--------------
"hindi nila alam na nag-chachat tayo eh. sensya na."
"ah ganun ba? hehe. sorry ha."
"wala yun. sorry din, inasar ka rin nila."
sa totoo lang kinikilig na ako sa mga nangyayari ngayon. sapat na yun para maging masaya at kiligin ako. takot talaga ako mainlove. sobra. pero ramdam ko nang nahuhulog na ako para sakanya.
-----------------------
"hi sai"
"ui . hi ulit"
sa mga pagkakataong ito di na talaga ako ang unang nakikipagchat o nagpapapansin sakanya. kasi ayokong mainlove ng tuluyan sakanya.
"musta?" tanong niya
"ayos lang. ikaw?"
"okay rin naman."
"gutom ako." sagot ko.
"kain ka"
"diet ako eh"
"diet? di na kailangan."
"libre mo ko." demanding ba? hehe.. grabe ako maglambing eh noh? di pa kami nagpapalibre nako agad. kapalmuks eh. sorry lang.
"sayang naman, naubos pera ko nung kadayawan eh."
"ay ganun ba? hmm . sige."
"next time siguro?" nabuhayan naman ako sa sinabi niya o tinanong niya.
"weh?di nga? talaga?"
"eh pano matutuloy yun? eh wala akong number mo"
:hingin mo?" pabiro kong sagot na sana nga hingin niya rin...
"oo ba." eeeh. hininge niya nga. nakilig na talaga ako. siguro iniisip niyong napakdesperada ko na noh? matagal ko na siyang kilala at matagal niya na rin akong kilala. matagal ko na siyang pinapansin at matagal niya rin akong dinadaan daanan. kala ko nga di niya ako napapansin pero mali pala ako. mamaya ko ikukwento ha? binigay ko na yung number ko.. at nagpaalam nakong mag-la-log out nako.
----------------------