LDR

1.6K 20 0
                                    

LONG DISTANCE RELATIONSHIP 

ENTRY 1

Bilang isang babae, pinangarap ko  na magkaroon ng isang maganda, masaya at memorable na lovestory. Isa lang akong munting bata na noon pa man ay naniniwala na sa isang love story at happy ending. Pero kagaya nga ng sabi nila,  "Things happened at the most unexpected moment" and that, what happened to US. 

Jaime's POV

Isang boring na umaga para sa lahat. Hays.. ito na naman ako. Nakatingin sa kawalan. Hirap talaga kapag nagtatrabaho ka na, hindi mo na hawak oras mo, ang boring tuloy ng summer ko ngayon. Namimiss ko na din pala siya. Ilang linggo na din pala kaming hindi nagkakausap ng matino. Kailan ba kami babalik sa dati? Magmula ng umalis ako . Lagi na lang kaming nag aaway. Nakakaumay na. Away-bati. Susuyuin mo tapos kung ano ano munang masasama ang sasabihin sayo bago ka patawarin. Kung tutuusin naman , wala kang ginagawang masama. Sadyang mahal mo lang talaga siya kaya hindi mo kayang iwan. Ano ba 'yan! Kanina pa ako nag kukwento sa inyo tapos hindi niyo pa naman ako kilala. 

So.. ako nga pala si Jaime Antonette Perez, 21 years old at kakagraduate lang ng College. Simple lang naman ako. May boyfriend ako at mag wawalong taon na din kami. Oo, WALO. Ibig sabihin mula ng First year highschool kami na. Palihim nung una, pero nung dumating yung pasukan . Sinabi ko din sa mga magulang ko .

Nung una ayaw talaga nila. Pero pinag-igi ko naman yung pag-aaral ko. At sa bandang huli, pumayag din naman sila. Siya si Jake Johnson Alcantara, isang dancer at basketball player. Magaling din siyang gumuhit. At ng dahil dito, kaya kami naging konektado sa isa't isa. 

Una kasi naming pagkikita, sinabi niya agad na "kamukha mo yung dream girl ko." Syempre akala ko bola lang o para-paraan lang para makadiskarte. Kagaya ng ibang lalaki, pero pinakita niya saakin yung drawing, at nagulat ako kasi, kamukha ko nga. Simula noon, lagi na akong nangiti sa kanya kada makikita o makakasalubong ko siya. Para bang hindi na siya iba saakin. Lumipas ang araw at buwan. Kinuha na niya yung number ko. Ako na isang beses sa isang buwan magload? Araw-araw na. Laging nakangiti pag kausap siya. Kahit alam ko na that time may iba naman talaga siyang mahal. Lagi kaya siyang naiyak, ewan ko. Basta nahulog ako sa kanya noon. Basta basta na lang, walang sabi sabi. Mahal ko na pala siya. 

Ang saya lang, puro kasi kalokohan yung alam namin,nagtatawanan habang naglalakad, naghahabulan kahit sobrang daming tao. Syempre kasama sa pagiging inlove ang KILIGIN. Yung first holding hands, first hug.  Yung mga ganun? Nakakamiss balikan. 

Oh well. Bakit ko ba binabalikan ngayon yun eh may trabaho pa akong dapat gawin. Sobrang busy namin parehas at dahil sa sobrang busy kami, halos isang buwan na kaming hindi nagkakausap at nagkakasama. Malapit na nga din kaming mag monthsary eh. Kamusta na kaya yun? Hindi niya naman kasi sinasagot mga tawag at text ko. Dadalawin ko na lang siya sa bahay nila mamaya. Maagaa naman akong uuwi eh.

---

" Una na ako sa inyo. "  sabi ko sa mga kaibigan ko na kasama ko sa trabaho.

"Sigurado ka ba? Ang lakas ng ulan oh." Totoo, para ngang may bagyo eh. Nginitian ko na lang sila at tumango. Kakamustahin ko lang yung Mahal ko. Tapos uuwi na din ako. 

---

" Para po ." 

Bumaba na ako sa jeep na sinasakyan ko. Medyo tumigil na din naman ang ulan at ambon na lang sa ngayon, kaya isinara ko na yung payong ko at naglakad sa may gate nila Jake.

*ding dong*

Pinagbuksan ako ng yaya nila. 

" Ma'am pasok po kayo, sino pong hanap niyo?"

" Salamat, si sir jake mo ba andyan sa loob?"

" Ah opo. Nasa kwarto niya po, tatawagin ko po ba?"

" Ah hindi na, ako na lang pupunta sa kwarto niya."

" Ah sige po. "

Pumasok na ako sa loob ng bahay nila, dumiretso ako agad sa kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto, Nakita ko siyang natutulog at sobrang kalat ng kwarto niya. Sobra . Parang dinaanan ng bagyo. 

"Mahal ko.. " Nang tawagin niya ako, napatingin ako. Akala ko  kasi gising na siya . Pero only to found out na. Nananaginip lang siya. Kinuha ko yung nakatago kong damit sa closet niya. Minsan kasi pinapayagan ako nila tita na dito matulog. Kaya nagdadala ako ng damit. Pero mukhang ngayong gabi, ganun ulit ang mangyayari. 

Nagpunta na ako sa washroom at nagpalit ng damit. Sinimulan ko na ding ayusin yung mga gamit niya. Ilagay sa tamang lalagyan. Kahit kailan talaga, ang kalat nitong taong 'to. Halos tatlong oras din ata ako naglinis, tapos saka ako pumunta sa tabi niya. At ngayon ko lnag nalaman. May lagnat pala siya . Holysh*t .Masama kasi siyang lagnatin. Tumatagal ng isang linggo at sobra siyang nanghihina.

" Bakit nag kalagnat ang mahal ko? Teka lang ha. Kukuha lang ako ng bimpo. Tapos aalagaan na kita ."

---

Nagising ako dahil sa sikat ng araw,hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa kakabantay sa kanya kagabi. Nagsend na din ako ng day off kahit two to three days lang. Pahirapan pa nung una, ayaw nila ako payagan sinabi ko na lang na may sakit ako, whixh is feeling ko magiging totoo. Saka kailangan ako ng Mahal ko eh. Pagmulat ng mata ko, tinignan ko agad kung okay na ba siya. Mukha namang bumaba na yung lagnat niya. Tatayo na sana ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko. 

" Gising ka na pala. Anong gusto mo?" Wala siyang sinabing kung ano, basta hinigit niya lang ako sa tabi niya tapos niyakap ako ng mahigpit. Syempre ako naman,yumakap na din. Namiss ko 'to eh.

" I miss you," sabi niya 

" I miss you too," Hinigpitan niya pa ang yakap sakin.

" Mahal ko.."

" Po?'

" I'm need to go to Canada for three years," Huh? Canada? Three years? 

" Is this a joke?" Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o totoo. So this time, alam ko sasama na ng sobra yung pakiramdam ko. Fvck. 

Long Distance Relationship (LDR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon