Chapter 6

494 14 1
                                    

" Stephy, Pwede ba tayo magusap? "

" Stephy, Pwede ba tayo magusap? "

" Stephy, Pwede ba tayo magusap? "

 Gosh. Ano daw? Pwede daw ba kami magusap? Tungkol saan? When? Where? Why? 

" Hoy! " Sigaw sakin ni Seya tapos tinapik ako. 

" A-ano? " Tanong ko sakanila. Tapos nagtawanan sila.=_=

 " B-bat ba kayo tumatawa? " Inis na tanong ko sakanila.

" Magusap daw kasi kayo nun oh. " Sabi ni Shine sabay nguso kay Theo na nakaupo pa rin at nakatingin samin na ANO-DAW-LOOK. 

Umiling iling lang ako at tinarayan  sila tapos naglakad na palabas ng gate ng school at bumalik ulit. Nakalimutan ko kasing nasa Parking lot nga pala yung sasakyan. Hehe ^O^7

Di manlang sumunod sakin yung mga lokaloka na yun. Tss. Iwan daw ba ako? Porket uwian =_=

Bat niya kaya ako kakausapin. =-= Aamin na ba siya na gusto niya ako? Ganun ba? O magsosorry kasi binugbog niya si Mark? Eh bat naman siya magsosorry? Di ko naman kaanoano si mark. Haay buhay parang life. Kailan kaya ako magkakalovelife ng maganda. Yung kasing ganda ko. Tsk

" Mam, Papasok po ba kayo sa loob ng sasakyan? " Napatingin ako kay manong driver na nakatayo sa gilid ng sasakyan at nakakulubot yung noo. Anong klaseng tanong itoo? =_= alangan namang sumabit ako diba? 

Napahinga ako ng malalim at sinagot yung nakakalecheng tanong niya, 

" Ay hindi manong. Bakit gusto mo ba ako sumabit dito sa bubong at magpakasaya habang nagdadrive kayo? bumili na din kayo ng pagkain para feel na feel ko yung hangin dito habang nakasabit ako dito sa bubong. Ha-Ha-Ha! " Sabi ko habang dinuduro duro yung bubong ng kotse, Napakamot nalang siya sa ulo at pinagbuksan ako ng pintuan. kaloka ah 

Sinuot ko lang yung earphones ko at nagpatugtug ng kanta. Haay nakakapagod tong araw na to =_= hirap maging estudyante. 

Kinabukasan, maaga ako pumasok dahil tinamad akong gumawa ng homework pagkauwi. Natulog lang ako agad, di na nga ako nakakain eh =_= 

" Oy stephy. Aga ha? " Bati sakin ni Seya na kumakain ng burger

" bat ang aga mo din? " Napatingin ako sa relo ko, 7am palang naman kasi andito na siya agad. Madalas kasi mga saktong 8 dumadating yan eh. 

" Ahh. Eh kasi diba ayaw ni Kassy ng burger? kaya napaaga ako ng pasok para lang kumain nito.  Hihi " Sabi niya at umupo sa harap ko.

umiling iling nalang ako at balik kopya sa homework. Tinatamad ako magaral. Gusto ko lang matuloooooooooog. 

Kamusta na kaya si Theo pagkatapos kong tanggihan yung sinabi niyang magusap kami. Nalungkot siguro siya ano? Hay. Bat kaya niya gusto makipagusap? Hindi naman kami close eh.

" Stephy, tapos ka na ba? " Napatingin ako sa nagtanong, Ah. Yung may ari lang ng papel ng pinagkopyahan ko. Nagnod lang ako at nagthank you sakanya. Mabait naman ako no. 

Tumayo ako para pumunta ng canteen nang mapansin kong dumaan si Theo sa room namin. Napatingin lang ako sakanya. hindi manlang siya lumingon. Tss.

Tuluyan na akong lumabas at naglakad pa canteen. Wala namana si Seya dun sa room, umalis siguro nanaman o naghanap ng pagkain para sakanila ni Yuna. -_- Lagi naman. Lam niyo na yan mga Kapwa Kpoppers. Mehehe

Naglalakad na ako papuntang canteen nang madaan ako sa CR na malapit sa Canteen, 

I've been spending all my time

Just thinking about you

I don't know what to do

I think I'm fallin' for you

May Radyo na tumutugtug at may babaeng kumakanta. Napatingin ako sa may pintuan at nakita ko yung isang janitor ata ng school na nagmomop ng sahig sa Cr habang kumakanta.

I've been waiting all my life and now I found you

I don't know what to do

I think I'm falling for you.

I'm falling for you.

Tuloy pa rin si Ateng sa pagkanta. Feel na Feel niya eh. Napangiti ako sa ginagawa ni ate. Hahaha nakakatawa kasi siya. Ang ganda din nung kanta. Ano kaya title nyan no? Hmm. 

" HAY JUSKO! " Sigaw ni ateng singer nang mapatingin siya sakin na nakangiti. Napatingin ako sakanya na hawak yung mop at yung isang kamay naman sa puso niya. Mukhang nagulat siya

" Kanina ka pa ba diyan, iha? " Tanong niya sakin.

" Ah. O-opo. Hehehe. Galing niyo kumanta ate! Pang the voice. Hahaha " Nakangiti kong sabi sakanya tapos tumakbo na papuntang canteen. Sigurado akong nahimatay na yun dahil ningitian ko siya at dahil din sa Eyesmile ko. Mehehe

" Hoy Stephy! " Sigaw sakin habang tumatakbo ako kaya napatigil ako at napalingon. 

Nang makita ko kung sino yun, nakita ko sila Seya at Yuna na....na.. Kumakain =__= Hay. Kala ko naman kung sino. Tss

"Bakit?" Tanong ko agad

"May naghahanap sayo. Dun sa may Garden ng school."

"Sino naman?"

"ABA MALAY NAMIN! HIKHIKHIK" nagkatinginan muna silang dalawa na parang nagkakaintindihan. Lasing ba tong mga to. Baka trip ako.

" Hay. Kakain pa nga ako eh.Sige na" Sabi ko, Nilagpasan ko na sila. Sa totoo lang wala ako sa mood ngayon. -_-

Pagdating ko sa garden ng School wala naman akong nakita. Tahimik lang yung paligid. Wala namang katao tao eh -___-

Pumunta ako sa may mga bato na malalaki at naupo. Kung may pagkain lang akong dala eh. Kaso wala bwisit kasi. pinagtripan ata ako nung dalawa eh.

Mga ilang minuto na din akong nakaupo dito. Matagal pa naman klase. yaan mo na yun.

Maya maya, May narinig akong parang nagsasalita. Luh?

"If Im Gonna Fall InLove..... Aish ang hirap naman. "

Tumayo ako at sumilip ako sa isang pinakamalaking puno dito sa Joren. At nakita ko isang lalaking yakap yakap ang gitara habang pinapatugtug ito. Nagaaral ata mag gitara. Teka.. Si Theo to ah?

Sumilip ulit ako. Tama nga. Siya nga buti na lang di ako napapansin nito.

Babalik na sana ako sa Inupuan kong bato nang biglang may gumulat sakin.

"BUWAAH!! " Dahil sa nagulat din ako, nawalan ako ng balance at matutumba na sana kaso may sumalo sakin, at.... at naka.. Teka ano ba to? b-buhat niya ako n parang bagong kasal at naka eye to eye pa kami...

AM I DREAMING?!

Nangyayari talaga to samin ni Theo?! Jinjja?!

KUNG PANAGINIP MAN TO, SANA HINDI NA AKO MAGISING. KAHIT ALAM KONG NASA KALAGITNAAN NA AKO NANG PAGMOMOVE ON.

---

Comment ~

Vote ~

Follow ~

Kamsa.

-SK

Lost In Love (TaeNy FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon