chapter 6

42 0 0
                                    

tama ba pagka-basa ko ? i love you? nag-i love you siya? 

"lasing ka noh?"

"oo. hehe"

ayun na nga. lasing nga. aray ko naman. pero kahit papano kinilig pa rin ako. as usual ang tagal pa rin niya mag-reply. kaya ako eto nag-aantay pa rin sa text niya. tapos nung pauwi nako nawalan ako ng pera at 7 pesos nalang pera ko. lutang ako dahil sa text niya kaya pati sa sinakyan kong jeep eh mali. buti nalang malapit  lang yung kaibigan ko dun sa lugar kung saan naligaw ako. tinext ko siya sabi ko pahinge ng tulong. oo, may gusto sakin yung kaibigan kong yun. ayoko sana humingi ng tulong kaso no choice na ako eh. dumating naman siya agad. hinatid niya ako. sabi ko sakanya uy . salamat talaga ha? sobrang thank you. tapos nung naglalakad nako papasok sa village namin, saka lang siya ulit nagtext ng i love you sai. nagreply ako ng atay ka. (expression namin) . nagreply naman siya agad, kung atay ako, ikaw stick ka. match tayo. sinagot ko siya ng huh? korni. alam mo kanina, naligaw ako. mali yung jeep na nasakyan ko. buti nalang sinundo ako ng kaibigan ko. sumagot rin siya agad ng sayang nasa digos ako :( ako sana sumundo sayo (lugar yung digos sa mindanao). 

malayo pala siya buti hindi siya yung tinext ko. di na rin siya nagreply. lasing na ata talaga, syempre ayoko umasa dun sa mga text niyang mahal niya ako. pero kahit papano, hindi ko mapigilan isipin yun. kasi ako, ang tagal ko nang hindi nakatanggap ng ganung text. galing pa sa isang taong crush na crush ko. ang saya pero ayoko umasa. mahirap na baka masaktan ulit ako. 

kinabukasan nun tanghali na hindi pa siya nagtetext. kaya naisip ko siguro dala lang ng pagkalasing niya yun kaya natext niya ako ng mga ganung bagay. pero biglang tumunog cp ko. hi. kamusta sai? siyempre nagreply ako agad. ok naman ako. ikaw? di ka na lasing? sagot niya hindi na. sorry ngayon lang ako nakatext kakauwi lang namin ng davao eh. sagot ko ay isang maikling ah.ok :) nahiya nako tanungin kung naalala niya yung mga text niya kagabi kaya nanahimik nalang ako pero sagot niya agad sa reply kong maikli baka iniisip mong niloloko kita kagabi, nagkakamali ka dun. i love you sai. naiihi na ako sa kilig nung nabasa ko yun sa sobrang kilig ko di ko nakuhang mag-reply. di ko na kasi alam ano sasabihin, tila nahihiya ako na ewan. 

nung papunta nako sa school, bigla kong naalala yung mga text namin sa isa't isa kaya nahiya na tuloy ako magpakita sa kanya. ayoko siya makita. nahihiya ako, baliktad eh noh? haha. nung pumasok nako sa gate ng school namin, tiningnan ko na agad yung field baka andun siya, baka naglalaro siya ng frisbee. wala siya dun. tumingin ako kung nasa gazeebo siya, wala rin siya. tuwang tuwa ako. wala siya. hindi magiging awkward kaya dirediretso nako sa building namin,pagkapasok na pagkapasok ko, bumungad agad yung barkada at mukha niya. kunwari di ko siya nakita. wishing na hindi niya rin ako nakita. pero yung mga barkada niya, sabay-sabay sila nag HI ISAAAAI! so wala na akong magawa kundi, ngumiti at mag-hi. nakatingin na siya sa akin, nakangiti. ngumiti na rin ako tapos dali-dali nako pumasok. 

tapos ayun paakyat palang ako nung bumaba na yung mga classmate ko, tanong ko walang klase? at yun nga wala nga. naknangtokwa naman kasi dadaan ako ulit dun? tapos tama ulit ako kasi bumaba na rin mgbarkada ko. sumabay nako para kunwari busy kami magkwentuhan pagdaan ko. nung padaan na kami eh, imbis deadma nalang eh, tinukso naman ako ng barkada ko. ay langya talaga. nung malapit na kami makalampas, tinawag niya ka ako. sagot ko naman bakit? tapos ngumiti lang siya. malulusaw ata ako. kinikilig na ewan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ToreteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon