Prologue

427 10 4
                                    


Uulitin ko, ako si Mia Megan Mercado.

Inosente ako dahil hindi ko ginustong masangkot sa kaleche-lecheng riot ng "THE CAL"

Oo crush ko si Cam, pero hindi parin yun sapat. Hindi rin kami close ni Luke, dahil kung kayo mahal na mahal niyo siya. Ako naman yung nag-iisang papatay sa kanya kapag nagkataon. Tapos kay Ace naman, seatmate ko lang talaga siya. Masama ba na kausapin ang seatmate?! Tsaka siya nag-uumpisa ng usapan. (Well, maganda ang lola mo). Hahahaha :D

Marami akong pinaglalaban! Kaya pasensya na kung Prologue palang reklamo na ko ng reklamo. Kasi naman sila e. Payapa at malayang pinagmamasdan ko lang dati si Cam tapos ngayon. . . Ni pagsilay hindi pwede?! Aba matinde.

Tapos meron pa pala silang Secret na mas nagpainting ng mga eksena. Sheet lang diba?!

Ang ganda ko kasi e. Sa sobrang ganda ko natalbugan ko na si Aphrodite, tapos ayon pinarusahan ako. Kaya abot-abot tuloy kamalasan ko at nasangkot pa ko sa isang nakaka-iritang katangahan na dapat hindi ako KASALI! Kung yung mga bata ayos na sa kanila yung kahit saling-pusa lang. 

Ako?! Ha, NOOOOOOOO~ Hindi na. . . Umpisa palang ayaw ko na! Promise.

I will never ever involve myself sa THE CAL, swear! Hindi ko po ito ginusto. Siguro badtrip si Big Brother walang napagdiskitahan tapos natuon yung tingin sakin (eye catchy pala ako?). Tapos sabi niya. . .


"Siya na lang!"


Ay sheet! Pwede magbiti na?

My Doll Princes (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon