Chapter 8

492 15 1
                                    


Chapter 8

"No. I need help. I-I Need You.. " Nagising yung diwa ko sa sinabi ko sakanya. Napayuko na lang ako pero lumuhod siya sa harapan ko at inoffer niya yung isa niyang kamay sakin.

"Tumayo ka na dyan. Dali. " Pagsusungit niya. Hindi ba siya kinilig dun?!

"Eto na. A-aah! " Walang lakas yung paa ko. Nakakainis.

"Hoy hoy! Ano bang ginagawa mo! Ibaba mo nga ko! Nako sasapakin talaga kita! " Sigaw ko at nagwawala. Bigla ba naman akong buhatin? Kulang nalang isubsub na niya yung mukha ko sa likod niya eh! Nak ng.

Teka. Ano ulit nangyayari? nananaginip ba ko? Eto yung pangarap ko nung first year highschool ako eh. 

Napansin ko nalang na nasa Parking Lot na kami ng school at nasa harap ng isang sasakyan. Rich Kid. 

" May sasakyan ka? " Tanong ko pero hindi niya ako pinansin at ibinaba sa gilid ng pintuan ng sasakyan tapos umikot siya sa kabila at sumakay na din pero nakatayo lang ako.

" Hindi ka ba sasakay? " Sungit naman nito, Tinarayan ko nalang siya at binuksan yung pintuan pero pinaatras niya ito, Aba walangya.

" Sasakay ka ba o hindi? " Ulit niya. Pero tumingin lang ako sa langit at nagfold arms. Hmp,

" Bahala ka. " Sigaw niya at akmang aalis na pero syempre pinigilan ko, "Teka. Sasakay na nga eh! " Sigaw ko sakanya at pumasok na sa sasakyan. Tahimik lang kami sa loob. In Short.  AWKWARD..

" San ba bahay niyo? " Tanong niya sakin. " Sa Earth malamang. Duh. " Pagtataray ko at tumingin sa labas ng bintana pero bigla niya ito tinigil sa gilid habang nagdadrive.

" Baba. " Sabi niya. Hala lagot. " Joke lang yun. Sa North Village. =_= " Pagmamakaawa ko sakanya. Pero..

" SA NORTH VILLAGE?! " Sigaw niya at tumingin sakin. 

" O-oo. " nagulat ako sakanya bwiset.  "Tss. " Sagot niya at nagdrive na ulit. 

Tinuro ko skanya yung daan papunta sa bahay namin. Naguluhan nga siya kung saan talaga eh HAHAHA.

"Salamat sa paghatid. " Tumalikod na ako at naglakad ng pa ika ika.

Tapos na yung araw na to. Sana hindi na natatapos to. Ang lungkot, kasi yung mga pangarap ko noong baliw ako sakanya dati, natupad. Pero ngayon kung saan handa na kong talikuran siya doon naman nangyayari. Hay bat ganun. =__=

"Ano nangyari sayo, Iha? " Tanong ni manang sakin. Buti nalang wala sila.

"Wala po. Akyat na po ako. " Sagot ko. Tumango na lang siya at tinulungan ako umakyat papunta sa kwarto. Agad akong nahiga.

"Ano ulit nangyare. " bulong ko sa sarili ko. Ano nga ulit. Andaming nangyari ngayon. Masaya,Malungkot, Nabwisit.

Umupo ako sa sahig at kinuha yung kahon na maliit na matagal nang nakatago dun.

"Haay. Ganito pala ako kabaliw sakanya. Grabeee! " sabay hawak sa noo ko at natumba ako sa sahig. 

* Kriiiiiiiiiiiing ~

Napaupo ako nang marinig kong tumunog yung Phone ko. May tumatawag ata. Kinuha ko yung phone ko sa Kama ko. 

" Hello? " Mahinahon kong sinagot yung tawag.

( Hello Stephy! May exam pala bukas! I mean. Tayo lang kasi --- ) 

" Oo. Alam ko kaya magreview ako at Teamwork tayo bukas ganun diba? "

( Das Rayt! Labyu na talaga! Bbye. ) Tapos inendcall na ni Seya yung tawag. Naman oh.

Tumayo na ako at pumunta sa Study table ko at doon nagreview. Hindi ako makapagreview dahil bumabalik sa isip ko yung mga nangyari kanina. Hala ka oy.

*

Hindi ko alam kung may blackeye na ba ako sa mata. Anong oras na ako nagreview. Plus. Hindi ko pa alam rereviewhin ko kaya nireview ko na yung sa subject ni Sir, Lesson 1 hanggang Lesson 7.

Ang sakit sa mataaa. Yohooo

"Nagpuyat ka nanaman. " Napatingin ako kay Leo nung makaupo na ako sa dining table.

Kumain kami na may gana. SILA MAY GANA. AKO WALA.

ANTOK PA KO OY :((((

*

Andito ako sa Clinic. Maaga ako pumasok ngayon. Sabi ko sa nurse masakit yung ulo ko. Pero matutulog lang talaga ako.

Nagising ako nung dumating sila Seya at hinihila hila nila ako, d ko pa maimulat mga mata ko. Joke lang. maliit lang mata ko -O-

"Ano ba yam Seyaaaaa " Sabi ko nang makarating kami sa lobby. Napaupo agad ako at kinukusot mga mata ko.

"ANO KA BA! BAT KA NATUTULOG SA CLINIC! " Sigaw ni seya.

"OO NGA. ABNORMAL TO. " Sigaw naman ni Yul.

"YAHRAYT! TEKA GUSTO MO FRIES? " - Yuna

"NEXT TIME TEXT MO NAMAN AKO PAG MATUTULOG KA SA CLINIC! PARA AKO DIN HA! " Sabay tapik sakin ni Shika. Kinutusan nalang siya ni Shine. Naabot ni Shine yung ulo diba? magic. HAHAHAH JK.

" HAYSS. CUTE KO PA RIN. ANOBAYAN. BTW BAT KA NATULOG!? ALAM NAMING DI KA NAG-MMMMMMMM- " Tinakpan ni Lien yung bibig nya.

"BAT KA NATULOG STEPHY! ALAM KO NAMANG -MMMMM!- " Hindi natulog sasabihin niya kasi tinakpan ulit ni Lien at sya naman nagsalita. Nakatingin lang ako sakanila habang nakatayo sila. Anong trip nila? Nakita ko nalang tumatawa si Krys sa gilid.

"UNNIE'S! ANG INGAY NYO NAGREREVIEW AKO! " Sigaw ni kassy na nakaupo pala sa likod ko. Di ko manlang napansin.

"EHEM EHEM. AKO NA MAGSASABI! OKAY? " Napatingin kaming lahat kay Lien.

"STEPHY! BAT KA NATULOG? ALAM NAMING ---- "

" ALAM NAMING HINDI KA NAGREVIEW! I MEAN. NAGREVIEW KA. OO. PERO WALA KANG NAINTINDIHAN KASI MAY INISIP KANG IBA! ANO BA YON?! " Binatukan ni Lien si Seya at nagbulong " Ako nga magsasabi eh ;( "

"HAHAHAHAHAHHAHAHAAHAHAHH! PFT. " Tawang tawa si Krys nung umalis sa gilid namin.

"Kwento ko sainyo mamaya! Uwi kayo samin ha! " Sabi ko at tumayo na. Hinila ko yung kamay ni  Shika at sabi "ALAM NA! "

Hinawakan ni Shika yung kamay ni Shine tas hinawakan ni Shine kamay ni Yul tas Yuna tapos Seya at Lien and Kassy.

Magkakasunod kaming naglalakad. Train Train Put put. Tama ba? Hehehe.

Nagtatawanan kaming naglalakad hanggang sa Mapansin kong papalapit samin si Theo. Ohmy.

Nang malapit na siya samin, Huminto siya kaya napahinto ako.
Tumingin siya sakin ganun din ako.

"Ooops. " Rinig ko kila Seya.

"Pumunta ako sa bahay nyo kanina. Pero wala ka. Sige " Sabi niya at umalis. Teka ano daw? Sinundo niya ako?

"BAHAY?! " Sigaw nilang lahat sakin.

Nagniningning yung mga mata nila nung mapatingin sakin. Patay.

" Ah. Hehe. " 

------

Vote ~

Comment ~

Follow ~

Thanks.

-SK







Lost In Love (TaeNy FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon