Chapter 2: Prince Charming

78 4 0
                                    

Chapter 2:

"Gail paabot naman nung cereal" mahinang sabi ko sa kapatid ko.

Inabot nya ito sakin at naglagay ako ng kaunting amount. Then i added milk. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

Gail is my only sister. 2 years ang tanda ko sakanya. Sa Empire University rin siya napasok, freshman lang sya ngayon kaya hindi kami masyado nagkikita sa School. Hiwalay kasi ang Building ng bawat year. Sabay kami pumasok pero pagpauwi hindi na. Mas maaga kasi ang uwi niya sakin.

After kong kumain ay inayos ko na ang gamit ko. Nagpaalam ako kay Mommy then sumakay nako sa kotse. Sumunod naman si Gail. As usual nakaearphones lang ako habang nabyahe. 

Bigla nalang nagmessage sakin si Mommy ng malapit na kami sa School. Hindi ko na nagawang basahin iyon dahil tinawag na ako nila Aizel. 

"So ano?" Bungad sakin ni Aizel ng lumapit ako sakanila

Anong so ano? 

Binigyan ko nalang sya ng nagtatakang expresyon.

"Payag kana?" Ayan nanaman siya.

Hanggang ngayon kukulitin parin ba niya ko? 

"Haayst hindi mo parin talaga ako titigilan?" Irap ko dito.

"Jedi please na, buti nga tinutulungan kita mapalapit sakanya." aniya

Papayag naba ako?

Siguro naman masasanay din akong kausap at kaharap si Nyx....Wala naman masama kung awkward sa simula diba. 

 Pero pano kung magkamali ako ng kilos? Tss. Hindi naman siguro. Ang OA kona. Maybe tama nga si Aizel.

Napabuntong Hininga nalang ako habang tinititigan si Aizel.

"Sige na" Sagot ko

Napangiti si Aizel. Inirapan ko lang siya. 

"Its your time to shine Jedi" Sigaw ni Alex.

"Finally! Congrats Aizel at napilit mo rin si Jedi" Ani naman ni Kelly.

Kita nyo? Pinagtutulungan ako! Pero aaminin ko naeexcite ako magsimula mag practice para sa play. Syempre over silay ako kapag kasama ko siya diba. Pero alam ko naman kung ano ang purpose ko dun. Ang umarte bilang si Cinderella kay prince charming Nyx.

Teka kailan nga ba kami magsisimula mag practice ni Nyx? 

"Aizel, kailan ba ang simula ng practice?" Tanong ko kay Aizel habang dahan dahan kaming naglalakad sa Hallway.

"Ay oonga pala Buti pinaalala mo, Bye guys una na kami" Sabi ni Aizel. 

Bigla niya naman ako hinila palayo pero pinigilan ko siya.

"Teka saan tayo pupunta? hindi mo pa nasasagot yung tanong ko" 

"Ngayon yung Practice. Na-feel ko kasi na ngayon ka papayag kaya sabi ko sa Team ngayon tayo magprapractice. Nandun na lahat ng costumes at lahat ng kakailanganin para sa practice. Nagpaalam narin ako sa adviser naten na i-excuse tayo kaya wala kana proproblemahin. Kaya tara na tayo nalang hinihintay dun" Tuloy tuloy niyang sabi. 

Wala nakong nagawa kundi sumunod nalang.  kahit na kinakabahan ako dapat chill lang ang dating ko. Kakaiba talaga itong si Aizel. Lakad lang kami ng lakad ni Aizel papunta sa Main School Hall. Halos matapilok na ako sa bilis ng lakad ni Aizel at wala na kong magawa dahil hila hila niya ako.

Papasok palang kami sa Hall naririnig ko na ang kaingayan ng ibang members ng team. Kasali na dito yung iba pa naming matatalinong classmates. Yung section kasi namin ang napili bilang representative ng Grade 9. Nandito narin si Liana, siya kasi ang Script Writer. Si Aizel naman ang dakilang Direktor. 

I Only Told The Moon (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon