*****Please keep on voting*****
Salamat ng marami 😍
_______________________________
Shin: Pakiulit nga?
*Nabibingi ako sa pintig ng puso ko. Parang tumigil ang pag inog ng mundo. Anung nangyayari?
Tim: (smiled) Pwede bang maging tayo for real?
Tim's Pov
I'm not sure kung bakit nasabi ko iyon kay Shin. Mukhang tinatake for granted ko yata siya? Or kailangan ko lang talaga siya para sa pagpapaselos ko kay Darlyn. Mukhang natigilan din ito sa sinabi ko kanina. Nakatulala parin habang nilagay ko yung helmet sa ulo niya. Hindi gumagalaw at hindi din nagsasalita. Mukhang baliw. Diko napansin napangiti ako sa itsura niya. Vinideohan ko siya. Still wala pa ding pakialam. Hinila ko at pinasakay ko siya motor. Habang pauwi kami ganun padin yung itsura niya. Nakakapit lang sa akin na walang imik. Alam niyo parang robot. Hindi gumagalaw. Ng makarating kami sa bahay nila. Hala! Ganun padin. Tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Umiling siya na animo nag iisip. Nangunot pa noo niya.
Vinivideohan ko padin siya. 15 minutes na. Pinicturan ko siya habang awang ang bibig.
Sinabi kong bahay nila yun. Aba mas lalong nangunot ang noo! Tumalikod lang at pumasok sa gate. Tinignan niya pa mula ulo hanggang paa si MJ na parang hindi niya kilala.Natatawa talaga ako sa itsura niya. Hindi ko mapigilang mapabunghalit ng tawa ng makapasok na siya sa loob. Mukha talaga siyang ewan.
Narinig ko pa sabi ni MJ.Mj: Parang sinapian ng sampung demonyo si princess! Binati ko pero tinitigan lang ako mula ulo hangang paa. Parang robot pa kung gumalaw. Hay! Santisima Trinidad! Layuan ka nawa ng sumapi sayo anak! (Napasign of the cross pa ang matanda) Buti nalang wala sina madam!
*Shin really made my day. Haha! Hindi ko talaga inexpect na ganun yung reaksyon niya. Habang pauwi ako nangingiti lang ako. Pagkarating ko sa pad ko agad akong humiga. Pagtingin ko sa CP ko nakita ko yung video ni Shin. Tawa ako ng tawa ng mapanuod ko yung itsura niya simula sa parking space ng Robinson's hanggang maihatid ko siya. At hindi man lang niya ako sinagot sa tanong ko!
Shin's Pov
Isa na talaga akong dakilang baliw sa inasta ko kanina! Patawarin sana ako ng panginoon. 🙏 Ganun ba ang katindi ang epekto ni Tim sa sistema ko?"Shin pwede bang maging tayo na for real?"
*paulit ulit na umaalingawngaw yun sa ulo ko. Syeeet! Kinikilig ako. Tinignan ko orasan. Ay punyeta! Ala una na ng madaling araw. Hindi pa ako dinadalaw ng antok.
" Shin pwede bang maging tayo na for real? "
*Ayan na naman! Parang nakaloudspeaker yung boses ni Tim sa kwarto ko. Napasshhh pa ako sa sarili ko.
Dalawang oras na nag isip si Shin. Alas 3 na ng madaling araw nung makapagpasya siya. Tinext niya si Tim.
"PAYAG NAKO."
Pero mag aalas cinco na ng umaga wala pading reply si Tim. Malamang sino ba naman magrereply ng alas tres ng madaling araw? Baliw.
Isang linggo ang nakalipas simula nung mangyari iyon kay Shin. So naging sila nga ni Tim. At wag ka sabay pa silang pumasok kinalunesan. Pero maya maya ay pinauna siya ni Tim. May kakausapin pa daw ito. Pagkapasok niya agad lumapit sina Yo at Tacie at umupo palibot sa kanya.
Yo: Hi Shin! Napapansin ko this past days lalo kang nagiging blooming.
Tacie: Ganyan talaga pag inlove Yo!
Shin: Magsitahimik nga kayo. Tigilan niyo ko sa panunukso niyo kayung dalawa ha!
Tacie: Hulaan ko! Si Tim ang dahilan. (Sabay kindat kay Yo)
Shin: Hindi ah!
Yo: Asus kunyari ka pa! Ang saya saya mo nga oh!
Tacie: Nagdedeny ang Lola niyo.😂
Shin: Hello? Masaya ako dahil tapos na ang Prelims guys at top 1 pa ako. At di lang yun nadagdagan pa saya ko nung nasali kayong dalawa sa ranking pati na ang ibang member ng H5! Matutuwa sina mommy neto.
Yo: Yun nga ba ang dahilan ni Shin Tacie?
Tacie: Aba malay ko? (Sabay ngisi) Tawag diyan palusot!
Shin: Talagang di niyo ko titigilan?
Yo: Pero infairness Shin utang namin ang pagraranking namin sayo. Salamat sa pagmotivate at pagtulong! Isa kang hulog ng langit.
Tacie: Buti nalang sa kanya tayo nakipag kaibigan. Baka pag kay Darlyn bagsak na naman tayo. Anghel talaga si Shin na hulog ng langit.
Yo: Anghel na nahulog na nauna ang mukha!
Hinampas niya ang dalawang kaibigan.
Shin: Mga walang utang na loob. Wala ba kayong lakad ng mga boyfriend niyo at pinag gugugulo niyo ako.
Yo: Ikaw wala ba kayong lakad ni Tim?
Hahampasin niya sana si Yo ng biglang pumasok si Mrs. Castro.
Nagtaka ako kung Bakit absent si Tim. Tinext ko pero di siya nagreply.
Breaktime:
Shin: Anu kaya kung bumili tayo ng pagkain at doon tayo magsnack sa bench sa likod. Namiss ko doon eh, sa dating tambayan!
Tacie: Nice idea bi! Tara.!
*Nagpunta muna sila canteen para bumili ng pagkain. Saka sila naglakad papunta sa likod. Naunang naglakad si Shin. Abala namang nagkwekwentuhan sina Yo at Tacie.
*Pagbungad ko sa nasabing area agad gumuhit ang kirot sa puso ko. Nabigla at talagang nasaktan ako sa nakita ko. Yung feeling na parang sasabog yung puso mo. Ang bilis bilis ng pintig. Nag iinit ang sulok ng mata ko at nagbabadyang pumatak ang mga luha ko.
Hindi dapat makita nila Yo at Tacie ang nakita ko. Hindi ako papayag! Kailangan kong bumalik. Kailangan ko silang maibalik sa room.
Dali dali akong tumalikod at sinalubong ko ang kaibigan ko at saka ako ngumiti. Pekeng ngiti. Alam kong hindi iyon nakaligtas sa mapanuring mata ni Yo. Basta! Bahala na! Inakay ko sila para bumalik sana kami sa room. Ako lang dapat makakita. Ako lang dapat ang masaktan.
Tacie: Oh bat ka nagbalik? May problema ba? Bakit parang naiiyak ka?
Shin: Wala bi napuwing lang ako. Balik muna tayo sa room. May nakalimutan ako. Samahan niyo naman ako oh.
(Please lang makisama naman kayo.Please! Please! Please!).
Yo: Impossibleng napuwing ang dalawang mata mo bi? Walang ganun tsaka hindi naman humangin. Ako na nagsasabi wala kang naiwan sa room. Nasa amin wallet mo.
Kumawala sa pagkakahawak ko si Yo at Tacie.
Agad lumarawan ang galit sa mukha ng mga ito sa nakita.__________________________________
YOU ARE READING
You're My Ecstasy
Teen FictionDahil sa kagustuhan ni Tim na mapagselos si Darlyn, his ex, he used Shin Noble the school chairman's grand daughter to be his girlfriend. And also to be his panakip butas. Hanggang kailan magtitiis si Shin? At hanggang kailan niya pagbibigyan si Tim...