CHAPTER ONE:
(JERMAINE’S POV)
“Oy bakla!” sinigawan ko si Jeishelle, yung bestfriend ko. Tokneneng may pagkabingi din itong kumag na ‘to.
“Makasigaw naman ‘to, parang ang layo ng kausap mo ah? Anung bang kelangan mo? Mangungutang ka? Nako wrong timing ka napambili ko na ng regalo ni Jeise eh.” Grabe, parang layo daw ng kausap ko eh kasalanan ko bang isa’t kalahating bingi ‘tong bestfriend ko.
“Tokneneng naman oo, nakalimutan mo na ba? May lakad tayo diba?” hay nako, napakaulyanin nitong babaeng ‘to. Ewan ko ba kung bakit ako nagtagal dito, basta isang araw nakita ko siyang umiiyak sa may park tinanong ko kung bakit sabi niya kasi natunaw daw yung ice cream niya tas natawa ako ng napakalakas tas ayun naging bestfriends na kami. Hay oo, napakaiyakin nitong baklang ‘to. Ultimo makapatay lang ng langgam eh naiiyak na siya agad.
“Ay, bakla nakalimutan ko. Hmm, saan na nga pala ulit tayo pupunta?” kundi naman talaga kalahating ulyanin to.
“Nako bakla alam mo nag-aalala na ako sa pagiging makakalimutin mo, pacheck-up ka na girl. Ilang beses ko bang sasabihan sa’yo na mag gegirl’s night out tayo? Mag paparty party, magbabar” at sinayawan ko siya na para bang nang aakit.
“Bakla, ilang beses ko rin sasabihin sa’yo na hindi ako pwede, at tsaka pag pumunta man ako dun, anung gagawin ko? Hindi naman ako umiinom, hindi rin ako sumasayaw ng ganito” ginaya niya yung sayaw ko. “At mas lalong I don’t hook-up with strangers”.
“Hay girl, alam mo ang perfect mo sana eh. Ang ganda mo, ang yaman mo, ang sexy mo pati ang talino mo, ang kaso ang manang mo. And hindi ka pwede o ayaw mo lang? Magsasaya lang naman tayo dun ah. Bakasyon na girl, huwag mong sabihin na mag-aaral ka na naman?” I know, I sounded like I’m a BI but tinutulungan ko lang siyang mag-saya. Wala kasi siyang ginawa kundi mag-aral ng mag-aral. Kaya hanggang nagyon eh wala pa ‘tong boyfriend eh, pano lahat ng magbabalak ligawan siya eh busted agad. And besides bakasyon na, wala namang masama kung magsaya paminsan minsan diba?
“Aisht. Oo na nga. Kundi lang kita bestfriend eh. Tsk pasalamat ka. Basta, no alcohols and definitely no hooking up.” Ay ang korni talaga nitong babaeng ‘to. Anung gagawin niya dun? Nganga? Tokneneng. Pero at least napapayag ko siya. Buti naman, may papakilala kasi ako sa kanya. At yung ipapakilala ko eh may papakilala din sa kanya.
“Hay bestfriend, salamat.” Sabi ko habang yakap yakap ko siya ng mahigpit. “Ay ‘te shangaps, magbihis ka ng maayos. Magpaganda ka naman kahit minsan, huwag mong sayangin ang beauty mo. Nako kung sakin lang napunta ang ganyang pes eh araw araw akong rumarampa.”
“Ay oo na. Sige, kita na lang tayo mamayang 7pm? Sa dating lugar?” sa dating lugar dun sa may park kung saan kami unang nakakakilala, naging meeting place na naming yung since then.
“Dating lugar. Uulitin ko, maayos ah” habang sinesenyas na magskirt at sleeveless siya.
“Hay, I’ll try :)” sabi niya habang tumatakbo siya pauwi.
----------------------
A/N: Huwag po kayong mahiyang mag VOTE, LIKE, COMMENT, SHARE pati mag FAN :))))
heheh. Ang kapal ng mukha ko, hindi naman maganda 'tong story ko. Pero matutuwa po talaga ako pag ginawa niyong suportahan ang mga gawa ko :) Mas lalo po akong gaganahan magsulat ng mga story. Ayun ang epal ko lang. Basta pag feel nio po mag VOTE, LIKE, COMMENT, SHARE pati mag FAN huwag po kayong mahihiya :) Salamat <3
BINABASA MO ANG
And They Lived Happily Never After (REVISED&&COMPLETED)
Romance*Once in while right in the middle of an ordinary life love gives us a fairytale, but what if your "ONCE UPON A TIME" ends in a "HAPPILY NEVER AFTER" way? Just accept it, why? Because if it ends that way it means that it's not yet your love story...