IKAAPAT NA KABANATA: SNOB

33 1 0
                                    

IKAAPAT NA KABANATA: SNOB

"Saan ba kasi tayo pupunta?" I asked.

"PWEDE BA TUMAHIMIK KA NALANG?! KANINA KA PA DADA NG DADA DIYAN HINDI RIN NAMAN KITA SASAGUTIN." Sigaw niya.

"HOY ABA, MISTER SIGBEAN! NAGTATANONG AKO NG MAAYOS AT EXPECTED KO ANG MAAYOS NA SAGOT MULA SAYO KASO MUKHANG MALI ANG AKALA KO! BITAWAN MO NGA AKO!" Sabi ko at nagpumiglas sa hawak niya.

"Please? Sundan mo nalang ako. Tutol rin ako dito pero napag-utusan ako kasi tayo daw yung magkaaway at hinding hindi tayo mahuhulog sa isa't-isa." Sabi niya.

"ABA! SYEMPRE NAMAN NO!" Sabi ko at tumahimik nalang siya.

Pero nagulat ako nang hinatid niya ako sa classroom.

"DITO LANG NAMAN PALA TAYO PUPUNTA! HINDI MO PA AKO SINASAGOT!" Sabi ko at umirap nalang siya at lumayas na sa paningin ko. Ang hinayupak na Philip na yun! Ugh!

Pumasok na ako sa classroom at nakahinga ako ng maluwag nang wala pa ang teacher namin. Wala parin si Gemma. Kaya nakihalubilo nalang ako sa iba,

"Guys alam niyo bang may mga murder daw na nagaganap dito sa school na ito?" Bulong ni James, ang chismoso sa classroom namin. At dahil dakila rin akong chismosa, lumapit din ako sa kanila at nakinig sa kwentong walang kwenta. Tss,

"Talaga? Bakit hindi natin alam?"

"Kasi, yung papa ko Police officer. At sila yung nagsosolve ng cases dito sa school at pinapanatili nila yung sikreto sa loob ng campus."

"Weeh? Baka kung saan saan mo lang yan napulot. Kung sikreto nga, bakit sinabi ng papa mo sayo?"

"Narinig ko kasi silang nag-uusap kasama nung Inspector Hase."

"Sige nga. Pagpatuloy mo."

"Tapos nitong nakaraan daw, may namurder daw. Binabayaran lang nila yung mga estudyante na nakakita sa scene na hindi ipagkalat ang storya. Para daw walang mabahala."

"Taaaapooosss?"

"Tapos daw hindi nila alam kung sin oang may pasimuno ng lahat. Halos babae daw kasi ang namamatay. Narinig kong sabi ni papa eh, kasali daw ang detective club sa pagsolve ng mga cases. Ang astig nga eh. Kahapon may murder daw doon sa tapat ng library, sila yung nag solve at nalaman nila yung suspect. Wag niyong sabihin ito sa iba ha? Baka anong mangyari." Sabi niya.

"Good afternoon, class." Napatayo kami nang biglang pumasok si maam. Bumalik na sa kanya-kanyang upuan.

***

"Gemma, nasan ka ba?"

"Ha? Nasa bahay ako, hindi ako nakapasok kanina kasi umuwi ako ng bahay. May pinuntahan kasi sila mama at kailangan kong kunin ang duplicate na susi ng bahay."

"Ah ganun ba, akala ko kung san san ka na pumunta."

"Anong ganap? May assignment ba?"

"Wala naman. Mag review nalang daw sa topic natin, quiz daw bukas."

"Hay! Quiz na naman, hindi ba nila alam na halos patayin na nila tayo sa mga outputs, projects, assignments, pati ba naman sa Quiz."

"Mag-study ka nalang kasi. Di yung puro ka dada. Haha."

"Ah kahit na! We have rights. Ayoko nang mag-aral. Pero joke lang, may future pa akong haharapin. Haha, punta ako diyan sa inyo. Sleep over akooo. Sabay tayong mag study."

"Sige sige. Punta ka nalang ah? Pauwi na ako."

"Byeeeee."

At binaba ko na ang tawag. Papalabas na sana akong gate nang biglang may umakbay sa akin.

THE BRIDGE IS THE OWNER (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon