Chapter 4: Brother

49 2 0
                                    


Chapter 4:

BROTHER?!

Seryoso ba siya? Teka hindi naman sila magkamukha ah.

"Brother?! Joke ba yun?!" Matapang na tanong ko, kahit na sobra ng natataranta yung utak ko dahil sa narinig ko.

Ngumiti sya at may kinuha sa loob ng pitaka nya. Inabot nya saakin ang isang ID. Tinignan ko muna siya bago tignan ang inabot na ID,

Amon Vince Ferrer. That's his name. FERRER. Hindi, baka magkaapelyodo lang sila.

"P-pareho lang ng Apelyido magkapatid na? " Sabi ko dito.

He chuckled at may kinuha muli sa loob ng pitaka niya. Isa itong letrato. Letrato niya, kasama ang pamilya niya. Napatingin ako sa lalaking katabi nito at doon ko na naconfirm na magkapatid nga sila. 

Napasapo ako sa noo ng kompirma ang sinabi nito. Napakalaking problema to. Kapag nalaman ni Nyx na may crush ako sakanya baka layuan nya ko. Tapos baka kumalat sa buong school.

"Wag kang magalala hindi ko naman sasabihin sakanya" aniya. Habang binabalik ang ID at Picture sa pitaka.

Napatingin ako sakanya. Seryoso bato? Pano naman ako maninigurado na hindi nya sasabihin?. Eh sa ityura palang ng lalaking to mukhang manloloko na ih. Okat napaka judgemental ko, pero totoo naman.

"Promise" Sabi nya ulit habang tinataas ang kanan kamay.

Ok, Sabihin na nating hindi nga nya sasabihin. Pero hindi parin safe. Pede nya parin ipagkalat yun anytime. Baka mamaya magbago isip niya at magloko.

"You don't have to promise kasi hindi ko naman siya crush" palusot ko para hindi niya nako kulitin.

Pero hindi siya naniwala. Tumawa siya after kong sabihin yun. Bahagya siyang lumapit sakin.

"Hindi crush pero ang daming photos sa cellphone" Pangaasar niya.

Umatras ako ng kaonti dahil sa paglapit niya. Napaka feeling close naman ng isang to. Ang yabang pa. Malayong malayo sa ugali ni Nyx. Hindi rin sila magkamukha sobrang layo, ni hindi nga pumasok sa isip ko na magkapatid sila.

"Pag maraming photos sa cellphone crush agad? Hindi ba pwedeng friends lang kami?" Sagot ko.

"So lahat ng friend mo may sariling album sa cellphone mo ganun" Sabi niya habang natatawa.

Nanggigigil nako dito huh. Nauubusan nako ng palusot. Sana talaga may magbukas na ng pinto para makalayo nako dito sa lalaking to.

"Pwede ba manahimik kana?" Mataray kong sabi. "Ang sakit mo sa ulo" dagdag ko.

I've never been so annoyed like this. Ang dami niyang katwiran. Ang dami niyang sinasabi!!

"Bakit nauubusan kana ng palusot?" Aniya.

ANG KULIT! Siya na ata ang tanging taong hindi nauubusan ng salita. Except for Aizel dahil napakadaldal rin nun. Sawakas nga at nakahanap ako ng katapat niya.

Nagtagal kami dito sa Hall ng Salita lang siya ng salita pero hindi ko siya pinapansin. Kulang nalang tuluyan na akong mabingi para lang diko na marinig ang kadaldalan ng lalaking to.

***

H

alos 1 hour nakami nakakulong dito, pero wala parin nagbubukas ng pinto.

I Only Told The Moon (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon