Chapter 1

414 9 5
                                    

"Sulat ni Ace"


Bago ko simulan ang ka-echosang ito, maari po ba na ipakilala muna natin sila isa-isa? Alam ko naman na ako parin ang masusunod kaya diyan na lang kayo at mag-basa na lang.

"Hello, I'm Mia Megan Mercado but you can call me Mia. Actually, 3rd year na ko this year. Dahil nga sa ako ang bida sa storya na ito, hindi pwedeng mawalan ng Bestfriend ang protagonist diba? As if nga na storya to~ 

Reality ito GURL, wake up! Nasa mundo ka ng mga mortal, ng tao! Walang alien bruh! Walang naniniwala sa forever dito~ Hahahahaha, ay meron pala!

Pero tama na ang satsat, meet my bestfriend. She is Lynn Merza, the girl behind this kalandian umagang-umaga."

Ngunit biglang nakaramdam ng mahinang hampas si Mia sa balikat at napatingin siya kung sino ang may gawa nito.

"Sigh — Are you my bestfriend?" Nakataas ang kilay ni Lynn habang nagtatanong kay Mia.

"Awtsu" Nag-pout si Mia at binaba ang phone niya.

Nag-vivideo po kasi si Mia a while ago.

"De joke lang. Bakit ba kasi video ang ginagawa mo? Sabi ko picture-ran hindi video-han." Sabi ni Lynn at biglang hinablot ang phone ni Mia at ini-stop ang pag-vivideo.

"Ayyy — Bakit mo inistop?!" Gulat na tanong ni Mia kasabay ng pag-hablot muli nito mula sa kaibigan.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Andyan na sila!" Sigaw ng mga mahaharot na babae. Gravity! 

Napatingin naman agad si Lynn sa mga nagsisigawan. Dahil nga sa nalingat ang atensyon ni Lynn muling nag-video si Mia.

"Bilang continuation ng naudlot na video kanina. Ipapakilala ko naman sa inyo ang mga pinagmamalaking mga Prinsipe ng aming school na kilala sa tawag na THE CAL. Meaning Cam, Ace and Luke. Bakit nga ba sila sikat? Napakadaling sagutin. Kasi mukha silang mga Prinsipe lalo na si. . ." Biglang nahinto si Mia ng mapansin na padaan na ang The CAL sa harapan niya. 

"Mia! Nakakahiya a! Bakit kailangan nakanganga? Lakas talaga ng tama mo kay C—." Biglang tinakpan ni Mia ang bibig ng kaibigan. 

"Huwag ka nga maingay! Mamaya marinig nila. Ito ka mo!" 

Pagkatango ni Lynn ay tinanggal na agad ni Mia ang kamay mula sa pagkakatakip sa bibig ng kaibigan. Muli niyang itinuloy ang pag-vivideo ngunit mga ilang segundo lang ay tinapos na rin niya ito.

Dahil nga sa tapos na ang araw-araw na seremonya sa pag-salubong sa The CAL ay nagsipasukan na sa kani-kanilang room ang mga mahaharot na kababaihan. 


          * * * 


Ang the CAL nga po pala ay kaklase ng ating protagonist, si Prince Ace ay ang seatmate ni Mia. Siya ay kilala bilang the Romantic Type sa tatlo. Hindi mo rin ito maitatanggi sa itsyura niya.  

"Good morning" Nakangiting bati ni Ace ngunit mahahalata mong may hinahanap siya.

"Ang gwapo niya talaga ano?" Nakangiting siko ni Lynn sa katabi niyang si Mia na busy sa pag-tingin sa pag-vivideo niya kanina.

"Yup! Lahat naman sila Best."  Tugon ni Mia sa bestfriend niya na hindi winawaglit ang mga mata sa phone.

"Talagaaaa?" Tanong ni Lynn na parang may ibig sabihin sa tono niya.

Napatingin naman agad si Mia sa kaibigan at ginantihan ito ng nakakatawang mukha.

"Oo na Te! Syempre special parin si Heart." Sabi nito habang hinahanap sa loob ng classroom si Heart niya.

My Doll Princes (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon