Chapter 3

217 7 2
                                    

"Mga Babala"


     Garden, kung saan dinala ni Luke si Mia..

"Bakit ba tayo nag-punta dito?" Tanong ni Mia na medyo hiningal kahit papa-ano. Nakaramdam na rin sya ng gutom. 

"Nothing, your Mia right?" Tanong ni Luke kasabay ng pag-bitaw sa kamay nito.

"Oo.." Sagot ni Mia na medyo nag-tataka. Buti pa sya, kilala ako. Samantala si Cam, hindi! TT~ TT

"Mag-kakilala ba kayo nila Cam at Ace?" Teka nga, nakakahalata ng ko sa sarili ko ah, bakit nga ba kanina pa ko tanong ng tanong? Pansin ko lang. 

"Seatmate ko si Ace at si Cam, parang kanina nga lang kami nag-kakilala eh. Teka nga, bakit mo ba tinatanong sakin to?" Tanong ni Mia habang nakatingin kay Luke.

"Ahh.. Eh, kung ganoon. Bakit hawak nila yung braso mo?.." Isa pang tanong ni Luke. Sa totoo lang, curious lang talaga ako kay Cam pero kay Ace, sanay na ko. Yun pa! Matinik kali yon. 

"Hindi ko nga alam eh, nagulat na lang din ako nung hawakan nila yun braso ko." 

"Talaga?" Seryosong tanong ni Luke na ikinagulat naman bigla ni Mia.

"Oo, b-bakit?" Medyo na-uutal na sagot ni Mia

"Layuan mo sila. Layuan mo si Ace at Cam." Sabi ni Luke at tumalikod na kay Mia para umalis. 

"Sandali lang Luke!" 

"Ano pa bang tanong mo?!" Naiinis na tanong ni Luke kay Mia. 

"Bakit mo ko pinapalayo sa kanila? Ano bang problema, galit ka rin ba sakin? Wala naman akong masamang ginagawa ah." Sabi ni Mia. Tama nga yung sabi-sabi. SUPLADO siya!

"Gusto ko lang. Wala ka na ring paki-alam sa iba ko pang rason kung bakit kita pinapalayo sa kanila." Sagot ni Luke at tinuloy na ang pag-alis.

"Tsk, grabe ha! Masama bang malaman?! Suplado!" Bakit nga ba ko napasok sa gulong to? Hinahanap ko lang naman si Lynn eh. 

     Palabas na ng Garden si Mia dahil nararamdaman niya na yung sigaw ng tiyan niya. May sigaw ba yung tiyan? Hayaan niyo na nga. Nang hindi inaasahang may humarang sa kanya. Hulaan niyo kung sino? 

     Edi sino pa bang mga KONTRABIDA dito sa istorya?! The Inggit Girls..

"Oh Mia Megan Mercado, na kilala sa tawag na MIA!" Parang pakantang sinasabi ni Leader habang pa-ikot na tinitingnan si Mia.

"B-Bakit? May kailangan ba kayo?" May nagawa na naman ba akong masama sa mga ito?

"Wala naman." Sagot ng kulot kahit hindi naman sya yung kinakausap ni Mia. Epal!

"Wala naman pala eh, sige una na ko." Akma na siyang tatakbo ng biglang hawakan ng mahigpit ng dalawang babae yung braso niya. Yung 2 babae na iyon nakapwesto sa gilid niya. Yun siguro yung purpose nila ang hawakan si Mia. "Ano ba yung ginawa ko sa inyo?" Nakaka-inis na kamo! Wala naman akong ginawang masama sa mga to eh. Bakit ganto kagalit ang mundo sa isang inosenteng babae na katulad ko ha?! Paki-explain, love you!  

"Nilalandi mo kasi ang The CAL! Balita ko rin na mas nilalandi mo si Ace, tama ba?! Lagi ka daw nanghihiram ng libro sa kanya! Ang kapal din ng mukha mo no?!" Sabi ng leader, isa ring epal sa mundo. 

"Nag-kakamali ka, si Ace yung nang hihiram ng libro sakin. Atsaka, hindi ko naman sila nilalandi eh" Hahagilap na nga lang ng balita, pamali-mali pa! Kung makakapal ng mukha naman tong babae na nasa harap ko kala mo kung sinong maganda! Maganda nga nakakainis naman yung ugali! Useless bro, USELESS! 

My Doll Princes (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon