chapter 4

44 0 0
                                    

kinagabihan nung hininge niya number ko at chempong tapos na klase namin eh may nagtext sakin.

"hi sai.."

"sino ito?" sagot ko na tila nakalimutan kong binigyan ko siya ng number ko . pero totoo nakalimutan ko. 

"grabe ka naman, di mo na naalala mga pinagsamahan natin?"

"huh?" 

"di mo nako maalala. grabe ka."

"sorry ha? di kita kilala eh."

"si sleepy to sai, hehe"

parang tumigil mundo ko ah. siya pala yun. tama siya nga. kinikilig na ko talaga. pero  mabagal siya magreply. busy siguro. kasi naglalaro ng frisbee? may date? ewan. on the other side meron rin akong ibang katext na nakakatouch rin naman kung pano siya mag-care sakin, kaibigan ko din na ka-batch ni sleepy pero ibang course. alam niyang may gusto ako kay sleepy pero di siya tumigil, prinsesa tawag niya sa akin at alipin tawag ko sakanya. katext ko rin siya nung gabing yun.

"prinsesa andito si sleepy"

"ah. okay alipin"

"mukhang busy siya sa cellphone niya prinsesa."

"katext ko rin siya alipin."

"ay ganun ba? kaya pala abot tenga ngiti niya."

nagulat ako at gusto kong kiligin pero ewan ko ba. siguro di lang ako katext niya. kaya siguro bagal niya magreply sakin kasi may iba siyang katext. di nako nagreply pa kay sleepy. natakot akong masaktan. pero yun nga, the following day,

"goodmorning sai"

"oh bakit ang aga mo nagising? diba sabi mo mga 10-11am ka nagigising"

"ewan ko ba. hehe"

"ah. good morning din"

gusto ko siya. gustong-gusto pero gusto pa lang at hindi ko masabing mahal ko na siya. ayoko pa. 

ToreteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon