CHAPTER 9

14 1 0
                                    


Hinimas ni Shin ang nasaktang pisngi. Halos mawindang siya sa hapdi. Hindi siya masyadong makapalag dahil may dinaramdam pa siya.

Nabitiwan niya ang gamit niya. Nanginginig ang tuhod . Sana nagpasama nalang siya kay Yo.

Shin: Anu na naman ba problema mo?

Darlyn: Oh I just want to say na akin lang si Tim. Babawiin ko na siya!

Shin: Tapos ka na? Pwede na ba akong umalis?

Ngumisi si Darlyn.

Darlyn: Hep! May gusto pa nga akong gawin uli eh. Nangangati mga kamay ko sa pagmumukha mung mang aagaw ka!.

Itinaas ni Darlyn ang kanang kamay. Napapikit ako. Nagulat ako ng may humila sa akin. Nakarinig ako ng isang malakas na sampal. Nagmulat ako. Nakita ko si Tacie sa harapan ko.

Hindi nakahuma si Darlyn sa lakas ng sampal ni Tacie.

Tacie: Para yan sa pagsampal mo kay Shin kahapon na walang kalaban laban.

Isa pang malakas na sampal ang pinadapo ni Tacie sa kaliwang pisngi ni Darlyn.

Tacie: Yan para sa pananakit mo sa damdamin niya!

Isa uling malakas na sampal  sa kanang pisngi.

Tacie: Sa pang aagaw mo,pangungulo at paninira mo sa relasyon nila ni Tim!

Sinampal ulit ni Tacie ito sa kaliwa. Pang apat na sampal.

Tacie: At sa pananampal at pagbabanta mo sa kanya ngayon lang! Akala mo di ko nakita?

Marahang hinila ni Tacie ang buhok ni Darlyn dahilan para mapalapit ito. Diniinan ang paghila. Inilapit ni Tacie ang bibig sa tenga nito. Nagsalita.

Tacie: Ngayon alam mo na kung paano ako magalit!
Alis! bago ko pa ipasilip sayo kung gaano kaganda ang impyerno at kalawak ang sementeryong paglilibingan sayo!

Hindi pa nakuntento si Tacie, tinulak niya si Darlyn na hindi makapalag dahilan para masubsub ito. Kataka takang hindi man lang lumaban.

Tacie:Get lost!!!

Nagkukumahog na tumakbo ito. Lumapit si Tacie kay Shin at niyakap ito.

Tacie: Okey ka lang ba? Sinabi kong wag kang magpapaapi sa babaeng yun!

Shin:Pasensya na kayo ni Yo nadadamay pa kayo ng dahil sakin.

Tacie: Ang problema mo problema na din namin. Damay na kami Yo. At ayaw na ayaw naming may umaapi sayo kahit na sino!
Shin: Maraming salamat Tacie. Hindi ko alam gagawin ko kung wala kayo.

At niyakap ng mahigpit si Tacie.

Pinakalma muna ni Tacie ang nanginginig na si Shin saka sila lumabas at nagtungo sa paradahan. 

Nagulat ang dalawa na imbis na si Mj ang naghihintay ay si Tim.

Napalitan ng malamig na expression ang mukha ni Tacie.

Iniwan niya muna si Shin at lumapit kay Tim.

Tacie: What are you doing here? Nasaan ang sundo ni Shin?

Tim: Pinauwi ko na. Ako na maghahatid sa kanya. I need to talk to bal. I have something to tell her.

Tacie: Para anu pa?  Para saktan mo uli ang damdamin niya. No!  Get lost!  Diba sabi ko kalimutan munang magkakilala tayo!

Akmang tatalikod na si Tacie. Pero pinigilan ito ni Tim. Nakikiusap at nagsusumamo ang mata.

Tim: Alam kung galit kayo ni Yo sakin. And I'm sorry. But I have my reasons too. Kaya gusto kong makausap si Shin. Please let me talk to her Tacie. Please!

You're My EcstasyWhere stories live. Discover now