Chapter 7 : Mall

27 1 0
                                    

Chapter 7:

Nasa harap nakami ng bahay. Nagdoorbell ako dahil nakalock na ang gate namin. Natagalan kami ni Alex sa pagalalakad dahil sa mga kwento niya na panay tungkol sa mga kalokohan niya noong bata pasya.

Pinagbuksan kami ng Gate ng isa sa mga kasambahah namin. Pumasok kami at dumeretso ako sa kusina. Sumunod naman saakin si Alex.

"Gusto mong kumain?" Tanong ko sakanya habang tinitigan ko ang laman ng Ref.

"Nope i'm fine." Aniya. Napangisi ako sa sinabi niya.

Kinuha ko ang box ng isang chocolate cake sa ref. At inilagay ito sa lamesa sa tapat ni Alexis.

"And you're lying right?" Pangaasar ko.

Binuksan ko ang takip ng box. Tumambad ang nakakagutom na chocolate cake. May bawas na ito ng kalahati na siguro ay kinain nila mommy.

"You're right" Aniya na nakatitig lang sa chocolate cake na nasa harap lamang niya.

At pagdating sa pagkain ay kakaiba ang isang to. Parang na hihypnotized siya ng mga ito. Kaya madalas ay nasisira ang diet niya.

Kumuha ako ng dalawang tinidor. Binigay ko ang isa sakanya at nagsimulang lumamon.

"Hmm..Ang tagal ko narin hindi nakakain nito" Aniya habang may laman ang bibig.

Tinaasan ko siya ng kilay. Na parang hindi ako naniniwala sa sinabi niya.

"Wow diet?" Natatawang sabi ko.

Napatigil siya sa pagsubo ng cake sa sinabi ko. Napaisip siya sandali na ipinagtaka ko. Hinintay ko lang na sumagot siya.

"Ah-eh haha Oo " Sagot niya habang mahinang tumatawa tawa.

Sumangayon nalang ako sa sagot niya. Pero nasa loob loob ko ang curiousity. Parang may something sakanya. Na gustong gusto niyang itago. Na gustong gusto ko naman malaman. Ngunit ayoko siyang pilitin kung ayaw niya itong sabihin.

Halos naubos namin ang kalahati ng cake. Gabing gabi narin kaya umakyat nakami para matulog na.

"As expected" natatawang banggit ni Alexis.

Medyo makalat kasi ang kwarto ko ng datnan namin, medyo lang naman. Agad kong pinulot yung mga damit na nasa sahig at inilagay sa isang banko.

"Wag ka ng maarte ganyan talaga pagmaganda, makalat sa gamit" sabi ko sabat pulot ng mga magazine sa sofa. At inayos ito sa bookshelf.

Bago matulog ay pinagdasal ko na sana ay kung anoman ang problema ni Alexis ay sana malagpasan niya ito.

Ipinikit ko ang aking mga mata at unti-unti na akong nakatulog.


Kinabukasan ay nagising nalang ako na wala na si Alexis sa tabi ko. Tinignan ko ang orasan na nasa tabi ko.

5:00 am palang.

Nagtungo ako sa banyo para maghilamos at magmumog. Naisipan ko na rin maligo para maaga akong makapasok.

Kukunin ko na ang tuwalya ko ng mapatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Naalala ko yung text message ko kay Nyx kagabi. Nabasa na niya kaya iyon? Shit.

Agad kong kinuha yung cellphone at tinignan kung may reply na ba galing sakanya.

From: Nyx♡

Welcome ♡

Natigilan ako sandali ng mabasa ko yung reply nya. Para akong nastatwa. Pinipigil ko ang sarili kong sumigaw at baka marinig ako nila mommy. Yung relpy niya, kahit na isang simpleng puso lamang yun ay ang lakas ng epekto saakin. Kahit na sa text lang nya ko pupusuan haayst.

I Only Told The Moon (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon