CHAPTER TWO:
(JERMAINE'S POV)
“7pm, dating lugar” paulit ulit kong chinachant habang papunta sa meeting place naming. Simple lang suot ko, naka black na halter dress na above the knee tas naka French braid ang ayos ng buhok ko.
“Betcha by golly wow, is that really you? I didn’t know na meron kang ganyang klaseng damit. Nakakatomboy ka alam mo ba yun.” Nagulat ako kay Jeishelle, naka black tube dress siya, above the knee din tas see through ung part simula ng baba ng dibdib niya hanggang sa puson niya, kitang kita tuloy yung curve niya tas medyo wavy pa yung ayos ng buhok niya. Ang hot niya talaga tignan. First time ko siya nakitang mag-ayos ng ganito. Natotomboy ako :O
“Ah… eh.. Ano, pinahiram sakin ni mama. Tama, pinahiram sakin ni mama. Tsk, bakit ang tagal mo? kanina pa ako dito at tsaka ang sakit na ng paa ko, no wonder killer heels ang tawag dito.” Aba’ ang tagal ko daw? Eh saktong 7pm ako dumating. Tsk, excited ‘to baklitang ‘to. Echusera, ayaw niya daw sumama.
“Osiya, tara na. nahiya naman daw yung ambiance sa beauty mo. Baka mamaya eh may humintong sasakyan sa harap natin at tanungin na lang tayo kung magkano.”
Pagdating naming sa bar pinagtitinginan kami nga mga boys dun, kasama ko ba naman ang future topnotcher ng FHM, I mean board exam eh center of attraction talaga.
“Ishel, dito ka lang muna ah. Order ka muna ng juice jan. may susunduin lang ako sa labas” iniwan ko sa dun sa may pad, susunduin ko kasi yung boyfriend ko si Jame.
“Mamai, bilisan mo lang ah. Nahihiya talaga kasi ako eh.” Oo, ishel at mamai ang tawagan namin. Nickname namin yan sa isa’t isa.
(JEISHELLE’S POV)
Hay, ang tagal naman ni Mamai. Saang lupalop bang nagsususuot un? “Tsk, uhm kuya. Paorder na lang po ng pineapple juice”
“Wow, pineapple juice? For a hot girl like you? You’re kidding right?” aba, sino ba ‘tong kumag na to? Hmm, impernes ah kakaiba siya sa lahat ng lalake dito sa pad. Kaya ayokong nagpupupunta sa mga ganitong lugar, nagkalat ang mga creepy people.
“Excuse me? Is there something wrong with what I’ve just ordered?” matarayan nga tong kutong lupang ‘to.
“Nothing. It’s just that, I don’t expect someone like you in this kind of place ordered just a juice. It’s just that, it’s a kiddo thing.” What the? Did I heard it right? Pambata daw yung order ko?
“And so? The hell you care? This is a free country, I can order what I want. And I don’t even know you, why do I even bother to explain myself to you.” Oei, si Jermaine yun ah. Teka, sino yung kasama niya? BF niya? Omo, bakit hindi ko ‘to alam.
“Hey hey, I’m not here to start a debate. I just find it unique. Of all the girls here, ikaw pa lang ang nakita kong nagorder ng juice” aisht, kanina pambata daw tas ngayon unique? Ano bang tumatakbo sa utak ng monggoloid na ‘to? Palibhasa nakainom.
“Whatever, just leave me alone.” At inirapan ko siya ng buong puso.
(JERMAINE’S POV)
“Ishel!!” shemay, no hooking up daw pero may kachimisan agad na lalaki. Parang ilang minuto lang akong nawala.
“Mamai!! Where have you been? Ang tagal kong nag-antay sayo. Ayan, nagsisimula tuloy lumapit ang mga zombies” ang tagal? Matagal na bang ung 10minutes? Grabe talaga ‘tong babaeng ‘to napaka time maniac.
“Ishel, I want you to meet Jame, my boyfriend since last week” I know it sounds odd but sa facebook ko lang siya nakilala. Last week lang naging kami, and ayoko naman biglain si Jeishelle nun kaya hindi ko nasabi agad. Alam ko kasi hindi papayag yun.
“Hi, so you’re Jeishelle right? I’ve heard so much about you.” And yes, tuwing magka chat kami ni Jame wala akong ginawa kundi ikwento si Jeishelle sa kanya. Nagpapatulong kasi akong mahanap ng BF ‘tong echuserang ‘to ng malaman naman niya kung gaano kasarap mabuhay.
“Yeah. I guess she told you that I’m a black belter? And I can wreck your face and break your bones into pieces if you hurt her.” Napansin kong sumama na yung mukha niya.
“Excuse us Jame ah” sabay hablot sa braso niya at dinala siya sa banyo.
“What the hell is your problem??” Crossed arm ko siyang sinigawan.
“Nothing. It’s just that I thought that I am your bestfriend? Bakit ganun? Akala ko ba sasabihin agad natin sa isa’t isa pag may nangyaring maganda o masama satin? Akala ko ba dapat tayo ang unang makakaalam? Jermaine, last week naging kayo tapos ngayon ko lang nalaman?”narinig ko siyang nagsob, sabi sa inyo napakaiyakin ng batang ‘to.
“Ishel, I’m really sorry. Alam ko kasi hindi ka papayag ‘pag nalaman mong pumatol ako sa taong nakilala ko lang sa FB.” Hindi lang ito ang unang beses kaming mag-away dahil lang sa maliit na bagay. At sa mga pag aaway naming yun, laging ako yung umiintindi, umuunawa. Medyo may pagkamadamdamin kasi si Jeishelle, madali siyang masaktan at makaramdam ng naleleft out kaya siguro napaka pihikan niya sa lahat ng bagay. Sabi nga nila nobody’s perfect. Kahit na nasa kanya na ang lahat may defect parin siya.
“Mamai, kung masaya ka sa kanya bakit naman ako tututol diba? Diba number one rule natin bawal hadlangan ang mga bagay na nagpapasaya sa isa’t isa?” oo, may mga rules kaming ginawa. Napaka planado at organize kasi ni Jeishelle eh. Magkaibang magkaiba kami, ewan ko nga talaga bakit napagtiyagaan naming ang isa’t isa. Siguro may plano ang Diyos.
“Hmmm, I’m sorry ok? To patch things up, we’ll go to our favorite ice cream parlor tomorrow ok?” nakita kong nangiti na siya. Tuwing mag-aaway kami at magkakabati lagi kaming pumupunta dun sa I Scream For Ice Cream shop. Napaka isip bata talaga nito. Lord, kung naririnig niyo ako sana padalhan nio siya ng lalakeng magbabago ng buhay niya.
__________________
A/N: Hello, eto na naman ako para sabihing huwag po kayong mahiyang mag VOTE, LIKE, COMMENT, SHARE pati mag FAN xD hahaha. Pasensya na kung abot na sa inyo kakapalan ng mukha ah. Pero pag ginawa nio po yun lalong tataba ang puso ko :) Aigoo, baka sabihin nio pinipilit ko kayo, kung feel nio lang po talaga :)) kung bukal sa puso nio. hahaha. sana po eh magustuhan nio pa yung mga susunod ko pang isusulat, salamat :)
BINABASA MO ANG
And They Lived Happily Never After (REVISED&&COMPLETED)
Romance*Once in while right in the middle of an ordinary life love gives us a fairytale, but what if your "ONCE UPON A TIME" ends in a "HAPPILY NEVER AFTER" way? Just accept it, why? Because if it ends that way it means that it's not yet your love story...