LONG DISTANCE RELATIONSHIP
Entry 2
Jaime's POV
Simula nung gabi na yun, halos hindi ako makatulog ng ayos. Tipong gabi-gabi, umiiyak ako sa pagiisip ng mga bagay bagay na pwedeng mangyari pag hindi na kami magkasama. PARANOID, OVERTHINKER, named it. Oo, naging ganan ako. Yung halos isang buwan nga na hindi kami nagkakausap, para na akong zombie. Idagdag mo pa na hindi din siya madalas magparamdam ngayon, kahit nung monthsary namin hindi nya man lang naalala kung hindi ko pa siya binati hindi niya maalala. Kinakabahan tuloy ako, ayaw ko kasi ng ganitong pakiramdam.
Ayaw ko ng pakiramdam na binabaliwala ako, yung hindi binigbigyan ng importansya. Unang beses nyang naging ganito saakin, kaya natatakot ako. Feeling ko kasi pwede siyang mawala saakin. Kaso yun yung ginagawa niya ngayon eh. Normal lang 'to diba? Kasi mahal ko siya kaya ayaw kong mawala siya saakin. Eto na naman kasi ako, nakatulala sa kawalan, hindi ko na kasi alam anong nangyayari saamin eh.
"Jai,kain tayo." Aya sakin ng katrabaho ko.
"Una na kayo, busog pa ako eh." sabi ko sa kanya habang nakatingin na ngayon sa computer desk ko.
"Sige," Tapos umalis na sila. Nakita kong umilaw yung cellphone ko, hoping na sana si jake yun. Kaso hindi, si mama pala. Tinatanong kung uuwi ba daw ako ng maaga.
Reply:
"Ma, hindi po ako sure. Baka kasi kumain kami ngayon sa labas ni Jake eh. Tetext na lang po ako. Iloveyou po."Jake's POV
"Absent ka ng ilang araw then pag balik mo, ito lang?! Nasaan na yung yabang mo?! Yung pinagmamalaki mo?! GET OUT." pag katapos niyang sabihin yung litanya niya. Umalis na ako sa office niya, As if naman gusto kong iyon lang yung ipakita sa kanya. Eh sa nagkasakit ako eh. Kasalanan ko ba yun? Tsk.
🎵"We found love in a hopeless place
We found love in a hopeless place
We found love in a hopeless place
We found love in a hopeless place" 🎵Mahal is calling..
Hays.. Eto na naman siya. Tawag na naman ng tawag. Kaya hindi ako makapag concentrate eh. Naiinis na ako.
End Button
Don't get me wrong, oo alam ko naman na sweet yung dating nang ganun. May nag-aalala sayo, mangangamusta. Pero nakakadala kasi, hindi naman sa lahat ng oras kailangan ganun siya diba? Nakakaumay sa loob ng walong taon ganun na lang lagi. Ewan ko ba. Parang nakakapagod na minsan.Minsan kasi pakiramdam ko. Ako si Jake Anthony Villamore, na nagtatrabaho sa isang sikat na company, pero parang hindi kumpleto yung buhay ko kung walang Jaime Antonette Perez. Parang wala ako kung walang siya. Yung nakadepende na lang kami sa isa't isa. Nakakasakal yung ganun. Kaya nga tinanggap ko yung offer sa Canada. Kasi alam ko in that way, We can both grow. I mean, maramdaman namin kung dapat pa ba naming ipag patuloy 'to. Yes, I'm starting to doubt my feelings for her.
Para na kasing may mali. Di bale, mamaya susunduin ko na lang siya. Babawi na lang ako mamaya. Pero sa ngayon. Gagawin ko muna yung trabaho. At papangangangahin ko yung Boss Busabosss na 'yon!
----
"Finally! Great Job Jake, You never fail to amused me." Sabi nung boos ko pag kabigay ko sa kanya nung project na tinapos, nirevise, pinagtyagaan, kanina.
"Thank you sir," Nakangiti kong sabi sa kanya. Tsk. If I know, naiinis na talaga saakin yan.
"You may go now."
BINABASA MO ANG
Long Distance Relationship (LDR)
Short StoryNasusukat nga ba sa layo ang pagmamahalan ng dalawang tao? Kung makakatagal ba sila o hindi? Imposible ba talagang makasurvive sa isang LDR?