Chapter 6: That Smile

24 2 0
                                    

Chapter 6:

Maaga akong nakauwi dahil tinawagan ng adviser ko si Mommy para sunduin ako. Magdamag lang ako nakahiga sa kwarto ko. Namamawis nanga ako sa init dahil pinatay yung aircon. Para daw mapawisan ako at mawala ung lagnat ko. And infairness gumagaan nanga yung pakiramdam ko.

Dahil sa pawis nako at naiinitan. Pumunta muna ako sa may cabinet para kumuha ng damit at magpalit ulit. Pinunasan ko muna ng bimpong basa ang buong katawan ko para medyo mapreskuhan ako.

Pagkatapos ko magpalit ay babalik na sana ako sa paghiga. Pero napatingin ako sa labas. Gabi na pala.

I wonder kung anong nangyari kanina sa school habang nagpapahinga ako sa clinic. Mabuti nalang nakaiwas ako ngayon kay Amon. Iwas panganib. Tapos yung kanina*-* Dumadalas na ang paguusap namin ni Nyx. Sayang Sabado na bukas. Hindi ko nanaman siya makikita. Pero 2 days lang naman pero sayang talaga.

Biglang tumunog yung Phone ko (insert Bubble tone) Hudyat na may nag message saakin at dalawang beses pa. Sino naman kaya to?

From: 090963*****

Get well soon

Huh? Unknown number? Sino to. Wait may isa pa.

From: 090963*****

Its Nyx, if you're thinking kung paano ko nakuha number mo. Binigay saakin kanina ng mommy mo.

WHAT?! BINIGAY NI MOMMY YUNG NUMBER KO? ARGH! NAKAKAHIYA!

Wait si Nyx to? So may number na ako ni Nyx! T_T

Sinave ko agad yung number niya sa phone ko. Umayos ako ng pagkakaupo at agad nagisip ng irereply. Para akong naganahan ngayon at sumigla.

To: Nyx♡

Thanks..|

Sen--

Wait, hindi ba masyadong maikli irereply ko? Hmmm...

To: Nyx♡

Ikaw pala Nyx, salamat. Sinave ko narin yung number m|

No no no!!

"Delete delete delete" aish! Ano ba irereply ko? Ito talaga yung pinakamahirap na part eh. Yung pagrereply kay crush.

To: Nyx♡

Ahh ok thanks.|

Yan nalang?....hmmm...^-^

To:Nyx♡

Ahh ok thanks ♡.|

Hahahahahaha nababaliw nako. Pero syempre hindi ko yan isesend. Masyado naman akong pahalata nun hahaha. Dele-

"ATEEEE!" Nagulat ako sa kapatid ko ng bigla syang pumasok sa kwarto ko.

"Ano ba Gail? Balak mo ba akong patayin sa gulat? Bakit di ka manlang kumakatok?" Nakasimangot na sabi ko.

Nagpeace sign siya saakin habang nakangiti. Inirapan ko naman siya.

"Oh ano bang kailangan mo?" Masungit kong pagkakasabi. Ayoko kasi sa lahat yung iniistorbo ako.

"Ahh wala, sabi kasi ni mommy tignan ko daw kung okay kana....at mukha naman Okay na okay kana" Pangaasar pa niya saakin. Nabalin ang paningin niya sa hawak ko.

Ay oonga pala rereplyan ko pa si Nyx.

((0__0))

To: Nyx♡

I Only Told The Moon (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon