Chapter 3: Mirror

45 4 0
                                    


Chapter 3:

@Cafeteria

"So kamusta ang pagiging Cinderella?" Tanong saakin ni Britney

Napaangat ako ng tingin kay Britney. Naghihintay lang siya ng isasagot ko. Pero mukhang hindi lang si Britney ang naghihintay ng sagot. Lahat sila nakatingin sakin.

"Ayos lang" tanging sagot ko.

"Eh si Prince Charming mo kamusta?" Tanong naman ni Amelia

Napalunok ako ng maalala nanaman ang nangyare. Pilit kong kinakalimutan iyon dahil ayokong sanayin at paasahin ang sarili ko.


"Nako nakita ko silang dalawa kanina sa Dressing room magkasama" Sabat naman ni Aizel habang kain ng ng kain.

Tinitigan ko si Aizel ng masama. Pakelamera talaga tong babaeng to.

"Talaga? Bakit naman kayo magkasama?" Tanong ni Britney.

Napainom muna ako ng tubig bago ako magsalita. Hindi parin kase nagmomove on yung utak ko sa nangyare kanina.

Kwinento ko sakanila ang buong pangyayari kanina. Syempre hininaan ko lang yung pagkwekwento. Baka kasi may makarinig.

"First moment nyo yun Jedi, yiiieee" pangaasar ni Alex

"Kilig kanaman" Mataray na sabi ni Britney.

Ang bitter talaga nitong si Britney. Simula kasi maghiwalay yung parents niya naging ganyan na sya. Hindi na naniniwala sa true love. Sa pagkakaalam namin ay Iniwan sila ng Daddy nya para sa ibang babae. In short may kabit yung Daddy nya.

"You're so Bitter Britney" singit ni Kelly. Inirapan lang siya ni Britney at nagpatuloy nalang kami sa pagkain.

Kinapa ko yung bulsa ko para kunin ang Cellphone ko dahil naalala kong may message si mommy sakin.

Pero wala akong naapang cellphone. Chineck ko ulit pero wala talaga. Nagsimula nakong kabahan, kaya naghanap nako sa ilalim ng mesa at upuan dahil baka nalaglag lang. Pero wala akong nakitang cellphone.

"Jedi?" nagtatakang tanong ni Amelia ng mapansin nya kong natataranta sa paghahanap.

"Y-yung Cellphone ko..nawawala"  Sagot ko kay Amelia.

"Baka nasa bag mo" Aniya

Nagsimula akong maghanap sa loob ng bag ko. Pero wala talaga.

Shemay nasaan na ba kasi yun. Saan ko ba huling pinatong?

Isip Jedi..ISIP

......

......

......

Inalala ko ang saan at kailan ko huling nakita yung phone ko. 

"Naiwanan ko ata sa Dressing room nung nagpapalit ako ng damit" Ani ko ng maalala ito.

Bigla ko kasi naalala na nagpalit nga pala ako ng uniform baka naipatong ko sa mga mesa. Binitbit ko yung bag ko at tumayo.

I Only Told The Moon (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon