---------------------
may nakita akong status niya, ni-like ko naman agad. para papansin effect na rin.. mahilig siya mag-status ng song lyrics tulad ng:
"if i could, then i would. i'd go where ever you will go"
eh kasi nga papansin ako kaya nag-comment ako at dinugtungan ko ng:
"way up high or down low.."
and then nagcomment ulit siya hanggang halos matapos na namin yung kanta kakadugtong.
pero after nun wala na. di na kami nagchat ulit. sa totoo lang kaya ako nahilig sa facebook eh kasi inaabangan ko siyang online na alam kong ginagawa niyo naman. di ba? hehe. actually nahilig rin kasi ako sa LSOV. yung kay Marcelo Santos iii. sobrang adik ako dun na lahat pinost ko sa fb ko. sa sobrang busy ko kakapanood eh ayun, ni-like niya pala lahat ng links na nai-post ko. pinanood rin pala niya.
*nakilig naman ako* eeeh :">
ni-chat ko naman siya , sabi ko "hala salamat sa pag-like mo sa mga links."
reply niya "welcome. ganda ri kasi eh. kaka-touch."
"naka-relate?" tanong ko sakanya na animo'y humihiling ako na sana wal siyang special someone.
"hindi eh. natutuwa lang ako sa story" sagot niya.
"ah. yung upuan, panoorin mo rin yun. ganda"
"sige pero male-late nako niyan. next time nalang" tapos biglang offline na siya. ay. di man lang ako nakareply. pero ayos na yun, atleast nakaka-chat ko siya. akala ko nga di na mauulit yung nakaka-chat ko siya. pero naulit ng naulit ang mga pagkakataong yun. sa totoo lang sabi ko di ako aasa sa crush kong to, ayaw kong ma-fall ulit. tingin ko di tama ma-fall ako sakanya. pero yun nga hirap pigilan ni heart eh. sinaktan nako ng bongga ng ex ko eh. pinagdasal ko na sana kung tumibok man ang puso ko ay, para sa taong makakatuluyan ko na. yung destiny ko. yung soulmate ko na. kaso yun nga tumibok ulit eh, its too soon.
napadaan ako sa gazeebo at saktong andun yung kaibigan kong kabarkada niya.
"isai!"
"ui. bakit?"
"lika muna."
lumapit naman ako habang umiiwas sa pagtingin sa kanya. hirap nun ah. masaya ako kahit hanggang tingin lang ako.. tapos biglang nagtanong yung mga kaibigan niya na inumpisahan ng kaibigan ko:
"sai, kung manliligaw si sleepy sayo may chance siya?"
"hala. lahat ng tao may chamce" yan ang laging kong sagot sa tanong na yan/ paasa ba? hindi naman ata. kasi kung di ko talaga type, wala agad sagot ko eh pero kasi yun nga crush ko eh. :">
"oo o hindi lang"
"hala. haha." natawa ako at nangiti sabay sabi siya si richard joseph di ba? siya yung lagi kong kachat sa fb. sabay tingin nila sakanya agad. kanchaw abot niya sakinala.
pabiro niyang sabi"aah. magbigti nako...waaa"
"hala namula si sleepy" sunod pang sigaw nila. nyaa. dapat di ko na sinabi eh.. pero namumula nga siya ..