Chapter 9

424 16 2
                                    

Chapter 9 ~

Nandito kami ngayon sa Garden ng bahay namin. Syempre kasama sila.Lagi naman diba?

Anong nangyari sa Exam? Ayun Nakapasa naman kaming lahat. Slamat kay Kassy Pero hindi ko naman kinopya lahat ng sagot ni Kassy.

Weh? - Author

Oo nga!

Kaya pala sabi mo kanina nung Exam pahiram papel kay kassy. Kaiyak stephy ah. huhuhu :'(

Che! Alis na nga Author! Storya ko to. Epal to.

So ayun nga. Wag nyo na pansinin si Author. Panget kasi yan eh. Hehehehe!

"Ayyyyeyeye. Ganun pala nangyari huh! " Sabi ni Shine na tuwang tuwa nung kinwento ko na sakanila.

"Kinilig ka no? " Sabi naman ni Lien.

"Sino namang hindi kikiligin dun sa kwento nila! Shemay! " Sigaw naman ni Yul kay Lien.

"Heh! Oh oh oh Yul! " Sabi ni Lien at pinayungan si Yul.

"Bakit? Di naman umuulan ah? " Napatingin din ako sa langit. Hindi nga umuulan. Bat kaya? Agad namang natawa sila Seya, Yuna, Shine, Shika, Kassy, at si Lien. Kami lang hindi natawa ni Yul.

"Baka kasi mas lalo kang umitim. Maitim ka nga, iitim ka pa! Chocolate na si Yul! " Sigaw ni Lien. Hinampas siya ni Yul at natawa sila.

"Toblerone! Hahahaha! " Sigaw naman ni Seya. Ganito kami magbonding. Masaya, Biruan, Walang inisan at seryosohan. Binatukan nalang ni Yul si Lien at nagsitawanan, Natawa na din ako sakanila. Mabuti na yun, Hindi ako yung topic. Hehe

"Kain muna kayo! " Sigaw ni manang na may dalang Tuna sandwhich at Juice. Nagsihiyawan naman sila Seya kasi may pagkain na, pero tumayo muna ako at papasok lang sa loob saglit, nang mapatingin ako sa may gate namin, habang papasok ako sa Pintuan. May lalaking pasilip silip doon kaya hindi na ako nagtaka at tumakbo palapit sa Gate.

Nagtago lang ako sa may gilid ng gate kung saan siya sumisilip. Sino naman kaya gagawa nito. Asan ba yung magaling na Guard dito? Tsk tsk.

Maya maya naisipan ko nang lumabas. Paglabas ko naman, " Aray!" Sigaw ko dahil may tumulak sakin na lalaki.

" S-sorry " Sabi nung lala-- teka.

" Theo?! " Napalaki yung mata ko ng makita ko nasa harap ko si Theo. Oo siya nga. Napatingin din ako sa likuran niya at may nakita akong tatlong lalaki na tumatakbo.

" Anong ginagawa mo dito? " Tanong ko sakanya. Napa-atras siya at napakamot sa batok at tumingin dun sa lalaking tumatakbo.

Bat kaya siya nandito? Bisita ba? Ugh, Duh stephy Chosera mo. Move on na nga diba, MOVE ON! KAHIT HINDI NAMAN KAYO. Tange mo talaga. Friends nga lang daw kasi. Bwisit.

" Ah. Eh. " Sabi niya at tinuro yung mga lalaking tumatakbo papalayo samin, " Sabi kasi nila maglalaro daw kami at dito daw yung lugar kung saan kami magkikita.kita. Pero nung makarating na ako dito, sabi nila teka lang daw kaya naghintay ako. Pero nung sabi nila na ako daw muna sumilip dun ko nalang nabalik sa isip ko na. Bahay nyo pala to. Nakalimutan ko kasi eh. Tapos ayun, nung lumabas ka ng gate nyo, tinulak nila ako sayo. Sorry ah. " Sabi niya sabay kamot sa batok. May kuto ba yung batok niya? +-+

" Ahh. Gusto mo kumain? Pasok ka muna. " Teka stephy. Nasa loob pala sila. Patay ka pag pumayag yan.

"Huh? Hindi na. Sige bye. " Sumilip muna siya sa loob at naglakad na palayo. Ang cool niya talaga :">

"Hoy ano ginagawa mo dyan!? " Sigaw ni Shine sakin. Agad naman ako pumasok at Pinigilan siyang lumabas ng gate. Masama na. Baka magkalat pa. Hahaha!

Lost In Love (TaeNy FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon