--- CHAPTER 5 ---

223 6 0
                                    

--- Chapter 5 ---

" TUROOOOOON! "

________________________________

Kinabukasan ng umaga..

"Anak nakita mo na ba yung mga bagong lipat? Ang gwa-gwapo nila!" Bungad kaagad ng nanay niya ng makita nito si Mia..

"Ahhhh..." Sabi ni Mia habang tinatanggal ang mga muta niya. Kagigising niya lang kasi at mukhang tulog parin ang utak niya sa mga nangyayari..

"Alam mo ba anak, mukhang mababait ang  mga bagong lipat diyan sa kabilang bahay.." Nakangiting sabi nito sa anak niya. Pero bigla itong nainis. "Anak! Gumising ka na nga! Magdilig ka nalang ng halaman diyan!" Naiinis na utos ng nanay niya sa kanya. Nakita niya kasing humiga ulit sa sofa yung anak niya para matulog ulit.. Atsaka, mag-aalasyete palang naman kasi.

"O-Opo!" Sabi niya kaagad ng marinig yung sigaw ng nanay niya.. Tapos nagising na ang kanyang utak at gumagana na ito ng maayos.. 

Dahil nga sa medyo takot siya sa nanay niya. Sumunod kaagad siya at dumiretsyo sa bakuran nila at nagsimula na kaagad mag-dilig ng mga halaman. Kahit hikab siya ng hikab..

*yawning* Nakakaantok parin ahh! Bat ba kasi sobrang aga kong nagising?! Siguro nasanay na akong magising ng maaga.. Pero alam niyo inaantok parin ako eh.... Iniisip niya..

Habang busy sa pagdidilig si Mia...

"Psssstttt!" 

Hindi niya narinig.. Busy nga kasi sa pagdidilig ng mga halaman..

"Pssstttttttt!" 

Hindi niya parin narinig......

My Doll Princes (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon