Chapter 2

207 6 2
                                    

"Holding my Hand?"


Hi! Meet the Inggit Girls, mababait yan kung kagrupo ka nila. Kung hindi naman, e goodluck na lang sa mga panlalait nila at mga sasabihin sayo. They are bad! Dahil nga sa insecure sila, lahat gagawin nila to make you feel miserable!      

Kinabukasan lahat ng mga mata ng mga Inggit Girls ay nakamatyag kila Ace at Mia. Utos ni Leader e. Katulad ng naka-gawian, pretend-pretend na naman ang peg ni Ace ngayong araw. Kunwari nakalimutan na naman niya yung libro pero hindi namam talaga! 

"Diba sabi ko dalhin mo na yung libro mo. Bakit hindi mo na naman dala?" Bulong ni Mia kay Ace.

"What? Hindi kita marinig" 

Actually guys, sinasadya lang talaga ni Ace the Great Pretender na hindi niya narinig si Mia. Gumagawa lang talaga siya ng mga The Moves niya. Alam niyo yung kunwari hindi narinig tapos ilalapit mo yung mukha mo sa katabi mo para marinig, ay nako!

"Sabi ko bakit hindi mo dala yung libro mo?" Bulong ni Mia.

"Napag-tanto ko kasing baka hindi mo na ulit ako kausapin kapag dala ko na yung libro ko" Bulong niya kay Mia tapos sabay ngiti, alam niyo yung nag-papacute?

"Bahala ka sa buhay mo!" Bulong ni Mia at lumayo kay Ace. Para ipakitang naiinis sya dito.

"Hoy, bakit ka lumayo. Galit ka? Sorry na please" Panunuyo nito kay Mia.

"Ang kulit mo kasi sabi ko dalhin mo na yung libro mo e." Nakatingin na sagot ni Mia kay Ace at lumapit ulit dito

"I don't promise but I will try, yan na a!" Kainis naman. Ano kayang magandang dahilan bukas?

Tugon ni Ace ngunit hindi na siya pinansin ni Mia.


     [Lunch break]  


"Asan na ba si Lynn?" Tanong ni Mia sa sarili.

Habang nag-lalakad sa corridor, palingon-lingon sya at hindi binibigyan ng pansin ang dinadaanan. Sa hindi inaasahan na pangyayari, may paliko pala yung dini-diretsyo niya na daan at may lalaki rin ang paliko sa direksyon niya. 

 Boooooogg!

Nag-kabanggaan sila ng hindi sinasadya, nahulog ang mga librong hawak nang lalaki. Nagulat naman si Mia at pinulot agad ang mga ito at nanghingi ng pasensya.

"Sorry, Sorry po. Hindi ko sinasadya na mabangga ka, sorry ulit" Paghingi ng despensa ni Mia, pagkapulot niya ng mga libro ay dali-dali siya na tumayo at humarap sa tao na nabangga niya at inabot ang mga ito.

"Ayos lang, mag-ingat na lang tayo pareho sa susunod" Nakangiti na sabi nito kay Mia at kinuha ang mga libro.

"Thank you nga pala" Pahabol niya

 "C-Cam?" Nauutal na bigkas ni Mia Susmaryosep! Totoo ba to? Si H-Heart ko ay kaharap ko na at nakakalusaw ang kagwapuhan niya > 3<

"How did you know my name?" Pero yung mukha niya ay medyo familiar e.

"Magkaklase tayo." TT ^ TT Dismiyadong sagot ni Mia.

"Pasensya hindi kasi kita pansin." 

Ouch! 

"Oo nga pala, una na ko. Bye" Paalam ni Cam

Nagulat na lang si Mia sa susunod niya na ginawa. Bigla niya hinawakan ang braso ni Cam.

"Bakit?" Napalingon si Cam sa kanya

"A-e, um. . Anoo?" Mia Megan Mercado ano naman ang ginawa mo lokaret ka! Matuto ka naman na mahiya, si Heart yan o!

My Doll Princes (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon