Chapter 4

516 15 0
                                    

 Chapter 4 

   Nakahiga lang ako dito sa kama at namumugto yung mata, Hahaha nakakatawa nga eh, Umiyak daw ba ako? Ang ganda ko tapos umiiyak ako sa isang taong walang pakiramdam. Sayang yung eyesmile ko. Hmp.

" STEPHY!! " Rinig kong may sumisigaw sa labas ng bahay. Ayokong tumayo pero pamilyar yung boses. Kaya tumayo nalang ako at sumilip ng kaunti sa bintana, Nakita ko yung pitong loka loka na naghihintay sa gate namin. Nakauniform pa, Tinignan ko yung orasan ko sa study table at nakita kong mag 9 na ng umaga  at 8:30 yung klase. Hindi ba sila pumasok? sumilip ulit ako at nakita kong kasama si Kassy, pati siya? Akala ko hindi niya mapapabayaan yung studies niya eh. 

Nakakatawa sila tignan sa labas ng bahay namin, Di ko matiis kaya lumabas na ako ng kwarto ko at tinawag si manang na papasukin yung mga loka loka sa labas ng gate, agad naman niyang sinunod. Tapos kumain na ako. Absent nga pala ako ngayon dahil dyan sa Theo na yan. Bwisit

" Stephy!! ~ " Sigaw ni Seya tapos nakita ko nalang silang pito na nasa pintuan na ng dining room. Bilis talaga.

" Oh?Di kayo pumasok? " Tanong ko sakanila habang kumakain ako ng Tuna Sandwich, agad namang tumabi sakin si Seya at Yuna, Tapos tinatapik tapik ako, 

" Manang! Pagkain nga po dito Please " Sigaw ko, agad namang naupo sila Seya at ganun din silang 5. Agad namang dumating si Manang para ibigay yung mga Tuna sandwich na ginawa ata nila.

" Bat hindi ka pumasok? May sakit ka ? " Tanong ni Kassy tapos lumapit sakin at kinapa ako sa noo at leeg, " Wala ka namang sakit ah? " 

" Teka. Bat nagkaganyan yung mga mata mo? " Tanong naman ni Shine, agad naman silang napatingin sakin. Luh. Eto yun eh. Yung makikichismis sila sa nangyari sakin. =_= 

" Wala. " Sagot ko.

" Weh?! " Sabay sabay nilang sabi, napatingin ako sakanila.

" Namiss ko lang si mama. " Pagsisinungalin ko sabay inom juice. nag AHH lang silang lahat. Totoo naman. Namimiss ko na yung Mommy ko. Haay. Tahimik lang kaming lahat, ng biglang tumawa si Lien.

" HAHAHAHAHAHAH " =_= 

Lahat kami napatingin sakanya, tapos tumingin sakin.

" Umiyak yan dahil kay Theo eh. " Diretso niyang sabi. Lumaki yung mata ko dahil dun. Ay joke lang. Singkit pala ako. Mahirap palakihin lalo na at eyesmile princess ako. Tapos lahat sila tumingin sakin. Tumawa lang ako ng HEHE

" Kelan ka pa natuto umiyak sa isang taong walang puso, stephy? " Tanong ni Shika sakin. Bwisit. Bat alam ni Lien? How? 

Oo nga no? Kelan ba ako natuto umiyak sa isang taong walang puso. Wala ba siyang puso? Hehe. Hindi naman umiiyak basta basta si Stephy eh. Umiiyak lang siya pag namimiss yung Inay at pag sa mga kaibigan. Ganun lang. Eh anyareh ngayon? Dalaga ka na talaga Stephy. Ganda mo talaga. Huh. Dyosa mo. Hehe '

*

Papasok na ako bukas. Kelangan maging matatag. Leshi. Bat ba ako nagkakaganito eh hindi naman kami. Chosera mo Stephy. Ganda mo kasi eh :> O'tama na. May magrereact eh =__= Hi Fans. Hehehehe

Natulog na ako ng maaga dahil maaga din akong papasok bukas. Kelangan mangopya ng homework no! Masipag ata ako. 

Nagising ako ng mga 7am. Naligo na agad ako at nagbihis na ng uniform tapos bumaba na para kumain ng breakfast. Nakita kong kumakain na si Kuya at Daddy, nagsmile lang ako at umupo na. Tahimik lang kaming kumain. tapos hinatid na ako ni Daddy sa school =__= 

Pagdating ko, akala ko may nagkakagulo nanaman. Pero buti na lang at tahimik ang paligid. Wala akong nararamdamang THEO KIM. 

Papasok na sana ako ng room ko ng may tumawag sakin. 

" Stephy! Buti naman pumasok ka na. " Hindi ko siya friend pero kilala ko siya, kaklase ata ni theo.

" Bakit? " Tanong ko.

" Ah. gusto ko lang sabihin na.. " Ano daw?

" Binully nanaman nila Mark si Theo. " Sabi niya

" So? " Pagtataray ko sakanya tapos pumasok na ako sa room at umupo na sa upuan ko. Tara ko maygad. Bagay ba sakin? Comment! Hehe 

Napakamot na lang siya sa batok niya at umalis na. 

Tagal naman ng mga lukaret. Miss ko na agad sila =_=  

Lumabas muna ako ng room at naglakad lakad ng masulyapan ko na papalapit sakin si Theo. Ok, Stephy. Kalma ha? Wag pansinin. 

Tulad ng sinabi ko, naglakad lang ako at nilampasan siya. Ngayon ko lang din naisip na ang cute pala ng boses niya. Sana magusap ulit kami no? Pero yung hindi na nasasaktan. Yung usap kaibigan ba, ganun. 

Naupo lang ako sa may hagdan sa may lobby habang pinupuff yung cheeks ko. Cute ko talaga. Maganda na nga, Cute pa, Dyosa pa. San ka pa? Stephy na. Hehehehe

Maya maya may tumabi sakin, napatingin tuloy ako habang nakapuff yung cheeks ko. Si Mark? Bakit kaya? 

" Hi Stephanie. " Sabi niya. =___= 

" May kelangan ka? " Pagtataray ko naman.

" Wala naman. " 

" AH ok. "

" Taray naman neto. " Ay matagal na. Di lang halata, dyosa ko kasi.

" Hoy! HIndi ako mata-- " Hindi natuloy yung sasabihin ko dahil bigla siyang tumawa. Tinarayan ko nalang siya at balik tingin sa harap, nakita kong nakatingin sakin si Theo.

O ngayon titingin tingin ka. Loko ka pala eh. Nagseselos ba siya? May gusto na ba siya sakin? Toroy ni koya.

" I Like You. "  Biglang may bumulong sakin, pero wala namana si Mark. Langya yun, umalis ng di nagsasabi, =__= 

Pero parang boses niya. Boses ni Theo. 

 Nababaliw na siguro ako? Pati boses niya sumasagi na isip ko. Ganun ba talaga ako kabaliw sakanya? o ganun ba talaga pag pilit kayong nilalayo ng tadhana? 

--

Vote ~

Comment ~

Follow ~

 Kamsahamnida.

  

 -SK

Lost In Love (TaeNy FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon