Chapter 8: Someday

21 1 0
                                    

Chapter 8:

I'm so bored. I really hate Filipino subject. Nakakaantok pa magturo si Ms. Gemma. Half day lang kami, sabado kasi ngayon and dapat walang pasok. Pero pinapasok kami dahil next week daw ay maraming araw ang mawawalan ng klase. Hinihintay ko nalang matapos itong subject na to. Dahil pagkatapos ay excuse na kami ulit na mga kasali sa play. Makakasama ko na ulit si Nyx.

Bigla akong napaisip sa mga nangyayare sakin. Yung mga pagaalala at pag alalay saakin ni Nyx. Kinakausap na niya ako, hindi tulad dati ay parang hindi kami magkakilala.

Bakit nagiging malapit na saakin si Nyx?

Baka sinabi na ni Amon ang tungkol sa nararamdaman ko sa Kuya niya.

O baka....

Posible kayang gusto narin niya ako??--

Napailing ako sa mga naiisip ko.

Hindi--hindi Jedidah, mahirap umasa. Baka masaktan ka lang. Masmabuti ng ganto, no expectations para hindi masyadong masakit pag nabigo.

Sawakas ay natapos din si Ms. Gemma sa pagtuturo. Inexcuse na niya kami sa susunod na subject para makapag practice na kami ng play.

Sabay sabay kami nila Aizel, Nyx, at Liana naglakad sa dereksyon papuntang Hall. Habang sila Amelia,Alexis,Kelly at Britney naman ay nagpaalam saamin para pumunta na sa susunod nilang subject.

Napakunot ang noo ko ng lumapit saamin si Amon ng nakangisi. Lahat kami ay nagsitinginan sakanya. Tinignan niya kami isa isa at tumigil ang tingin niya saakin.

"What?" Seryosong tanong niya.

"Anong what? Hindi kaba papasok sa next subject?" Iritang tanong ko.

Lagi nalang siya nakabuntot sa kuya niya. Simula nung naging classmate namin siya kung saan pumunta si Nyx nandun din siya. Alalay ba siya ni Nyx??? Sabagay mukha naman siyang alalay.

"Nope" Maikling sagot niya.Napangisi naman si Nyx sa sinabi ni Amon. Anong nakakatawa?

"Magkakaabsent ka kapag hindi ka pumasok sa last subject." Ani ni Liana.
"We're excused, pero ikaw hindi." Dugtong naman ni Aizel.

"I dont care. Basta gusto ko sumama at manuod." Katwiran ni Amon

Wala nakami nagawa at sinama na siya. Sa paglalakad namin papuntang Hall ay nakasimangot lang ako. Bakit pa kasi siya sumama?? Nabwibwiset lang ako kapag nakikita siya! Naaalala ko yung nangyari sa Hall.

Pumasok kami sa Hall na ngayon ay may mga ibang tao nang nagaayos. Yung iba ay nagsasaulo ng script. Dumeretso kami ni Aizel sa mga damit.

"Kailangan ba talaga nakacostume pagmagprapractice?" Tanong ko sakanya.

"Bakit ayaw mo ba?" Um-oo ako sa tanong niya. "Osige wag kana magcostume" sabi niya at hinila ako papuntang stage kung saan nakapwesto sila Nyx and Liana.Hindi narin nagsuot si Nyx ng costume.

Habang ine-explane saakin ni Liana yung gagawin namin ay naagaw ng aking atensyon ang lalaking nakatayo at nakasandal sa pader ng tabi ng stage. Nakatingin siya saakin, kaya inirapan ko lang siya. Aning tinitingin tingin niya?!

Pero muli akong napatingin sakanya. Hanggang ngayon ay saakin parin siya nakatitig. Ano bang problema neto?! Bwinibwiset nanaman niya ko.

"Jedi? Are you listening?" Napabalik ang tingin ko kay Liana.

"Y-yes i'm listening"

"Osige, try nyo na" Utis ni Liana.

Huh? Anong itatry? Wala talaga akong naintindihan sa sinabi niya.

Nanlaki ang mata ko ng biglang hawakan ni Nyx ang isang kamay ko at inilagay ito sakanyang balikat. Nilagay niya naman ang isa nyang kamay sa aking bewang at magkahawak ang isa panamin mga kamay.

Para akong naistatwa. Tulala parin ako at nagpipigil ng hininga. Ramdam ko ang pagpula ng mga pisnge ko.

Aktong igagalaw na ni Nyx ang kanyang mga paa pero hindi ako sumunod sa galawa niya kaya napatigil siya.

"Jedi...susundan mo yung paggalaw ng paa niya...let me show you." Tumalikod siya at tumalikod at tumingin sa ibang members." Babe..can you please come here for a minute?" Tawag ni Liana kay Ethan. Her Boyfriend. May binulong si Liana kay Ethan.

Btw, Ethan is my cousin. His full name is Ethan Lance Edwards. Sa katunayan ay ako ang nagpakilala kay Liana sakanya. Ethan is Liana's ultimate crush, ng pinakilala ko si Liana kay Ethan ay naging close sila and dun na nagsimula yung lovestory nila.

Pinakita nila saamin kung paano ang gagawin naming sayaw. Pareho silang nakatitig sa isat isa. I can see on Liana's smile, na masaya siya at meron siyang Ethan. Ganun din naman ang nakikita ko kay Ethan.

"E-ehem" pagputol ni Nyx sa dalawang nagsasayaw. Medyo napatagal ata ang dalawa.

"Oh sorry, your turn" nakangiting sabi ni Liana.

Bumalik mula ang kaba sa aking dibdib. Inilahad ni Nyx ang kanyang kamay. Tumingin ako dito sandali at tyaka ipinatong ang aking kamay. Nilagay niya ang aking isang kamay sa kanyang balikat at ang kanyang kamay sa aking bewang.

"Konting lapit Jedi" utos ni Liana.

Napatingin ako kay Liana at sinenyasan niya lamang ako na sundin ang pinapagawa niya. Bahagya akong humakbang papalapit kay Nyx. Ngayon ay halos 5 inch nalang ang layo namin sa isat isa.

"Konti pa Jedi" utos muli ni Liana.

What??

Napatingin ulit ako kay Liana na nakangiti lang saakin. Ulit siyang sumenyas saakin. Ngunit hindi ko magawa ang inuutos niya. Kung lalapit paako ng konti--

Nagulat ako sa ginawa ni Nyx. Bahagya niyang hinigit ang aking bewang papalapit sakanya. We're now 2 inch apart. Konting lapit niya lang ay maaari niya na kong mahalikan. Nanginginig ang mga binti ko, hindi ako komportable sa gantong kalapit na posisyon.

Pero ang ganda ng view, kitang kita ko ang bawat detalye ng kanyang mukha. Yung nakakatunaw nyang mga mata, yung makapal pero perpekto niyang mga kilay, ang matangos nyang ilong, makinis na balat and those kissable lips. Ang gwapo niya talaga..

"Uhmm Jedidah?" Napaderetso ako ng tingin ng marealize kong nakatitig pala ako sa lips nya.

Nahihiya man ay sumunod nalang ako sa paghakbang nya. Sumasabay kami sa rhythm ng kanta. Sandali kong nakalimutan ang lahat ng nasa paligid. Tanging sa kanya lang ako nakatitig. Ewan kung sobrang ovbious naako, pero hindi ko talaga maiwasang mapatitig kay Nyx. Sana tumigil muna ang oras. I want to be with him the whole day and just stare.....Someday Jedidah...someday.

I Only Told The Moon (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon