Entry 5
" JAIME!!!! Mapupudpod na yung sahig kakamop mo! Sobrang linis na ng bahay anak." narinig kong sigaw ni mama mula sa kusina. Natawa na lamang ako, dahil tama naman sya, pero dun lang sa part na sobrang linis na ng bahay ha. Kasi sa totoo lang, kahapon pa ako naglilinis. I took a 1 week off and pinayagan din naman ako ng boss ko.
It has been 2 weeks since our last fight. We do still talk to each other pero sobrang iba na. Kahit update wala, magchachat like "hi, kain ka na. ingat ka" then you'll have to wait an hour or a day for his response naman. I kinda feel so tired. Tired of waiting for him. Tired of this. Gusto ko na lang matapos 'to. Ayaw ko na ng ganitong pakiramdam.
"Ma, ang OA mo. Hayaan mo na, bukas naman back to work na ako, ikaw na naman gagawa ng lahat ng yan. HAHAHAHA." sabi ko kay mama habang binabalik ko sa pwesto yung vacuum na nakuha nya sa raffle sa barangay namin. Pagkatapos ko ng gawin yun, pumasok muna ako sa kwarto ko para sana kunin yung mga damit ko. Pero bago ako lumabas, napadaan sa malaking salamin sakwarto ko at natitigan ko yung sarili ko.
Two weeks.
Sobrang tagal na naming hindi okay at sobrang daming nagbago sa itsura ko simula ng two weeks na 'yon. Sobrang lalim na ng eyebags ko, dumadami na din yung mga tigyawat ko, yung mata ko parang pagod na pagod lagi. Halos hindi na din ako nakain kaya namamayat na daw ako, lagi lang ako nagtutubig. Kapag pinapagalitan ako ni mama nakain ako pero pagtalikod nya nilalagay ko sa pinggan nya yung pagkain. Sobrang wala ako sa sarili ko. Pero hindi naman pwedeng ganito lagi diba?
"Jaime, kaya mo yan. Kakayanin mo 'to." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Lumabas na ako ng kwarto para maligo, naabutan ko si mama na naghahain. Kaso parang may mali, bakit ang dami?
"Ma? Fiesta ba? Anong dami naman nyan?" nakakunot noong sabi ko sa kanya.
"Anak, birthday mo. Gaga ka ba?" namamahang sabi nya saakin dahil sa pagtatanong ko. Napatitig ako ng matagal kay mama. Para akong nabingi. Ha? Birthday ko? Ano ba ngayon?
"Syempre pupunta dito mamaya ang mga lolo at lola mo. Ano ka ba naman bata ka. Ay nako, maligo ka na nga lang." tinulak tulak nya pa ako papunta sa banyo.
Tunay ba? Shet. Ang bobo ko naman, bakit ko nakalimutan yun? Ganun na ba kabigat lahat at nakalimutan ko mismong birthday ko? Potek! Paano ko nga ba naman maaalala, e bati nga mula kay Jake wala, kaya pala ang dami nagchat kanina at nakatag sa ig.
Teka nga, maliligo na muna ako.
Jake's POV
Two f**king weeks
Hindi ko alam paano ko 'to nakakaya. Paano kong nagagawang tiisin yung babae na mahal na mahal ko?
Sa loob ng dalawang lingo, halos hindi kami nagusap. Miminsan na lang din magchat, ni hindi na nga ata chat yun o update na matatawag, daig pa namin yung naglalandian na nagghoghost sa isa't isa. Maalala tapos mawawala ulit. Hindi ko na alam yung gagawin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/14647086-288-k364241.jpg)
BINABASA MO ANG
Long Distance Relationship (LDR)
Short StoryNasusukat nga ba sa layo ang pagmamahalan ng dalawang tao? Kung makakatagal ba sila o hindi? Imposible ba talagang makasurvive sa isang LDR?