IKATLONG KABANATA: LIBRARY

19 3 0
                                    

IKATLONG KABANATA

Nandito na ako sa school ngayon, maaga akong nagpunta para magkasabay kami ni Vince. Ihhhhh, ang aga niya naman kasi. Ihhh, kinikilig ako. Hindi niya pa alam kasi na crush ko siya ihhhh.

"So ano, una na ako." Sabi niya tsaka naghiwalay na kami. Ang sakit lang na maghiwalay kami pero kailangan ko tong tanggapin dahil para rin naman ito sa kinabukasan namin. Hihihihi joke lang, naghiwalay kami ng dadaanan. Star section kasi siya at ako naman ay STE programme.

Ang saya-saya na ng araw ko. Makasabay ko lang siya pagpasok sa school ay buong-buo na ang diwa ko at gising na gising na ako. Parang siya yung alarm clock ko, marinig ko lang ang boses niya ay parang tumatalon-talon ang puso ko. Ihhhhh.

"Alleah!" Sigaw ni Rex. Ah, siya yung nag-aya sa akin na imbistigahan daw yung mga namamatay, kung may multo ba daw dito or sumpa or whatever.

"Yesss?" Sagot ko nang may malapad na ngiti, syempre hindi ko yun wawalain. Masaya kaya ang araw ko ngayon, kumpletong kumpleto! Nalagyan na ng knor cubes at ngayon ay lasang lasa ko ang tamis. Ihhhh.

"Kailan natin itutuloy yung supernatural cases natin?" Tanong niya, napaisip naman ako. Kung ilululong ko lang ang time ko sa ganun, hindi ako makakapag bonding kay Vince, hindi ko na siya makakasama palagi, hindi ko siya makikita palagi! Omaygad, ayoko nun. Tatanggihan ko nalang ba? Sige na nga!

"A-ah eh, yun ba? Hindi nalang ako sasama diyan, busy kasi ako masyado eh, yung teacher kasi namin ang daming pinapa-assignment sa amin." Dahilan ko kahit ang totoo eh makikipaglandian lang ako kay Vince. Ihhh kasi naman ihhhh. Hihihi, 3rd year high school na kasi yan si Rex, kalaro ko noon. Eh ako, 1st year high school palang. I enjoy ko muna yung company ni Vince ihhhh.

"Ha? Eh sabi mo sasamahan mo ako. Alleah naman eh, wala na akong kasama." Sabi niya kaya naisip ko yung Detective club dio sa amin. Sasabihin ko sa kanya baka matulungan siya nun.

"Ah yung ano nalang, yung detective club dito sa atin. Ewan ko lang kung nag-eexist pa yung member nun sa office niya. Halos walang bumibisita dun para humingi ng tulong eh. Congrats! Ikaw ang mauuna. Sige na, yung pangalan ng babae ay si Ligaya, try mo lang naman eh kung papayag siya sa mga Paranormal cases. Ano sige, mauuna na ako ah. Dami pa naming projects oh, ang bigat-bigat ng bag ko." Sabi ko at tumakbo na, nakita ko pa siyang napakamot. Sa ulo habang nagsasalita ako. Wala na siyang choice WHAHAHA.

*BOGSH!*

"Sorry miss," sabi ng lalaki. Grabe, ang lakas ng impact nun sa akin ah. Sino bang bakulaw eto? Natumba ako at tinulungan niya naman akong tumayo. Ayan! Nasira tuloy yung hair style ko! LECHE FLAN.

"Aray," sabi ko at inayos ang buhok kong nakaharang sa mukha ko. Napatingin ako sa nakabangga ko at nakita ko siyang gulat, at aba syempre ako rin! Eh sino pa ba ang nandito sa harapan ko?! edi yung SIGBEAN!

"IKAW NA NAMAN?!" Sigaw naming dalawa, pesteng lalaki to, ang laki-laki tapos haharang harang sa daan. "BAT KA NA NAMAN TUMATAKBO?! AYAN NAGKABUNGGUAN ULIT TAYO!" Sigaw niya sa akin na ikinatinag ko. Potek lang ha, leche talaga siya. Kanina lang ang bait-bait niya, tinulungan niya pa akong tumayo tapos ngayon nag transform into a monster?! OMAYGASH, I'M SURPRISED. LECHE FLAN!

"EH SINO BANG HAHARANG-HARANG SA DAAN AH?!"

"EH SINO BANG TAKBO NG TAKBO?!"

THE BRIDGE IS THE OWNER (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon