Chapter 16

354 14 0
                                    

Chapter 16 

 Seya's POV

  "Oy ang tagal ni Stephy. Pupuntahan ko lang siya ah. " Paalam ko sakanila, kasi sobrang tagal ni Stephy. mga 10minutes na kaming nagiintay pero wala pa rin siya. Ninakaw ata nya yung bag ko ah?! Nako nako. Tsk tsk. 

"Teka, Sasama na kami! " Sigaw nila. Naglakad na kami papunta sa may library ng mapansin kong may lalaki na naglalakad at mukhang may buhat na babae. Akala ko kung ano lang yun kaya hinayaan ko na lang hanggang sa mapansin ko yung bag ko sa dinaanan ng lalaki kanina, Hindi kaya? 

Agad akong tumakbo malapitan lang yung lalaking yun, "HOY MGA LOKA! KUNIN NYO BAG KO AH! " Sigaw ko sakanila, pero yung sagot nila? , "BAHALA KA SA BUHAY MO! " Hindi ko na lang sila pinansin at tumakbo na hanggang sa makakakaya ko, Nakita ko si Stephy, Buhat ng isang lalaking nakatakip yung mukha. May sumbrero ito at nakajacket pa. Ang lamig ah? 

Sakto namang nakita ko si Theo na lumabas sa CR, Hmm. HAHAHAHA joke lang! 

"Hoy theo! Si - Stephy! " Sigaw ko, agad naman siyang napatingin sakin at tumakbo. 

"anong nangyari?! " 

Huminga muna ako ng malalim at sinabing , "May kumuha ata sakanya eh! Nakita ko kasi siya buhat ng isang lalaki. Hindi ko kilala pero dun sila pumunta. Dali puntahan mo! Papatayin kita pag di mo nakita si stephyyy! " Sigaw ko habang tumatakbo na siya sa daang tinuro ko. 

"Ano bang meron?! " Pag-aalala nila Shika, Sinabi ko naman na na yun nga. Agad naman silang nataranta at aakmang pupunta sa Police station pero buti na lang pinigilan ko. Hays. 

Stephy's POV 

 "Aray ko po. TT_TT " Mangiyak ngiyak kong sinabi, Ano nga bang nangyari? Teka. Ang dilim naman dito. Hindi naman ako mukhang nakidnap diba? Kasi hindi naman nakatali kamay at paa ko, Walang panyong nakasaksak sa bibig ko. Ano pa ba? Yun kasi nakikita ko sa TV eh. Hehehe 

"Ikaw pala si Stephy. " Nagulat ako nung biglang may nagsalita, Napatingin ako dun at parang nakakita ako ng dambuhalang tao. Teka, Eto yung leader ng FRAT sa High Academy ah :O A-ano meron. Bat siya nandito? 

"Dyosang Stephy. Okay? Asan ba ako? Bat ang baho? Hindi naman mabaho dito kanina, Pero nung dumating ka. Bumaho agad. Hays. May putok ka no? Ay try mo magrexona! Or Nivea, yung sa TV yung sa club. tugs tugs tugs! HAHAHAHAHAH " 

"MANAHIMIK KA! " Sigaw niya sakin, kaya napatigil ako at umupo na lang sa inupuan ko kanina. "Kilala mo ba si Mark? " Agad akong napatayo at tumingin sakanya. 

"OO. Bakit? " Sagot ko. Agad akong kinabahan, Bigla siyang tumawa, Yung nakakatakot na tawa. 

"Siya yung nagdala sayo dito. Siya din yung kumuha sayo! " Sa sinabi niyang yun parang nanghina yung tuhod ko. Anong ginawa niya? Binigay nya ko sa FRAT na mga ito? Pinaikot ba niya ako? Sinabi niyang gusto niya ako, para makuha ko yung atensyon niya? Kaya pala ganun si Theo sakin, kasi nagiingat lang siya. Iniingatan nya ako.

Maya maya, Biglang may sumipa sa pinto at lumabas doon si Mark na dumudugo na yung mukha at nakatali pa yung kamay sa likod. Hindi ko alam pero nagulat ako sa nakita ko at parang gusto ko siyang tulungan, Gusto ko din siyang iligtas kahit na siya yung dahilan bakit ganito. Tatayo na sana ako ng bigla akong hawakan nung maangas na lalaki sa braso at umiling.

"Wag." Sabi niya sakin, 

"Mark! " nagulat ako nung biglang may sumuntok sakanya sa tyan at lumabas sa bibig nya yung dugo. Napapikit nalang ako at nagdasal. Hindi ko kaya mga nakikita ko ngayon.

"Alam mo ba bakit ko pinabugbug tong Mark na to?! " Sigaw sakin nung dambuhala na parang galit. "Matitikman na sana kita kung di lang ako pinigilan ng gagong to! " Pagalit na sabi niya sakin at sinuntok si Mark. Ano ba tong kadramahang nangyayari. Bakit ganito? Maayos naman buhay ko ah. Ginulo lang nila Theo at mark! Napansin kong ngumiti si Mark sakin at pipikit na ng sumigaw ako, "WAG KA MUNANG MAMATAY BWISIT KA! GAGANTI PA AKO SAYO!! " Sa sinabi kong yun, ngumiti lang siya sakin hanggang sa may narinig na akong wangwang na galing sa mga sasakyan ng police.

"Boss. Ayan na ata si Theo at mukhang may mga dalang police! "

"tara na boss! " 

"Tangna. Babalikan ko kayo mga ungas! " 

Huli nilang sinabi at umalis na. Hindi nila ako sinama? Kala ko ba kidnap to? Eh bat ganun? -_-

"Mark! Hoy! " Sigaw ko sakanya, nakaupo lang siya at mukang di naman mamatay. Chosera ko lang talaga.

"Ano?! " Sigaw niya sakin, 

"Bwi-- "

 {A/N: PATUGTUG NYO YUNG KISMET SA GILID ----> OVER DERR. HEHE TENKS. }

"P*ta, Mark! sabi ko naman sayo wag mong idadamay si stephy diba! " Napatingin ako kay Theo na pumasok sa kwarto kung saan nandun kami ni Mark.

"Tangina mo. Ginusto mo rin naman to! " Nagulat ako sa sinabi ni Mark, Hindi ko akalain na ganun pala. Pinlano ba nila to? Bakit parang may umapak sa puso ko? 

"Theo.. " Bulong ko, Napatingin siya sakin ng seryoso. Hindi ko alam ano dapat kong irereact. Tama ba yung narinig ko guys? Na ginusto din to ng Taong mahal ko? Alam nyo yung feeling na ganun..

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at hindi ko alam na may tumulong luha na pala sa mata ko,  Tumakbo na lang ako palabas ng kwartong yun at lumabas sa bahay na yun na ang panget! Sa oras na hindi alam ang gagawin, ano bang ginagawa nyo? Ang tumakbo hanggang sa mapagod ka? Magawa ko nga yun.. Tumakbo ako palabas ng bahay, Tumatakbo kahit madaming sasakyan sa paligid. Tinawag din ako nung isang police pero di ko na siya pinansin hanggang sa naiyak na lang ako ng sobra nung may tumawag sakin na "STEPHY! ", Si Theo lang pala. Sobrang sakit lang. Ang tanga ko kasi eh. 

Sinusundan pa din ako ni Theo, Balak kong tumawid para makalayo sakanya. Kahit takot ako sa nangyari ngayon, Hindi ko pa rin maiwasang ilabas yung saloobin ko. Hindi naman masama yun diba? Kung makita ko nung mga gangster, edi makita. Wala akong pake! 

"HOY STEPHY! WAG KANG TUMAWID! " Rinig kong sigaw ni Theo, Tinignan ko siya at palapit na siya sakin, Tumawid na ako ng biglang marinig ko yung... 

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP! * Busina ng isang sasakyan, Naramdaman ko nalang na may tumulak sakin, kaya natumba ako,Hindi ako makagalaw. Sobra sobra na ang nangyayari ngayon. Ang malas! 

"Ohmayghad! " Rinig kong sigaw nung isang babae sa may gilid. Anong nangyari? patay na ba ako? Bakit ang daming tao na? Naisipan kong tumingin, 

Pagtingin ko, Hindi ko inaasahan ang nakita ko... 

Nakita ko siyang nakahiga sa kalsada at duguan ang paligid niya. Wala na rin siyang malay. May mga taong nakikichismis at ang babaeng nakasaga sakanya tumatawag na ng tulong. 

Nakita ko si Theo, Madaming dugo sa paligid niya, Wala akong nagawa kundi lumapit sakanya at umiyak sa harap niya.

Yung taong mahal ko, Yung taong matagal ko nang minamahal, Yung taong walang kwenta, Niligtas niya ako? Hindi ba panaginip to?

Panaginip to diba? Diba, Author? Diba? :( 

--

Sorry Late UD. Haha~

Vote.Comment.Follow.

-SK

Lost In Love (TaeNy FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon