SIMULA

74 5 0
                                    

Simula

"Lahat tayo ay tumahimik na at magsisimula na ang misa." Sabi ng isang babaeng may suot na puting damit.

Nandito kami ngayon sa kapilya ng aming purok at nagtitipon dahil sa Flores De Mayo. Nandito ang kanilang mga anak kaya't dumalo din sila upang suportahan ito. Lahat ay nakasuot ng mga puting gown dahil sa paligsahan ng mga bubwit. At kami namang nasa sampung taon paitaas ay may paligsahan din. Kaya ako?

Nakasuot ng puting mahabang gown na below the knee at long sleeve, nakadoll-shoes lamang ako dahil sa hindi ko trip ang mga bakya. Nanghihinayang ako dahil hindi ko man lang kapares ang crush ko. Sampung taon pa lang ako, at sampung taon narin siya. Simula pa nung lumipat kami sa San Jose ay nagustuhan ko na siya. Ako'y walong taon pa lamang nang lumipat kami. Galing kami ng Doña Soledad, pero dahil sa nakakatakot na lugar na iyon ay lumipat kami. Mapuno kasi ang lugar na iyon kaya natatakot akong dumaan sa bawat kalye.

Natauhan lamang ako nang magsalita ang Padre sa harapan. "Iyuko natin ang ating mga ulo at manalangin." Sabi niya kaya kaming lahat ay napayuko din. Nakaupo kami sa pinakadulong bahagi dahil papaso kami mamaya sa gitna, kasabay ang aming mga kapares. At ang mga bubwit naman ay nasa unahan na dahil kanina lang ay pumaso na sila. At nang matapos ang pagdadasal ay nagpatuloy na ang Padre sa pagmimisa. Baguhan ang Padre na ito sa kapilya namin kaya hindi ko siya kilala.

At nang matapos ang pagmimisa, ang lahat ay naghahanda na para sa programa. Maging ako ay palingon-lingon sa kung saan upang hanapin ang kapares ko. Pero nang mapalingon ako sa bandang likuran ko ay nakita ko si Vince, ang crush ko. Napabaling agad ang tingin ko sa kung saan dahil sa naiilang ako. Napalingon muna ako sa kanya at nakita ko siyang ngumiti kaya't salubong ang kilay kong naglakad papunta sa kung saan naroroon ang mga CYM 'Catholic Youth Ministry'. Pinagbibiruan niya ba ako? Pero napahinto rin nang sila na mismo ang lumapit sa akin.

"Alleah, mabuti naman at nakita kita." Sabi ni Kuya Robert. Mabait siyang tao at isa siya sa mga hinahangaan kong CYM.

"Bakit po Kuya? May gusto po ba kayong sabihin sa akin?" Tanong ko at agad naman siyang lumingon lingon sa kung saan.

"Meron, ah! Ayun, Vince halika dito." Sabi ni Kuya Robert at napalingon naman ako, napatigil nalang ang aking paghinga nang makita ko na naman ulit siya. Parang siya lang yun naroon tapos nagso-slow motion ang lahat. Pati ang paglipad ng kanyang buhok na nakaharang sa kanyang mata ay maayos kong nakikita. Pero napaigtad nalang ako nang biglang nagsalita si Vince. Nasa harapan ko na pala siya.

"Kuya, may gusto po ba kayong sabihin sa akin?" Tanong ni Vince at napaayos ako ng tayo nang bigla siyang lumingon sa akin. Tinuon ko na lamang ang paningin ko kay Kuya Robert na ngayon ay parang may hinahanap. Nabigo siya sa paghahanap kaya't tumingin na siya sa amin.

"Wala pa ba ang inyong mga kapares?" Tanong ni Kuya Robert at sabay naman kaming napasagot ni Vince.

"Wala pa po," sabay naming sabi at nagkatinginan pero agad akong nag-iwas ng tingin at humarap kay Kuya Robert. "Kuya, bakit po?" Tanong ko.

"Kayo nalang ang wala pang kapares kaya mas mabuti kung kayo nalang ang ipapares at si Bea nalang at si Leo ang magakapares. Tutal, pareho naman silang wala dito. Baka magsabay pa yung dalawa papasok dito." Sabi ni Kuya Robert.

Whut? Magkapares kami ni Vince? "Sige po Kuya." Natigilan nalang ulit ako nang sabay naming sabihin iyon ni Vince kaya napaiwas ako ng tingin, "CR lang po ako." Sabi ko at agad na pumunta papasok sa CR. Ang pula na siguro ng mukha ko ngayon. Sila kasi ang nagpapares at kapag sinabi nila, 'di ka pwedeng hihindi. Pero kahit hindi pwedeng hihindi, 'di rin naman ako hihindi. Grab the Opportunity.

THE BRIDGE IS THE OWNER (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon