Chapter 5:
Sa ice cream parlor
(JERMAINE’S POV)
Hay salamat naman at natututo ng mag-ayos ‘tong si Ishel. Simple lang naman siya ngayon naka shirt na may batman logo tas nakajumper at rubbershoes, dati kasi pag umaalis kami manang manang ang dating nito eh. “Huwow, asan si robin? Oh teka, ayun na pala eh, kasama si superman.” Aba syempre si sweetiepie ang supermang tinutukoy ko. Haha. Ang landi ko lang :”””””>
“Ah, eh. Ano. Aaahhh. Mamai?” ayan na naman po tayo -_____-
“Ishel, di ba nagpag-usapan na natin ‘to kagabi? Just go with the flow, smile, huwag magsungit pati huwag kang mahiya. Para ka namang ngengoy eh.” Ewan ko ba dito, ilan beses ko ng sinabi sa kanya kagabi, kulang na lang irecord ko tas pakinggan niya mula pagtulog hanggang paggising eh.
“Oei, sweetiepie. Kanina pa ba kayo jan? Pasensya na tumagal kami ah, traffic eh pati nagcommute lang kami. Oh Jeishelle, nice to see you again.” Aaaaahhh, tinawag niya akong sweetiepie in public place. Usually yung lalaking katindig niya eh nahihiya sa mga ganyang kaechosan pero siya :”””””> ang haba ng hair ko.
“Uhhhmmm, hi. Jeishelle, sorry nung last time. Medyo may tama na kasi ako nun, kaya ayun.” Ayyiiee, impernes bagay sila ah.
“Ah, eh. Ok lang yun. Sorry din kung nasungitan kita.” Nahihiya parin siya. Tsk tsk.
“Howkay, tara na order na tayo.” Yaya ko habang hawak hawak sa braso ang aking sweetiepie. Medyo matagal tagal din kaming nagtambay sa shop. Tas nung natapos na kami nagkayayaan kaming mag mall.
Sa Mall
(JEISHELLE’S POV)
“Guys, what if mag hiwalay tayo. Baka kasi may gusto kayong puntahan na ayaw naming puntahan. Uhmm, basta magkasama kami ni sweetiepie. Text text na lang tayo kung san tayo magkikita.” Ang dami nitong echos, hindi nalang niya diretsuhin na para makapaglandian sila at para maging close kami nitong kutong lupang ‘to.
“Uhmmm, osige. Wala naman akong magagawa eh -____-“ tokneneng talaga ‘to. nagkaBF lang iniiwan na ako kung kanikanino :’(
“So, saan mo gusto pumunta?” tinanong ko si Justine habang nakatingin sa lapag.
“Eh saan mo ba gusto pumunta?.” Tokneneng, tanong ko binalik sakin.
“Tokneneng ka talaga, tara na nga lang sa WOF.” Biglang ko siyang hinatak papuntang WOF.
“So, anung gusto mong laruin?” tanong ko habang nagpapapalit kami ng tokens.
“Basketball tayo?” tokneneng talaga, hinaltakak ko ngay dun sa basketballan. Ayun, imperners shooter siya. Habang naglalaro kami, hindi ko mapigilan sulyapan siya. At sa bawat sulyap nayun may konting kirot akong nararamdamam. Bakit kasi sa lahat ng magiging kamukha niya eh yung pang taong dumurog sa puso ko.
“WOOOOOOOOOOO, Jeishelle tignan mo. Ang dami kong nakuhang ticket oh. Ang galing ko no. Tignan mo, sa sobrang galing ko natulala ka na jan.” nabigla ako, ang tagal ko rin palang nag idle.
“Excuse me? Ang dami MONG nakuhang ticket? Para namang hindi ako tumulong.” Kunwari galit ako. Haha.
“Eh ano pa nga ba? Hahaha. Balot ka talaga, nagsusungit ka na naman. Tara na nga lang dun.” Ayan na naman tayo sa balot na yan. Aba siya na ngayon yung nangungulbit. Dinala niya ako dun sa palakasan ng palo ba yun. Ah basta dun.
“Oh, mauna ka. Galingan mo ah, para makadami tayo ng ticket.” Binigay niya sakin yung malaking mallet.
“Ako talaga ah?” so ayun, pagpalo ko na na beat ko yung record. Hahahahaha. Akala niya ah.
BINABASA MO ANG
And They Lived Happily Never After (REVISED&&COMPLETED)
Romance*Once in while right in the middle of an ordinary life love gives us a fairytale, but what if your "ONCE UPON A TIME" ends in a "HAPPILY NEVER AFTER" way? Just accept it, why? Because if it ends that way it means that it's not yet your love story...