UNANG KABANATA- LUMANG LABORATORYO

41 6 0
                                    

Unang Kabanata

Dalawang taon na ang nakalipas at Grade 7 na ako. Miyerkules kahapon at galing ako sa kapilya. Malapit lang kasi sa bahay namin ang kapilya. Walking distance lang. Huwebes ngayon at dahil katapusan narin naman ng mayo ay pupunta ako sa paaralan upang magpa-enroll. Nagbibihis na ako ng damit ngayon.

"Iyang, bilisan mo na at baka dumami na ang tao sa eskwelahan at matatagalan ka." Sigaw ni lola sa labas ng kwarto ko. Kaya mas dinoble ko pa ang bilis ng pagbihis ko. Nakapantalon lang ako at naka T-Shirt. Hindi ako naglalagay ng kolorete sa mukha, kahit pulbos ayaw ko talaga.

"Nay, alis na ako." Paalam ko sa kanya. Nagluluto kasi siya ngayon ng agahan.

"Hindi ka na ba mag-aagahan?" Tanong niya at umiling na lamang ako.

"Madali lang naman po ako doon." Sabi ko at tumango na lamang siya.

"Osige, mag-iingat ka ah. Baka may maapakan kang tae sa daan, kawawa naman." Pagbibiro pa ni Nanay, at natawa na lamang ako at lumabas na ng bahay.

Nakatuon talaga ang mata ko sa daan dahil baka magkatotoo ang sinasabi ni Nanay na makaapak ako. Naglalakad lang kasi ako ngayon dahil walking distance lang rin yung bahay namin at ang eskwelahan. At nang makarating ako ay agad akong pumasok sa loob. Ang skwelahan kasi na ito ay may High school at Elementary, pero walang Pre-School. At ngayon, Grade 7 na ako, ang bilis talaga ng oras.

Nandito na ako sa labas ng Administration Bldg. ng High School. Ang dami ngang tao, nagugutom pa naman ako. Dapat pala kumain nalang ako kanina bago umalis. Nasa dulo pa naman ako ng pila. Dala-dala ko yung Card ko nung Grade 4 ako at line of 9 naman lahat.

***

"Ms. Ventura." Sabi nung teacher na nagfa-facilitate. Agad naman akong napatayo at ang saya-saya ko kasi ako na. Kinuha ko yung receipt kasi nagbayad ako ng 100 pesos para naman mabawasan ang bayaran.

"Huy! Bisprin!" Napaigtad nalang ako nang makita ko si Gemma. Agad naman akong napatakbo sa kaniya at niyakap siya. Kagabi nga lang kami magkasama, tapos parang miss na miss ko siya. Doon na kasi siya nagsisimba sa kapilya namin. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka pala dito!" Sabi niya at ngumuso pa. Loko talaga.

"Wala akong load eh, naghihirap si Mommy mo okay?" Sabi ko sa kanya na para bang may pinapagalitan na bata. Nagulat nalang ako sa sinabi niya.

"Eh sino si daddy? Yiee!" Panunukso niya pa at binigyan ko na lamang siya ng tumahimik-ka-friend-look, at buti naman nadala sa tingin. "Uy, kain muna tayo."

"Ah sige, tapos ka na bang magpa-enroll?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya kaya hinila ko na siya papuntang canteen.

Maraming baguhan, syempre highschool na ako. Pero, baguhan talaga sila, ngayon ko lang sila nakita sa school kahit iisa lang naman ang elementary, highschool, at college dito. Pagkarating namin sa canteen ng highschool manghang-mangha kami. Syempre, perstaym to! Hindi naman kasi kami pinapayagan ng mga highschool teachers na bumili dito sa highschool canteen noong elementary pa kami. At tsaka, totoo nga. Maraming pagkain, tapos mura pa.

"Waaaw! Bisprin, ang daming pagkain!" Manghang sabi ni Gemma sa akin.

"Oo ngaaa." Sabi ko rin sa kanya. Kaya agad kaming bumili. Buti nalang at may pera pa ako dito.

THE BRIDGE IS THE OWNER (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon