CHAPTER 5

13 1 0
                                    

****It's Xinger once again 😊****
        🌺Salamat sa pagvote🌺
__________________________________

Gael: Bahala kayo!  Pag may mangyari lagot kayo kay Yo! Pinigilan ko kayo still you insisted! Wag niyo ko madamay damay dito ha?

Haynce: Sure sure!  No prob! Atin atin lang to. Walang makakaalam kahit na sino. Lalo na si Yoshie. May pagkadragon ang babaeng yun eh. Ikaw Tim?  Are you in!

Tim: No choice!

Gael: (Sigh) This means trouble.

Shin's Pov
I was sitting at my favorite place at the park while watching again the sunset. Paborito kung tambayan dito lalo na sa lilim ng puno. Pinapanuod ko ang mga batang makukulit at naghahabulan. Napangiti ako. Hindi ko napansin ang paglapit at pag upo ng isang guy sa tabi ko.

I heard some sigh at nagulat ako ng magsalita ito.

I never expect na ganito kaganda ang view dito.

Nag angat ng paningin si Ice.  It was the famous Tim Castañeda leaning on the grass looking at the sunset. Lumingon siya kay Shin at biglang ngumiti.

-I feel my heart beat faster than before. Nagmalfunction ata ang puso ko. "Oh what the hell!  He is cute!" Inirapan ko siya.

Tim: Hi!  Nag iisa ka yata?
(Nakangiti pa din)

-kaya pala madaming nagkakandarapa sa kanya, gwapo pala talaga si Tim. No doubt. Lalo na pag nakangiti.

Shin: Hindi ba obvious.? Since nandito ka, I think I need to disappear!

Tumayo si Shin. Nagulat siya ng may humila sa kanya kaya napaupo siya ulit.

Tim: I've realized what I have done to you previously, I wanted to apologize lalong lalo na sa party nina Yo at Kai!
I'm sorry, please don't leave. I have still words to say.

Shin: Why the sudden change of mind? (Naramdaman niya ang init ng palad ng binata. Pinalis niya ang kamay nito)

Tim: (Nagkibit balikat)  You don't deserve the treatment!

-Na touch ako sa sinabi niya. Lalo tuloy bumilis yung pintig ng puso ko. This is crazy! Don't let me fall to this frog. Kawawa ako. 😥

Shin: Okey! I'll forgive you but in one condition!

Tim: (Tumingin kay Shin)
What?

Shin: Libre mu ako ng street food ni Mang Gideon.  (Ngumiti at itinuro ang stall ng street food malapit sa kanila)

Tim: Yun lang pala eh!

Tim's Pov
Hinila ko si Shin sa stall ng street food. Nagulat ako ng ngumiti siya kanina. Hindi ko inexpect yun.
Madali lang pala niyang paamuin ang babaeng ito. Ibang iba siya kay Darlyn. Si Darlyn sweet at poise na poise magsalita. Ito daldal ng daldal kahit may laman ang bunganga. Sobra pang matakaw. Akalain mo nakain niya 4 na balot, 3 stick ng kwek kwek, 2 stick ng Chicken balls. Dalawang palamig at humirit pa ng 5 stick ng isaw.

Sa wakas natapos din itong kumain. Nakikipagbiruan pa kasi ito at tumatawa pa  ng malakas sa lalaking nagbebenta ng streetfoods. Yung nagngangalang Mang Gideon.

Tim: Saan ka nakatira? Hatid na kita!

Shin: No thanks! Dala ko motorbike ko. At ilang block lang mula dito.

Tim: Sa South point ka?

Shin: Yiz! Ikaw ba?

Tim: West point.

Shin: Sige mauna na ako!  Salamat uli sa libre. (Ngumiti)

Tim: Sige ingat!

Shin's Pov

Kumaway pa ako bago ako umalis. He finally say sorry. Alam kong magkakasundo pa kami sa susunod na araw. Hindi naman siguro masamang mag expect diba? Basta I feel happy. Lalo na pag malapit ako sa kanya.

"Teka Am i falling for him? No!  No! Its a big No!"

Sa school may time na pinapansin siya ni Tim at meron time din na hindi. Natuwa sina Yo at Tacie ng ipagtapat niyang bati na sila ni Tim.

Isang hapon nagtungo si Shin sa restroom. Mag isa lang siya. Naiwan sina Yo sa classroom. Husto namang papalabas si Darlyn. Umiwas ako pero humarang siya.

Shin: Ayuko ng gulo so please leave me alone!

Darlyn: Ang kapal mo din anu? Mang aagaw!

(Those words hit her heart hard)

Shin: Wala akong inaagaw!

Darlyn: Sa tingin mo maniniwala ako?  Kalat na kalat sa campus bitch! Remove your flirty hands off my boyfriend!  Wag kang mag assume na kaya mo siyang agawin sa akin!

(Pinagduduro pa niya si Shin)

-Marami pang masasakit na salita ang ibinato ni Darlyn sa akin. Hindi ako pumalag. Pumasok ako sa loob at Doon tahimik na lumuha. I wish I could ignore Tim. Sana kaya ko siyang iwasan. Damn him!  For making me fall hard to him.
Oo I've fallen for him. I don't know how? When?  Where? How?.
Fuck this heart! My heart. 😢

Shin: I hate you Tim Castañeda! I really hate you!

-Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa lugar na yun. Dumiretso ako sa park at inaliw ko nalang ang sarili ko sa panunuod sa sunset. Buti pa ang sunset hindi manhid!

Kinabukasan
Naalimpungatan si Shin mga alas nwebe ng umaga. Okey lang wala namang pasok dahil sabado. Her phone keep on ringing.
Tinignan niya. 10 missed calls.

New number naman. Nag ring diko pinansin. Nagring uli itinakip ko ang unan sa mukha ko. Nagring na naman. This time hinablot ko at sinagot ko na.

Shin: Ang aga aga nangdidistorbo!  Sino ba to?

Tim:I've been calling you since 8 o'clock!  Maligo kana labas tayo!

Shin: Lumabas kang mag isa mo! Inaantok pa ako!

Tim: You can't say no! Nandito ako sa labas ng gate niyo! Maligo ka na may pupuntahan tayo!
(Nawala ang antok ni Shin)

Shin: What?  Anung ginagawa mo jan!

Tim: Sinusundo ka nga diba?  Halla bilis!  Magbihis kana!

- Pinatay na ni Tim yung tawag. Tumayo si Shin at sumilip. Gosh!  Ang gwapo talaga niya! 😍 kaso nakasimangot haha!
Mabilis na naligo si Shin.

Baby tee na kulay puti na hapit sa katawan tinernuhan ng fitted jeans at leather na converse.

Ipinusod ko gaya ng dati ang buhok ko. Kinuha ko ang sling bag ko at mabilis akong lumabas. Nasa sala ulit sina mommy.  Nagulat ang mga ito ng makita akong nakabihis. Nagsikuhan pa.
Ngumiti lang ako.

Dumiretso ako sa labas. Muntik na kung matawa ng makita ko itsura ni Tim. Inip na inip. Mukha pang pwet ng manok ang nguso.😂

Tim: Anung nginingiti ngiti mu jan? Tara na!

(Masungit na naman ang maharlika)

__________________________________

You're My EcstasyWhere stories live. Discover now