nag-sunod-sunod na yung mga araw na nagkakatext kami pero as always mabagal siya magreply. may iba pa rin siyang katext i assume. kailan kaya bibilis pagreply niya? siguro sa bilis ko magtext naka-limang send nako samantalang siya eh nakaka-isa palang. tipong nakakawalang ganang makipagtext..
siya: ang hirap pala magtext habang tumatakbo?
ako: huh?
siya: ngayon ko lang ginawa to, nagjojogging habang nagtetext.
ako: aaaaaah. hehe. (kinikilig nako kaya yan nalang nareply ko.)
kaso after nun wala na siyang nireply nabusy na ata. naglaro na ng frisbee? nagkataon na acoustic night noon sa school, sayang wala siya. nakakakilig pa naman yung mga songs. eh tumugtog yung "ipagpatawad mo" nag-GM ako ng
"ipagpatawad mo, minahal kita agad" Kakakilig naman dito sa school.. good evening--GM
nagreply siya. dinugtungan niya ng "binibini ko sana'y maintindihan."
tapos ayung dugtungan game nanaman kami hanggang sa maka-uwi ako at di na ulit siya nag-reply. ayos lang inaantok na rin naman ako nun eh. kinabukasan di na siya nagtext. hanggang sa nagsabado na lang di pa rin siya nagtext. buti nalang may lakad kaming magbabarkada. mag-bi-beach kami, nakibirthday. hehe. sarap maligo sa gitna ng dagat. at nakakatakot. hahaha. sa totoo lang for a while nawala yung pag-iisip ko kung magpaparamdam pa ba siya. nang matapos na kami maligo at nakainom na kami eh may amats nako talaga.. pero nagtext siya at dun biglang nabawasan yung amats ko.
"sai. i love you"