Entry 3
🎶🎶Kumupas na
Lambing sa yong mga mata
Nagtataka kung bakit yakap mo'y 'di na nadarama
May mali ba akong nagawa?
Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita
Bakit kaya?
Parang hindi ka na masaya🎶🎶
"Oy! Ja! Magtigil ka nga sa soundtrip mong yan. Napaka emo mo talaga!" Nakakabinging sabi saakin ng kapatid ko. Hindi ko na lang siya pinansin at sinabayan pa yung kanta. Ganito ako kapag problemado or sadyang wala lang talagang magawa. Ngayon, feeling ko problemado ako. Hays.. ilang buwan na kasing wala si Jake sa Pilipinas. Mag aanim na buwan nadin siya sa Canada. Okay naman kami nung mga tatlong buwan eh. Laging may communication, kaso nitong nagpang-apat na buwan na. Naging madalang na lang, magdadalawang linggo na din syang walang paramdam.
Parang biglang nawalan ng gana, Yung iniintay mo siyang mag online, tapos mapupuyat ka kasi ni isang message mula sa kanya wala kang marereceive.Minsan naman, online sya pero hindi padin sya nagchachat, may usapan kasi kami bago sya umalis, na wag masyado magchat oras oras kumbaga kapag may free time naman lagi nya akong iuupdate, wag daw ako masyado magisip. Minsan nakakapagod na din kasi. Kaso syempre, mahal ko yun eh. Hinding hindi ako susuko sa kanya.
"Anak," nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko. Kaya napatingin agad ako. Si mama pala. Umayos ako ng higa, humarap ako sa side ni mama saka ako nahiga sa hita niya.
"Ma, hindi ko po alam anong dapat kong maramdaman. Hindi na siya halos nagpaparamdam saakin. Pakiramdam ko nakalimutan na niya ako." And with that, bigla na lang tumulo ang luha na ilang araw ko ng pinigilan.
Walang ibang sinabi si mama. Hinayaan niya lang akong umiyak sa mga hita niya. Habang hinahagod naman niya ang likod ko Na para bang binibigyan niya ako ng lakas ng loob.
Pero sa totoo lang hindi ko alam anong gagawin ko. Hindi ko na alam. Gulong gulo na ako.
Parang may iba na.
--
Jake's POV
Hindi madali mabuhay magisa. Yung lahat na lang ikaw ang gagawa. Araw araw kailangan mong makisama sa mga taong ngayon mo pa lang naman makikita. Yung kahit gustong gusto mo na lang sumuko pero hindi mo parin magawa kasi may mga pangarap ka. May gusto kang patunayan, may gusto kang ipagmalaki.
Kaso kada nagiisa ako. Nauuwi lang lahat sa paginom ng alak. Miss na miss ko na yung buhay ko sa pilipinas. Yung pamilya ko.
Miss na miss ko na din si Ja.
Sobrang hirap na magkalayo kami tapos lagi naman kaming nagaaway kapag naguusap. Lagi kaming hindi na magkaintindihan, kahit minsan naiinis na ako hindi ko padin siya maiwan kasi lahat naman ng ginagawa ko para din naman saamin eh bakit ba hindi niya yun maintindihan? Kaya imbis na kausapin siya mas pinipili ko na lang na matulog pagkauwi kasi pagod na ako tapos siya yan, magagalit pa.Imbis na tulungan niya ako, wala eto, mas gusto ko munang dumistansya sa kanya, ewan ko ba. Bakit ba ang gulo gulo ng mga babae? For almost 8 years hindi ako nagreklamo, kasi nasa isip ko baka naman mababago niya pa yung ganitong ugali, pero fvck. Malapit na kaming mag nine years eto padin? When I needed her the most, saka naman siya sinumpong ng mga tantrums niya.
At as I've said, kada mag-isa ako, nauuwi sa inom lahat ng natitirang oras ko, anong oras na kaya sa pinas? iniintay niya kaya chat ko? Well, kasama ko naman ngayon si Francis, bago kong kaibigan dito sa Canada, siya lang kasi yung nafefeel ko kasama sa firm namin.
"Alam mo 'pre, kung hindi mo kayang mawala sayo, aba kilos na. Magtatype ka lang naman oh." Sabi niya saakin sabay abot ng shot glass.
"Hindi ko alam anong sasabihin ko eh. Ayaw kong sigawan niya ako. Ang dami kong gustong ikwento sa kanya, pero baka hindi naman siya makinig."
"Bakit ilang linggo mo na ba siyang hindi pinapansin?"
Inabot ko muna yung isa pang bote ng alak.
"Magdadalawa na, ano naman kasing gusto mong sabihin ko sa kanya? na ayaw ko siyang makausap kasi nakakarindi siya? Lalo lang kaming magaaway."
"Ilang taon na nga kayo?" nagtatakang tanong ni Francis
"Walo na." walang kagana gana kong sagot sa kanya
"Sa loob ng walong taon na yun hindi mo padin alam ugali niya? Kahit paano siya suyuin? Ano yun? Pinagtiisan mo lang kasi wala ng iba? Bat binabalewala mo na yung nararamdaman niya? Hindi mo na mahal?"
Mahal.
Yan agad yung naging sagot ng utak ko, pero hindi ko kayang sabihin mula sa bibig ko, kasi tama si Francis, mahal ko siya pero ano nga ba tong ginagawa ko? Nasanay na din ba ako na ako lagi yung sinusuyo niya nitong mga nakaraang buwan?
"Pre saglit lang ha."
Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha yung cellphone ko, Sinearch ko agad yung pangalan ni Ja sa viber ko. I need to make it up to her. Masyado na siyang nahihirapan.
*unreachable*
I tried almost 10x pero wala, waepek padin kasi puro unreachable. Argh! Where the hell is she?
I think I should contact Tita also.*Calling
"Yes, iho? Kamusta ka na?" bungad agad saakin ni tita
"Ayos lang naman po, kayo po kamusta na po?"
"Okay lang din naman kami, napatawag ka?"
"Tita, si Ja po? Hindi ko po kasi siya makontact eh, halos nakakasampu na po akong tawag wala padin po." narinig ko ang pagbugtong hininga ni tita
"Hindi ba sya nagpaalam sayo? Umalis kasi sya kanina, kasama si Amber. May paparty ata kasi malapit na magsummer eh kanya kanyang bakasayon galore sila." Napatigil ako sa sinabi ni tita.
P-pa-party!? And she doesn't even have the guts to tell it to me!? Kailan pa sya natuto ng party party na yan!? Isang shot lang lasing na sya!
"Hello iho? Still there?"
"Ah, opo, sige po tita, maraming salamat po. Magiingat po kayo diyan, pakamusta na lang po ako kay tito."
"Sige iho. Magiingat ka dyan. Sabihin ko na lang kay Ja na tumawag ka. Babye."
at saka ko binaba yung tawag. Fvck naman oh! Naibato ko yung basong hawak ko dahil sa inis. Leche naman oh! Ako halos mabaliw na dito kakaisip sa kanya, tapos ano siya!? Nagpaparty lang?! Ano ba namang klase yan! Ni hindi nga siya nagchat saakin o kahit ano pa man, active an hour ago siya nun! Itatype niya lang naman!
"ARGH! LECHE!"
"Hoy! Anyayare sayo?" Napatingin ako kay Francis ng may mapait na ngiti
"Napalitan na ata ako eh."
---
Hi po! Uhm. Sorry po kung ngayon na lang po ulit ako nakapagupdate. Pero salamat po sa mga nagbabasa nito. Thank you sa pagiintay. Medyo naging busy lang po talaga.
-VJAS
BINABASA MO ANG
Long Distance Relationship (LDR)
Short StoryNasusukat nga ba sa layo ang pagmamahalan ng dalawang tao? Kung makakatagal ba sila o hindi? Imposible ba talagang makasurvive sa isang LDR?