“Tara na! best dun tayo sa Jollibee ohh! Miss ko ng kumain dun” tapos nagtatakbo pa ang dalawa.Tss para talagang mga bata.

Pagpasok ko nakapila na sila Ethan kaya naghanap nalang ako ng mauupu'an namin, Alam naman ni Steph kung ano ang gusto kung kainin ehh. May naalala tuloy ako yung una naming pagkikita dito rin yun eh' sa jolibee. 

Flashback

Papasok naku nun ng may bigla akong nabangga. HIndi natumba ako at siya rin

"Araaayy, naku naman ohh" rinig kung sabi niya kaya tumayo ako agad at tinulungan siya.

"Okay ka lang ba Miss? sorry hindi kasi kita napasin" sabi ko sa kanya.

"Oo okay lang ako, tsaka kasalanan ko naman tumakbo kasi ako kaya di ako nakahinto agad. Pasenysa din" tinayo ko na siya .

 "Kakain ka rin ba dito Miss? Gusto mo sabay na tayo ?" tanong ko sa kanya kasi parang wala naman siyang kasama.

"O sige, okay lang ba ? baka kasi may kasama kang darating." tanong niya sakin pero tumago nalng ako bilang sagot. 

" Marc Buenaventura" pakilala ko sa kanya at nilahad ang kamay ko. 

"Stephanie Nicole Rivera" sabi niya at inabot ang kamay ko at nakipag shake hands.

End of Flashback

"Oh, Marc ito yung pinili ko kasi alam ko itong Favorite mo diba" bigla sabi ni Steph sakin. 

"Akala ko nakalimutan mo na" pabulong kung sabi pero napalakas ata.

"Pwede ba yun" ikling sagot niya sakin at umupo na.

"Kainan na!" sigaw ni Ethan. Talaga tong lalaking to parang hindi nakakain ng ilang buwan. 

Tristan’s POV

“Anu bang bibilhin natin dito sa Mall, Tristan?” biglang tanong ni Chris sakin.

“Baka naman maghahanap tayo ng mga chicks dito, yun ohh,” bigla singit ni Josh at may tinuturo pa.

“Mukha mo Josh, parang chicks ! Hahaha” biglang sabi Kyle at tumawa pa.

Tiningnan ko ang tinuro ni Josh at tinitigan ko talaga ng mabuti, di nga ako nagkamali si Steph yun kasama si Marc at Ethan.

“Tristan, sino ba ang tining..” hindi natuloy ni Chris ang dapat niyang sabihin dahil tiningnan din niya ang tinitingnan ko.

“Kaya naman pala! Parang wrong timing ang pagpunta natin dito boss! Baka nandito rin ang ibang kasama nila.” Sabi ni Josh sakin. Hindi ko masyadong napakinggan ang sinasabi ni Josh, Naningkit ang mata ko ng makitang nakahawak pa talaga si Marc sa bewang ni Steph, na parang sinasabing pagmamay’ari niya si Steph.Tss hindi naman ako natatakot kung may bigla sumugod samin dito bahala sila.

“Someone’s Jealous here!” bigla sabi ni Kyle at umiiling pa.

“I’m not, Tara na nga!” sabi ko sa kanila at lumakad na. I’m not jealous

.

.

.

.

.

.

.

I'M VERY JEALOUS. 

-End of Chapter 9-

Forbidden #1:The Man I Met [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon